
“Uuwi na ako, Col,” wika ni Aiah kay Colet habang nililinis ang motorsiklo niya. Napa-iling na lamang si Colet sa tinuran ng kaniyang kaibigan.
“Kins, seryoso, uuwi ka na lang nang gano’n? Hindi mo hahabulin si Loi? Susukuan mo na?”
“Ano pa bang magagawa ko? She broke our engagement?! Tingin mo I'll chase her after that? Tirhan ko naman ng kaunting pride sarili ko.”
Tumayo si Aiah at kinuha ang hose at sinumulang banlawan ang motor niya. Sinundan lang siya ng tingin ng kaibigan. “You know, you've been together for 10 years. Simula grade 8 tayo hanggang ngayon. I just don't think someone na pinaglaban ka sa parents mo at parents niya would go and give you up like that.”
“Well, she did. She gave up. Now I'm going home.” Nang matapos niyang mabanlawang ang motor ay agad niyang pinatay ang hose at kumuha ng pamunas.
“Sinabi niya ba sa'yo na ayaw na niya?” Napatigil naman sa pagpunas si Aiah dahil sa tanong ng kaibigan.
“She said na hindi pa siya handang magpakasal, isn't that the same thing?”
“No, that's not the same. Come on, twenty-three pa lang kayo pareho.” Wika ni Colet.
“But we've been together for 10 years!”
“Ah basta, desisyon mo kung uuwi ka.” Naiiling na wika nito sa kaibigan. Alam naman niyang mahirap nang baguhin ang isip nito lalo na’t sigurado na ito sa kaniyang desisyon.
“Huwag mong sasabihin sa kaniya kung nasaan ako. Kapag sinabi mo talaga, Col.” Wika ni Aiah bago tingnan nang matalim ang kaibigan.
“I won't. Pero girlfriend ko kapatid niya. If Mikha asks, I can't promise I won't say anything.” Nakangising wika ni Colet dito.
“Bahala ka.”
––––––––
“Break na kayo?”
“Hindi.”
“Weh? Feel ko sa isip ni Ate Aiah, oo.”
“Staks, hindi ako nakipaghiwalay. I just said hindi pa ako ready na magpakasal. Magkaiba ‘yon!” May diing wika ni Maloi sa kaibigan. Panandalian siyang nananatili sa condo nito dahil sa away nila ng kaniyang kasintahan. Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang magkasagutan sila.
“Pero sabi ni Colet umalis na si Ate Aiah.”
Napalingon naman sina Stacey at Maloi sa pinanggalingan ng boses. Agad na bumungad sa kanila ang pulang buhok ng kararating. Natigilan naman si Maloi sa narinig niya.
“What?! Hindi magandang biro ‘yan, Mikha!”
“I'm not! Dala niya pati motor niya. She won't say where she's going basta sabi niya aalis na siya. That's what my girlfriend said, “ sagot ni Mikha.
“No, hindi gawain ni Aiah na umalis na lang bigla. Akala ko papahupa lang siya ng emosyon. Mag-uusap pa kami.” Napatayo si Maloi mula sa kinauupuan niya bago kunin ang susi ng motor.
“Teka, saan ka pupunta ate?” tanong ni Stacey.
“Hahabulin ko, baka hindi pa nakakalayo,” sagot ni Maloi rito
“At alam mo ba kung nasaan siya?” Nakataas ang kilay na tanong ni Stacey rito.
“Baka nasa usual na pinupuntahan namin. O baka nasa tabi-tabi nag-rides. Ewan ko! Lilibutin ko buong Metro-Manila kung kinakailangan!” mariing wika ni Maloi bago tuluyang lumabas ng condo unit ni Stacey.
Agad namang nilingon ni Stacey si Mikha. “Hindi mo ba talaga alam o ayaw lang sabihin ni Ate Aiah kung nasaan siya?” Tanong nito sa kaibigan.
“Umuwi ng Cebu, ‘yon sabi sa'kin ni Colet. As much as I love my ate, she really did hurt Ate Aiah. If she wants space from my ate, I'll give her that.” wika ni Mikha bago umupo sa higaan ni Stacey.
“Baka may dahilan naman si Ate Maloi,” sagot ni Stacey. Napailing naman si Mikha sa tinuran nito.
