
PROLOGUE
"Tangina, aray! Masakit 'yon ah!"
Masama ang tingin sa 'kin ni Jovencio after ko siyang banggain. Ipinasa ko ang bola kay Galadreil at shinoot niya ang bola mula sa three-point line. Naglalaro kami ngayon ng Basketball. Hindi naman ganoon kainit sa labas at malakas ang hangin. We've been playing for one and a half hours.
"And one!" Gal shouted while running to the hoop to make a shot, "Beng! Dominguez for the win!" she added while putting her sleeves up and showing her biceps, it's well-toned, the muscles sleek and defined beneath her skin.
"Tangina! Palit naman tayong team. Walang kwenta 'to eh!" singhal ni Clydan at tinuro si Jovencio.
"Ang kapal mo naman! Ikaw 'tong shoot nang shoot sa 3 point line!" Jovencio rebutted making the latter make a face.
Since we've been playing since earlier, pumasok na ang iba sa amin. Except sa amin na naglalaro. Umupo ako sa benches at nagpahinga, kinuha ko ang tubig na nasa tabi ko at ininom. After that, kinuha ko din ang tuwalya na nakalagay sa taas ng tsinelas ko. Alam kong siya ang naglagay at nag ayos ng mga gamit na 'to.
"Putcha! Sanaol inaalagaan! Hope all naman!" I heard Clydan spoke and she was walking towards me.
Napatingin ang dalawa sa 'kin at ngumiti nang loko loko, "Grabe talaga kapag may ate, ano? Sanaol may ate. When kaya?" asar na sabi ni Jovencio, emphasizing the word 'Ate,' habang papalapit sa akin.
"Tanga, walang aampon sa 'yo. Wala kang kwentang kapatid eh!" Galadreil rebutted after she threw her towel to Jovencio.
After a while, pumasok na kami sa beach house. Nagunahan pa kami kung sino ang mauuna sa banyo, well, palagi namang si Gal ang nananalo sa amin. Pagkatapos namin lahat maligo ay naisipan ni Jovencio na mag-tanghalian na sa may malapit na restaurant. Iisang kotse na lang ang gagamitin namin, at kay Jovencio iyon, para naman may ambag siya.
"Hey.. Alis ka? Where are you going? Will you be fine?"
Narinig ko siya at ngumiting tumingin sakaniya, "Ay oo nga pala.. Hindi, kasama ko sila Gal. Do you guys want to come with us?"
"Uh.. Is it okay? I mean, baka it's your time with them," sabi niya.
Magsasalita sana ako nang narinig kong sumigaw si Jovencio mula sa garahe, "Pre! Kotse mo na lang pala gamitin, sira pala kotse ko! Ako na bahala sa gas, don't worry! Mwa!"
"Sige, ako na magmamaneho. Nakakatakot baka sumemplang pa tayo!" sagot ko sakaniya at pinakyuhan siya.
"So..." panimula niya at tinignan ako, giving me a reassuring smile, "It's fine, you know? Kayo muna, Ingat kayo."
I held her wrist and spoke, "Ha? O-okay lang! Tawagin mo 'yong tatlo para makapagtanghalian din sila. Masarap doon atsaka mura lang," ngumiti ako sakaniya. Napamura ako sa isip ko kasi ba't ko sila ininvite e nagm-move on kami. Tanga ka, MJ.
Nagpaalam siya na susunduin niya ang iba pa namin kasama, kaya ngayon papunta na ako sa garahe. There I saw a silhouette of three people, meaning nakasakay na ang tatlo. I grabbed my sweater at sinuot ito. After that sumakay na ako sa sasakyan, at nagsalita.
"Uh... Ano kasi..." I said and looked at them, "Sasama sila Adi... Kasama ang tatlo," I added while scratching my nape.
"Putangina mo," ang tanging nasabi ni Clydan.
"Really? Okay, kakasiya naman tayo sa sasakyan. No need to worry, palabas na ba sila?" Galadreil said while giving me an assuring smile that it's okay.
"Wow, nice joke time, pre! 'Wag mo nang uulitin," Jovencio added, giving me a thumbs up sign.
Sasagutin ko sana siya nang bumukas ang pinto sa garahe, revealing four people. Nagtagpo ang mga mata namin, I smiled to her and she smiled back.
"Ay hindi pala joke, tangina mo talaga eh!" Jovencio hissed and opened the door to get out to let the others in.
