
It was a big day for Colet and Jhoanna.It was finally their moving day. After a series of apartment hunting na akala nila ay wala na silang makukuha, Colet found a random facebook post one day. Malapit sa SLEX, pero malapit din sa workplace ni Jhoanna. Sobrang ideal location nito for both the both.
Inside a tiny apartment were stacks of boxes lining up in a small hallway and furnitures placed wherever it fits for the meantime.
Si Jhoanna ay abala ngayon ayusin ang kitchen nila habang si Colet naman ay kanina pa nagtutulak ng mga furnitures. Jhoanna insisted na siya ang mag-aayos ng kitchen since ito lang ang magiging ambag niya rito. Mas masarap kasi magluto si Colet at mas marami siyang alam lutuin kaya the two settle na si Colet ang chef sa relasyon na ito.
“Mahal, would you prefer na nasa taas ‘yung mga pots or gusto mo nasa baba para mas madali maghanap?” Jhoanna asked.
“Siguro.. Siguro sa baba nalang.” Colet tried to answer while pushing a mid-sized sofa.
Jhoanna peeked at Colet and kaagad namang nagkunot ang noo niya.
“Mahal, sabi sa’yo sa wag sa may bintana ‘yung couch eh.” naglakad ito papaunta kay Colet with her arms crossed over her chest. “Sayang ‘yung light from the windows kung matatakpan lang.”
“Pero hindi ba mas cozy to kasi at least hindi sa atin direct ‘yung init kapag umaga?” Colet dropped herself on the couch. “Lika nga muna dito, need ko na ata ng bebe time muna.”
"Hay nako, mahal.." naglakad ito pabalik ng kusina. "Ang dami pa nating aayusin.. 'Yung boxes na dala mo, ni isa walang label kaya hindi ko alam kung anong aayusin."
"Parang saglit na bebe time lang eh..." Colet groaned bago ito tumayo papunta sana sa boxes that was piled up sa hallway. Her two cats circling her, meowing for food. "Alam ko naman kung which is which kaya you don't have to worry."
"But mahal, pupunta sila Mommy and Daddy dito for dinner to check on us. Ayoko naman na ang dami pa nating kalat pag dumating sila." she answered while stacking up the pans on the cabinet under the sink.
"I'm sure maiintindihan nila kung makalat pa talaga.. We've been here for what, 3 hours palang naman." Colet answered while scanning the boxes. "Mahal, tingin mo asan ko rito nilagay yung mga cat food?"
"Ayan ang sinasabi ko sa'yo, Ma. Nicolette!" Jhoanna groaned before getting up. She walked up to Colet with hands on her waist. "I told you na lagyan ng labels itong boxes mo when you were packing!"
Patay, full name na. Colet thought to herself before slowly standing on the side to give Jhoanna space to check on the boxes. Sa mga ganitong tono ng boses ni Jhoanna eh alam niyang isang pagkakamali niya pa for the day ay walang katapusang suyuan nanaman ang magaganap.
Jhoanna reached out for a box and yanked it open. "Toiletries." she pushed it to Colet.
"Please lang, lagyan mo na ng label so we know alin ang hindi priority ayusin."
Colet nodded and reached out for the marker placed on top of the dining table.
She yanked another box and tossed it to Colet's side again. "Bed sheets."
Colet followed and wrote on the boxes kung ano rin ang sinasabi ni Jhoanna. After a while, natapos nilang lagyan ng labels ang mga boxes but the damn cat food for Colet's two cats, Cinta and Hirang, was nowhere to be found.
Jhoanna arranged all the boxes and looked at Colet. "Sure ka bang nailagay mo 'yun? Kasi kahit yung litter nila, wala. Paano kapag need na nila mag-poopski?"
Colet bit her lower lip. She knows she fucked up. Weeks ago, Jhoanna constantly reminded her sa mga kailangan niyang ayusin na gamit para sa paglilipat nilang dalawa. ‘Mahal, na-update ko na ‘yung spreadsheet natin para sa lists ng mga gamit mo. Naka-separate narin ‘yun per category para hindi ka na mahirapan mag-sort and separate sa boxes mo.’ Tinitingnan naman niya 'yung list every now and then pero hindi rin niya alam sa kung paanong 'yung necessities pa ng mga anak niya ang nakalimutan niya. She was about to speak nang tumunog ang phone niya.
Hello, Ate Colet?
Mikhs! I think naiwan k-
Yep! Andito! Well, if you're talking about your kids' food and litter box..
'Yan nga!
Actually, sinabi ko lang din sa'yo kasi baka hanapin mo but they're here. And as much as
I want to take it papunta jan, may meeting ako with Dad in 30 minutes and only God
knows how long meetings with Dad usually take.
Okay lang, Mikhs. Sa mga susunod na araw nalang,
sama mo si Staku para mag-mini housewarming tayo.
We'll bring alak!
Sira ka, bibinyagan mo pa ng suka 'tong apartment namin.
Whatever. Got to go na, Ate Colet.
Oks. See you soon!
Colet ended the call and placed her phone back on the table. "Mahal, nandun nga 'yung gamit ng mga bata kila Mikhs."
No answer.
"Mahal?" she looked around the apartment.
"Jho?" she checked their room as well as the bathroom pero wala.
"Huh? Asan mama niyo?" she even asked her cats who just stared at her before proceeding to grooming each other again.
She reached for her phone again and dialed Jhoanna’s number. At dun na nag-panic si Colet nang marinig ang ringtone ni Jhoanna. Iniwan nito ang kanyang phone. Paano niya ngayon masisipat si Jhoanna sa Life360 kung andito lang ang phone nito?