“Maybe, pero valid din na nasaktan niya si Ate Aiah.”
“Tingin mo mahuhulaan niyang nasa Cebu?”
“She may be clumsy but my ate is smart. She'll know. Pero malaki ang Cebu, she's not going to find her agad. Lalo na ngayon, I’m sure Ate Aiah won’t just stay somewhere na madali siyang mahahanap ni ate.”
––––––––
“ Hello? Ate Loi?”
“Gwen, niyaya ka ba ni Aiah na mag-rides?” tanong ni Maloi sa kaibigan. Kasalukuyan siyang nasa tambayan nila ni Aiah. Isang tahimik na daan na kita ang siyudad sa kalayuan, medyo matarik ito kaya kadalasang mga malalaking motor lang ang nakakaakyat rito.
“ Hindi eh, kasama ko si Jho ngayon. ”
“Ah sige, tanungin ko na lang si Sheena.”
“ Ate, kasama ko kanina si Sheena. Papunta na siya kay Staku ngayon. I don't think kasama niya si Ate Aiah. ”
“G-gano’n ba? Sige, salamat.”
Pagkababa ni Maloi sa telepono ay agad siyang umangkas sa kaniyang motor at pinatakbo ito. Kakarating niya lang sa paborito nilang puntahan ni Aiah tuwing gusto nilang mag-rides. Nilibot na niya ang buong lugar ngunit ni isang bakas niya ay hindi niya matagpuan. Isang lugar na lang ang kailangan niyang puntahan.
Hindi rin nagtagal ay nakarating na siya sa destinasyon niya. Agad siyang humanap ng paradahan at saka nagsimulang maglakad. Pumasok siya sa isang gusali, agad na pumunta sa elevator, at pinindot ang palapag na pupuntahan niya. Nang makarating sa nasabing palapag ay kinuha niya ang susi mula sa kaniyang carabiner at binuksan ang pinto. Nasa studio siya ngayon na pagmamay-ari nila ni Colet.
“Nasaan si Aiah, Nicolette,” mahinahong tanong niya sa taong pasubo pa lang ng pagkain.
“Hindi ba p’wedeng sumubo muna ako? Hello din sa'yo, Loi.”
Agad na umupo si Maloi sa tabi nito at kinuha ang can ng soda sa mesa at saka ininom.
“Piskit, bumili ka kaya ng iyo! ‘Wag mong ubusin!”
“Damot-damot.”
“At least hindi iniwan ng fiancée or ex-fiancee depende sa'yo.”
“Foul.” Inirapan lang siya ni Colet.
“Gusto mong kumain? Sure ako pagod ka kaka-ikot.”
“Wala akong gana.”
“Alam mo, sa tingin ko alam mo naman kung nasaan siya. Kilala mo ‘yon.”
“Nasa Cebu. Kung wala siya sa mga paborito naming lugar, malamang umuwi na siya.”
“Angas ni ex-fiancee, alam na alam.”
“Gago, kanina ka pa sabi nang sabi ng ex-fiancee. Hindi pa kami hiwalay!”
“Sa tingin mo pero sa tingin ni Aiah, wala na kayo.”
Napayuko na lang si Maloi. Hindi naman niya inaasahan na aabot sila sa puntong ganito. Hindi niya gustong saktan ang kasintahan kaya lang may mga bagay lang na sa tingin niya’y hindi dapat minanadali.
“N’yare ba kasi talaga? Ikaw nag-propose tapos biglang ayaw mo nang magpakasal. Ano kaya ‘yon,” pag-uusisa ni Colet habang naghuhugas ng pinggan.
“Hindi ko alam. Hindi ko na rin alam, Col,” naluluhang sagot ni Maloi.
“May beer sa ref, tawagan ko na ba sina Gwen at Shee?”
“Hindi na, magda-drive pa ako pauwi. Paano ba isakay sa eroplano ang motor?”
Napatigil naman si Colet sa tanong ng kaibigan bago tumawa nang malakas. “Tanong mo si Aiah, ginawa niya kanina eh.” pang-iinis nito sa kaibigan.
“Tarantado ka talaga! Kailan ka ba titino? Kitang naiiyak na eh “
“Tanga, mag-google ka! Malay ko ba sa ganiyan, mukha ba akong airlines?”