Nang kami ay bumabiyahe, tahimik lang at ni isa sa amin ay wala nagsalita. I looked at the rear view mirror and saw them, magkatabi si Clydan at Jovencio sa likod, sa harap naman nila ay ang apat na babae, sa window seat sila Severina at Marvella. Habang nasa gitna nila ay si Samira at Adelaide, sa passenger seat naman ay si Galadreil. Tinignan niya ako at ngumiti.
"Pwede magpatugtog, p're? Ang tahimik eh," sabi niya sa 'kin.
"Oo, pwede. Nandyan 'yong aux sa compartment kunin mo lang," sagot ko sakaniya.
Kinuha naman niya sa compartment ang aux cable at sinaksak sa aux in. Binuksan niya ang cellphone niya at naghanap ng kanta. Nagbigay pa ng suggestion si Jovencio, boom taratarat daw. Siraulo.
Saktong greenlight nang tumugtog ang musika. Tangina, halos manigas ako buti na lang may naghorn sa likod naming sasakyan. I looked at Gal and she smiled teasingly. Bwiset.
Wala Sanang Magbago by Kenaiah
Meron akong sasabihin
Aking pinaghandaan
'Di mapakali aking isip
At medyo kinakabahan
First verse pa lang kabado na ako, humigpit ang hawak ko sa manibela at nagfocus sa daan. Nagtuloy tuloy ang kanta haggang makarating kami. Saktong saktong habang naghahanap ako ng parking, tumugtog ang last verse ng kanta.
Sana wala, sana wala
Sana walang magbago sa 'ting dalawa
Pa'no kung aking aminin
Na may lihim akong pagtingin
Parang anytime mamumutla ako! Nang makahanap ako ng parking, bumaba ako at hinampas si Galadreil na kanina pa nagpipigil ng tawa kasama ang dalawa, si Jovencio at Clydan. Tangina ng mga 'to eh!
"Ey si boss Kenaniah lang pala magpapaputla sa 'yo," sabi ni Clydan at tumawa.
"Tangina mo! Gaganti ako sa 'yo," singhal ko sakaniya.
Papasok na kami ng restaurant, nakahanap agad ng upuan. I sat near the window while the three went beside me. Ganun din kayla Adi, sa harap ko siya which is window seat din. Habang ang iba niyang kasama katabi din niya, but they are facing ang tatlong katabi ko. Hahaha! by pair rin pala 'to eh.
The food was already served to us, it was a little bit faster than i expected. Masarap siya at mura din. Sulit na sulit. Tinignan ko ang mga kasama ko at looking by them gives me an answer na gutom na gutom nga sila. Si Jovencio akala mo hindi pinapakain sa bahay eh.
"Jov, dahan dahan. 'Wag mo ipahalata na patay gutom ka," sabi ni Gal at pinunasan ang bibig ni Jovencio na puno ng sauce.
"Naks naman... Ang sweet.. When kaya magkakaron ng ate?" pang asar na sabi ni Clydan at pinipigilan tumawa. Tarantado 'to ah!
"Nandyan naman si Lai e, best ate 'yan eh! 'Di ba, Max?" Galadreil added.
"Syempre naman...'no, siya pa ba?" sagot ko sakanila at tumawa ng marahan, "CR lang ako, tabi dyan Jov," i added. Tumayo ako at dumeretsong CR, naririnig ko pa ang sigaw ni jovencio.
"P're! Hindi ka CR lang... You are more than that!" sigaw ni Jovencio. Nakakahiya.
As I entered the restroom, dumeretso ako agad sa lababo. I washed my face and looked at the mirror. Ah.. masakit pa rin, ang hapdi. Not too long narinig kong bumukas ang pinto, i looked at the reflection of the mirror and saw a figure.
''Hey, are you okay? Let's go home if you want," she started looking at me with worried eyes.
"I'm okay, Adelaide.. I'm fine," I said at pinunasan ang mukha ko using my towel.
Adelaide... The woman I love... she's like, the type of person na kahit hindi siya mag-effort, you just feel this vibe na parang everything's gonna be okay. Super chill lang, pero the way she smiles.. Parang the whole day turns around, and you just can't help but feel good. It's not just the way she looks. It's the way she listens—like, she actually listens, and you feel like you're the only person in the world for a while. Like, I just wanna be around her, kasi everything feels better when she's there. Fuck, Nakakabaliw talaga mahulog sa dapat kaibigan lang.
"I'm sorry... kasalanan ko lahat... I'm sorry, Javi.." she cried.
"Hey.. It's not your fault... okay? It's fine, Adi. It's fine," I said wiping her tears away and hugged her.
Akala ko mahirap magtago ng nararamdaman, pero mas mahirap palang tanggapin na hindi mo ako kayang mahalin kahit kailan.