Hindi naman siguro siya iiwan ni Jhoanna basta basta, ‘yun nalang ang nasa isip niya. Gusto niyang lumabas para hanapin si Jhoanna pero hindi parin siya familiar dito sa lugar na ‘to. Sure, alam niya kung saan ‘yung bahay ni Rizal dahil ilang beses na binida sakanya ni Jhoanna sakanya na nasa likod lang nito ang bahay nila kahit hindi naman. Saan siya magsisimula? Hindi rin dala ni Jhoanna ‘yung duplicate ng susi niya. Paano kapag umuwi ito, sino nalang ang magbubukas ng pinto para sakanya?
What if nainis na ng tuluyan si Jhoanna sakanya? What if napagod nalang mag-remind sakanya palagi si Jhoanna kaya naisipan niya nalang bumalik sa parents niya? Magiging single mom na ba siya nito? She scanned the living room and her eyes landed on the sofa sa corner ng living room. What if itama niya muna ang isa sa mga pagkakamali niya? Baka sakaling bumalik na si Jhoanna sakanya.
She waited for Jhoanna to arrive.
10 minutes...
20 minutes...
30 minutes...
Until she felt asleep on their sofa.
Moments later, she stirred awake. She felt arms around her and something warm on her neck. She was about to move when the person beside her groaned.
“Don’t.” Jhoanna whispered and snuggled closer to her. “Siesta time.”
“M-Mahal...”At ayun nalang ang nasabi ni Colet bago niya yakapin nang mahigpit si Jhoanna. “Saan ka po galing?”
“’Dyan lang sa tabi-tabi...” Jhoanna slowly opened her eyes but remained on her position. “Thank you for arranging the stuff on how I like it... and for that, ikaw na ang bahala mag-decide on the decorations.”
The sofa that was placed on the corner earlier at pagsisimulan pa ng pag-aaway nila ay nasa gitna ng room, right across the TV and the coffee table. Boxes on the hallways that are not priority na ayusin is piled neatly para hindi ‘gulo-gulo’ as how Jhoanna describes it. Pots and pans that were a work-in-progress ni Jhoanna earlier ay maayos naring naka-stack sa ilalim ng sink.
“No,” Colet caressed Jhoanna’s hair. “We’ll decide on it together, mahal.”
“Mhmmm...”
“I’m sorry, if I wasn’t as responsible as you are.. kahit na ginawan mo na ako ng list on what to pack before we move in. Nakalimutan ko tuloy yung necessities ng mga anak natin. Nakatabi kasi siya sa mga gamit nila Haru kaya siguro nawala sa isip ko.” Colet sighed and pressed her lips on Jhoanna’s forehead. “I’ll be better, Mahal. For us.”
Jhoanna tightened her hold on Colet.
“Natatakot din ako na iwan mo ako in the future kasi na-realize mong napaka-gulo kong tao.” napatawa nang bahagya si Colet. “Ayoko rin magalit sila Tita at Tito sakin kasi pinapabayaan ko ang unica hija nila.”
“Hindi mo naman ako pinababayaan.” humikab muli si Jhoanna. "Gutom na ako, mahal.."
“Magpa-deliver nalang muna tayo. Sayang naman ‘yung pagkaka-ayos ko sa counter kung madudumihan ko kaagad.” dahan-dahang bumangon si Colet at sinabayan naman siya ni Jhoanna. Papalakad ito papunta sa lamesa para kuhain ang cellphone niya nang tahimik na kumakain ang mga pusa nila sa sulok ng kusina.
At dun na kinilig nang todo si Colet. Mommy na talaga ng mga pusa niya si Jhoanna. Final na to, wala nang bawian.
Kahit kailan ay hindi nakakalimutan ni Jhoanna ang mga ito. Kapag bumibisita si Jhoanna sa apartment nila Colet at Mikha dati ay lagi itong may pasalubong para sa dalawang pusa. Minsan mga toys na kinalaunan ay nakakalimutan din ng mga pusa niya pero madalas ay treats para sa mga ito kaya naman minsan iniisip niya na mas favorite na ng mga pusa niya si Jhoanna.
“Mahal?” tawag ni Colet habang nag-sscroll sa isang delivery app.
“Hmmm?” sagot ni Jhoanna habang nakapikit at naka-baluktot sa sofa.
“Sobrang mahal kita, nasabi ko na ba sa’yo ‘yun?” tinabihan siyang muli ni Colet. “Chicken Spag sa’yo tapos may extra rice. ‘Yung drinks ay large pineapple juice. Tapos may sides na peach mango pie.”
Colet knows Jhoanna too well. Lahat ng likes and dislikes ni Jhoanna ay tanda niya by heart. Kahit pa mga simpleng bagay like ‘yung favorite na spoon and fork na gamitin ni Jhoanna eh ‘yung stainless na nabili nila sa may divisoria kasi raw manipis, magaan, tapos madaling ipanghiwa. Ultimo ‘yung timpla ni Jhoanna ng Milo, dalawang spoon ng milo tapos dalawang spoon din ng powdered milk, tapos ang gagamitin na mug ay yung souveneir na mug galing sa 60th birthday ng lolo ni Jhoanna kasi sakto lang daw ‘yung bigay at hindi mabilis lumamig ‘yung iniinom niya.
“Alam ko namang patay na patay ka sa’kin.” sagot nito habang nakatingin siya kay Colet. “Mahal, pa-add nga po macaroni soup.”
“Aba!”
“Bakit? Mali ba?”
“Hindi, patay na patay na patay na patay pa nga!”