“Hindi ba sinabi ni Aiah sa'yo?”
“Ang weird naman kung sasabihin niya sa'kin. Hindi rin ako curious.”
“Makauwi na nga.” Agad na tumayo si Maloi sa kinauupuan niya at nagpunas ng luha.
“Hanapin mo! Hindi ako papayag na hindi tuloy ang kasal. Ako best woman ni Aiah,” pahabol na sabi ni Colet sa kaibigan bago ito lumabas ng studio.
“Tanga, sino ba kasing may sabing hindi tuloy! Desisyon kayong lahat eh,” sigaw ni Maloi bago isarado ang pinto.
“Gulo niyo mga bading. Sakit niyo sa ulo,” bulong ni Colet sa sarili.
––––––––
“Yang? Teka, anong ginagawa mo dito? Saka bakit dala mo ‘yang motor mo?”
“Hi kuya, p’wede dito muna ako? Promise hahanap din ako ng lilipatan, wala kasi sa plano ‘tong pag-uwi ko a-ano kasi—
Hindi na natuloy ni Aiah ang kaniyang sasabihin nang yakapin siya ng kaniyang kuya. “Ito naman, siyempre okay lang na dito ka. Kahit gaano katagal. Park mo na sa loob ‘yang motor mo. Matutuwa ate mo na nandito ka.”
Kumalas naman sa pagkakayakap si Aiah. Agad niyang kinuha ang motor at dahan-dahang tinulak upang iparada sa loob. Nang maayos na ang kaniyang motor ay pumasok na siya sa loob kasama ng kaniyang kuya.
“A-aiah? Hindi ka naman nagsabi na uuwi ka. Naghanda sana kami.”
“Hi ate, sorry kung biglaan. Okay lang, no need na, ako na nga nakakaabala eh,” sagot ni Aiah bago yakapin ang kaniyang hipag.
“Tara, ipasok mo muna ‘yang backpack mo sa guest room tapos mag-dinner muna tayo.”
“Sige po, ate.”
––––––––
Pagkatapos mag-ayos ng gamit ni Aiah ay naghapunan na rin sila. Hindi na muna inusisa ng mag-asawa ang dahilan kung bakit umuwi ang kanilang kapatid. Ramdam nila na may mabigat na dahilan ngunit mas mabuting siya na ang magsabi kaysa pilitin nila ito. Nang matapos silang kumain ay nagkusang maghugas ng pinggan ang kuya ni Aiah dahilan para makapag-usap ang asawa nito at ang kaniyang kapatid.
“So, bakit ka umuwi, Yang?”
“Ate, paano mo nalaman na sigurado ka nang magpakasal kay kuya?”
“Bakit, hindi ka ba sigurado kay Maloi?”
“Sigurado, siguradong-sigurado. Pero k-kasi ate, siya ‘yong may ayaw eh.” Agad na niyakap ng kaniyang ate si Aiah habang bumagsak na ang luhang matagal na niyang pinipigilan.
“Iiyak mo lang, andito lang ako.”
––––––––
“Loi? Kailan ba natin pag-uusapan nang maayos ‘yong tungkol sa atin? Lagi ka na lang umiiwas!” wika ni Aiah sa kasintahan. Ilang buwan na simula nang alukin siya nito ng kasal ngunit sa tuwing susubukan niyang pag-usapan ang tungkol sa kasal ay umiiwas ito sa usapan.
“Mahal, hindi naman natin kailangang magmadali.”
“Hindi ko naman sinasabing we will get married immediately, what I want is assurance na you still want this. Kasi lately, you've been avoiding the topic.”
“I'm not, hindi naman sa ayaw kong pag-usapan pero hindi naman kasi tayo nagmamadali, hindi ba?”
“Pero that's not an excuse to completely not talk about it! Parang masabi lang ang salitang kasal halos hindi ka na mapakali. Do you still want this? Kasi kung ayaw mo na sabihin mo para matapos na ‘to!”
“Mahal, hindi naman sa ayaw ko.”
“Then what? Kasi kapag tinatanong kita kung kailan mo balak magpakasal wala kang maisagot. Kahit sabihin mong 5 years from now, tatanggapin ko! Kasi at least alam kong may plano ka eh.” Hindi naman nakaimik si Maloi sa sinabi ng kaniyang kasintahan.
“May plano ka ba talaga para sa atin o napilitan ka lang mag-propose kasi matagal na tayo? Kasama pa ba talaga ako sa mga plano mo?”
“Mahal, hindi gano'n. Siyempre kasama ka sa plano mo.”
“Handa ka na ba talagang magpakasal sa akin? Please, for once, be honest with me.”
“H-hindi ko alam. I'm sorry.”
“Hahaha, ten years and you don't know?! Ten years and with a proposal and hindi ka sigurado?! Tangina naman, Maloi!” Mula sa kinauupuan niya ay tumayo si Maloi para subukang lapitan si Aiah.
“Don't, kung tingin mo makukuha mo ako sa lambing ‘wag ka nang umasa. Aalis muna ako, I don't think you and I are on the same page. Sana hindi mo na lang ako inalok ng kasal kung hindi ka pa pala sigurado.” Wika nito bago hubarin ang singsing na kaniyang suot at ipatong sa mesa.
Agad na lumabas ng unit si Aiah dahilan para maiwan na nakatulala si Maloi. Gustuhin man niyang gumalaw ngunit tila napako siya sa kaniyang kinatatayuan. Kitang-kita niya ang singsing na iniwan ng kasintahan sa mesa. Nilapitan niya ito at kinuha. Hindi niya alam kung bakit naging ganito ang pangyayari.
––––––––
“Nakausap mo na ba siya pagkatapos ng away niyo?” Tanong sa kaniya ng kaniyang ate. Umiling lang si Aiah bilang tugon dito.
“Yang, kailangan niyong pag-usapan. ‘Yong hindi na kayo galit, mahinahon. Alam ko namang mahal na mahal ka ni Maloi. Sa dami ng mga pinagdaanan niyo, ngayon pa ba kayo susuko?”
“Gusto ko naman siyang kausapin, pero galit pa rin ako.”
“Hindi kita minamadali pero kapag ready ka na, kausapin mo. Mahal ka no'n, baka may dahilan siya.”
––––––––
Ipinarada ni Maloi ang kaniyang motor sa gilid at kinuha ang kaniyang cellphone. Hinanap niya ang pangalan ni Colet at tinawagan ito. “Hoi, baka naman alam mo saan dito ‘yong paboritong spot ni Aiah na i-motor.” Wika ni Maloi nang sagutin ni Colet ang tawag niya.
“ Wow naman, na-google mo na paano dalhin motor sa eroplano? Hahahaha.” Pang-aasar nito.
“Siraulo! Tulungan mo na lang kasi ako.”
“Yuck, stalker ka pala na ex. Saka hindi Cebu probinsiya ko baka nakakalimutan mo. Try mo kayang puntahan sa bahay nila.”
“Tingin mo hindi ko sinubukan? Wala raw si Aiah doon,” halos pabulong na wika ni Maloi.
“Sa kuya niya, try mo.”
“Alam mo, minsan may ambag ka rin palang matino sa buhay ko.”
“Basta best woman ako ni Aiah sa kasal!”
“Siya kausapin mo, bakit ako?”
“Eh ikaw ayaw magpakasal. Nakasalalay sa'yo kung matutuloy.”
“Bye na nga, kapag ako nainis sampung milyon layuan mo kapatid ko.”
“Hanapin mo na nga ex mo! Dami mong alam.”
“Gago talaga, pinatayan ako ng loko.” Natatawang wika ni Maloi.
Agad namang binuksan ni Maloi ang kaniyang google maps at hinanap ang daan patungo sa bahay ng kuya ni Aiah. Sanay na silang gamitin ito dahil minsan na rin naman silang nag-rides ni Aiah sa Cebu, ang kaibahan lang ay motor ni Aiah ang gamit niya at hindi ang sariling motor niya. Nang makita na ang daan, agad niyang pinaandar ang motor. Kalaunan ay narating din niya ang kaniyang destinasyon. Kahit kinakabahan ay pinindot niya ang doorbell at naghintay.
Sa kabilang banda naman ay nakasilip si Aiah mula sa bintana nang marinig niya ang doorbell. Kitang-kita niya si Maloi sa harap ng gate na naghihintay. Mag-isa lang siya sa bahay dahil may pinuntahan ang kaniyang kuya at ate. Gustuhin man niyang lumabas at salubungin si Maloi dahil sa kabila ng lahat, nangungulila na siya rito, ngunit mas nanaig ang kagustuhan nitong huwag muna siyang nakausap. Isinarado niya ang kurtina at pinili na lamang niyang matulog.
––––––––
Nagsimula nang kumulimlim ang kalangitan ngunit nasa harap pa rin ng gate si Maloi. Itinabi niya ang kaniyang motor para hindi ito humarang sa daan. Nanatili naman siyang nakaupo sa isang malaking bato na pinulot niya kung saan. Alam niyang nakita na siya ni Aiah dahil nahuli niya itong sumisilip ngunit ayaw pa rin nitong lumabas. Pinili na lamang niyang maghintay.
Hindi nagtagal ay naramdaman niya ang patak ng ulan. Tiningala niya ang langit. Rinig niya ang kulog at kita niya ang kidlat. Sa totoo lang ay takot siya rito. Ngunit mas pinili niya pa ring manatili. Umaasang lalabas si Aiah upang makipag-usap. Lumakas na ang hangin maging ang ulan, nanginginig na rin siya sa lamig ngunit nanatili siyang nakaupo.
“M-maloi? Anong ginagawa mo diyan. Halika nga, pumasok ka muna.”
“K-kuya Bry? Hindi na po. Ayaw po akong makita ni Aiah. Dito na lang ako, hanggang gusto niya akong makita,” sagot ni Maloi sa kuya ni Aiah habang nakayuko pa rin.
Nagkatinginan naman ang mag-asawa. Kitang-kita nila na basang-basa na si Maloi at nanginginig na ito sa lamig. “Loi, uwi ka na. Magkakasakit ka niyan. Bukas, kakausapin namin si Aiah para makapag-usap kayo.”
Napatingala naman si Maloi. “S-sige po, ate. Sorry po sa abala.” Dahan-dahan namang tumayo si Maloi at nagsimulang maglakad papunta sa nakaparada niyang motor.
“Pumasok ka muna, magpatila ka muna ng ulan at magpalit ng damit. Baka magkasakit ka.”
“H-hindi na po, kuya. Okay lang po ako.”
“Loi…”
“Pasabi po kay Aiah, mag-ingat siya. Mauna na po ako.”
Pinanood ng mag-asawa na umalis ito. Malakas na ang ulan at delikado ang daan. Gustuhin man nilang pigilan ngunit buo na ang desisyon ni Maloi na umalis.
––––––––
Malakas pa rin ang ulan ngunit maagang nagising si Aiah. Hindi niya napansin na tuloy-tuloy na pala ang tulog niya kaya naman maaga siyang bumangon. Hindi niya rin alam na maulan ang panahon ngunit kahit na gano'n ay pinili pa rin niyang tumayo. Kating-kati na siyang mag-motor. Sinumulan na niyang ilabas ang mga protective gears na gagamitin niya. Kinuha na rin niya ang helmet niya at inilatag sa kaniyang higaan. Pagkatapos ay kumuha na siya ng gamit at naligo.
Tinext niya ang kaniyang kuya na lalabas siya. Alam niyang pagbabawalan siya nito dahil masama ang panahon ngunit gustong-gusto niya talagang lumabas. Kailangan lang niyang aliwin ang sarili niya lalo na ngayong alam niyang alam na ni Maloi kung nasaan siya. Pagkalabas niya ay agad niyang pinuntahan sa garahe ang kaniyang motor.
“Let's go, babe. Hindi pa tayo nakakaikot,” wika nito bago isuot ang helmet at umangkas.
––––––––
Nagising si Maloi na masama ang pakiramdam. Ang bigat ng mga talukap ng kaniyang mata at ramdam niya ang init ng kaniyang katawan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinignan ang oras ngunit iba ang bumungad sa kaniya.
Kuya Bry
27 missed calls
Agad niyang tinawagan ang kuya ni Aiah. Hindi niya alam ngunit kinakabahan siya dahil hindi naman ito laging tumatawag sa kaniya.
“K-kuya Bry, napatawag po kayo?”
“Sorry, Loi, nagbabakasakali lang. Umalis kasi si Yang kaninang umaga eh ang lakas ng ulan. Nandiyan ba siya? ”
Nanlaki naman ang mata ni Maloi sa narinig. Agad niyang tinignan ang oras sa kaniyang cellphone, ala una na ng hapon. Tumayo siya kahit nahihilo at sumilip mula sa bintana ng hotel na kaniyang tinutuluyan. “Kuya, wala po siya here. Don't worry, hahanapin ko po siya.” sagot niya rito.
“Loi, malakas ang ulan at hangin. Delikado. Tawagan ko na lang siya ulit. ”
“Sorry, kuya. Hindi ko mapapatawad sarili ko kung may may mangyayari sa kaniya.”
“ Loi—”
Agad na pinatay ni Maloi ang tawag at mabilis na kumilos at isinuot ang mga protective gears na dala niya. Nawala na lahat ng sakit na nararamdaman niya, tanging ang mahanap si Aiah ang tumatakbo sa utak niya.
“Aiah, nasaan ka na?”
––––––––
“God, sa lahat naman ng oras na malolobat ako, bakit ngayon pa?!” Sigaw ni Aiah.
Nakatirik sa daan ang kaniyang motor, pumutok ang gulong kaya naman sumemplang siya. Idagdag pang napakadulas ng daan kaya naman nahirapan siyang kontrolin ang motor dahilan para maaksidente siya. Buti na lamang at nakasuot siya ng protective gears ngunit may mga ilang galos pa rin siyang natamo. Nabagsakan pa ang kaniyang paa kaya naman paika-ika siyang naglalakad. Wala ring masiyadong dumadaan na sasakyan dahil sa lakas ng ulan.
“Tigas-tigas kasi ng ulo mo, Aiah! Ayan, kakaiwas mo kay Maloi nadisgrasya ka pa! Stupid, very stupid!” wika niya habang pinupukpok ang kaniyang ulo sa inis. Basang-basa na rin siya ng ulan at hindi niya alam kung may darating pang tulong. Madlim na ang daan, malakas pa rin ang ulan. Ilang oras na siyang naghihintay na may dumaan ngunit wala pa rin.
Hindi nagtagal ay napansin niya ang isang ikaw mula sa malayo. Dahan-dahan itong lumalapit sa kinaroronan niya. Hindi nagtagal ay nakita niya ang isang pamilyar na itim na motor. Sa hindi malamang dahilan ay tumulo ang mga luhang kanina niya pa pinipigilan. Bumaba ang nagmamaneho at tinanggal ang helmet nito.
Bakit tuwing kailangan kita, lagi mo akong nahahanap, Maloi?
“OH MY GOD, AIAH! Are you okay, may masakit ba sa'yo? Mahal, look at me, tell me what's wrong?” Aligagang wika ni Maloi nang magkalapit siya. Dahan-dahan niyang tiningnan ang mga galos na natamo ni Aiah. Mayro'n itong ilang gasgas sa kaniyang lulod at napunit ang suot nitong pantalon sa may tuhod pababa ngunit wala namang malaking sugat.
Maingat niyang hinawakan ang mukha nito at pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata nito. Mas lalong humikbi si Aiah dahil dito.
"B-bakit? Bakit ikaw pa?! Why are you even here? Why do you always come when I need you? Kaya mo naman palang suungin kahit bagyo pero bakit takot na takot kang pakasalan ako?” wika niya. Agad naman siyang ikinulong sa yakap ni Maloi. Maingat niya itong ginawa na parang babasagin si Aiah at kaunting mali niya ay masasaktan ito.
“Dapat galit ako sa'yo! Pero kanina, no’ng naaksidente ako, i-ikaw pa rin hinahanap ko.” wika ni Aiah habang hinahampas nang mahina si Maloi. Sinalo lang niya itong lahat habang nakayakap pa rin siya nang mahigpit kay Aiah.
“Shh, mamaya ka na magalit okay? Let's get you home. The important thing is you're safe. I found you.” bulong nito bago halikan ang noo ni Aiah.
“Sorry, sorry, I'm really sorry.” Paulit-ulit na bulong ni Aiah bago yumakap nang mahigpit kay Maloi.
“It's okay, we're okay. Let's go home, mahal.”
––––––––
Malakas na ulan ang unang bumungad kay Maloi pagkalabas niya mula sa paradahan. Kumikidlat at kumukulog din. Huminga siya nang malalim bago tuluyan sinuong ang bagyo. Hindi na niya alintana ang malamig na buhos ng ulan maging ang malakas na hanging tila tatangayin na siya. Halos wala na ring mga sasakyan sa paligid kaya naman pinaharurot na niya ang kaniyang motor. Ang tanging nasa isip niya ay mahanap ang pinakamamahal niya.
Come on, Aiah. Please be safe…
Hindi niya na alam kung saan siya dinala ng kaniyang motor. Basta sinundan lang niya ang mga nahanap niyang mga sikat na trails na p’wedeng puntahan ni Aiah. Ang ilan ay pamilyar dahil dinala na siya rito nito. Sa kabila nito, hindi niya pa rin mahanap si Aiah. Ipinarada niya nang panandalian ang kaniyang motor at kinuha ang kaniyang cellphone.
“Col, please answer the fucking phone!”
*ring
*ring
*ring
“Hoy, may bagyo raw diyan sa Cebu! Kumusta ka? ”
“Tangina, Col! Kailangan ko ng tulong. Nawawala si Aiah. H-hindi ko siya mahanap. Kanina pa ako paikot-ikot. Lahat na ginawa ko! Nag-google na ako gaya ng sabi mo pero hindi ko pa rin siya mahanap. Nag-aalala na ako!” naiiyak na wika ni Maloi. Nanginginig na rin ang boses niya maging ang kaniyang mga kamay. Halos sumuko na ang tuhod niya at tanging ang motor na lang niya ang umaalalay sa kaniya para makatayo.
“Teka, kumalma ka. Safe ka ba? Bumabagyo na’t lahat-lahat! Nagmotor ka ba?! ”
“S-si Aiah, Colet si Aiah! It’s 6PM! Dumidilim na. Hindi ko pa rin siya nahahanap.”
“Ate, it’s me Mikha. May nabanggit sa akin before si Ate Aiah. I sent you the location. She showed Sheena the place before. Subukan mo, and please stay safe. ”
“T-thank you. Thank you.”
“Hanapin mo na si Aiahkins. Call ka lang kapag may kailangan ka. ”
“Salamat, maraming salamat.”
Agad na binaba ni Maloi ang tawag at tiningnan ang sinend ni Mikha na location. May kalayuan siya sa nasabing lokasyon kaya agad niyang sinilip kung sapat pa ang gasolina niya. Minabuti niya munang punuin ang tangke niya. Pagkatapos ay agad niyang pinaandar ang motor at sinuong ang malakas ng ulan. Kung hindi lang siya takot na maaksidente ay baka mas binilisan niya pa, ngunit mas mahalagang mahanap niya si Aiah.
Halos alas otso na nang makarating siya sa trail na sinabi ni Mikha sa kaniya. Hindi pa rin humuhupa ang ulan at tila mas lalo lang itong lumalakas. Mas malamig na rin ang simoy ng hangin at nanginginig na sa gutom, hilo, at lamig si Maloi. Kahit pagod na siya, pinilit niya pa ring paandarin ang motor. Tahimik ang trail at wala masiyadong tao kaya naman dahan-dahan siyang nagmaneho. Bawat sulok ay tinitignan niya, kahit na malabo na ang helmet niya dahil sa ulan.
“Tangina, Maloi! Ang tanga-tanga mo! Nasaktan mo na nga si Aiah, heto ka hindi siya mahanap. Kasalanan mo naman kasi lahat. Ang duwag mo, ang duwag-duwag mo!” bulong niya sa kaniyang sarili habang aligaga pa ring naghahanap.
“Fuck! Focus, Maloi! Kailangan ka ni Aiah. Hahanapin natin siya,” wika niya nang magulat sa tunog ng kulog. Kahit takot siya rito ay nilabanan niya pa rin ito.
Makalipas ang ilang minuto ay may naaninag siyang tao mula sa malayo. Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso, muntikan pang hindi niya makontrol ang kaniyang motor.
Please, sana ikaw na ‘yan Aiah.
Binagalan niya ang kaniyang pagpapatakbo bago ipinarada sa gilid ang motor. Hinubad niya ang kaniyang helmet at nilapitan ang nakita niyang tao. Halos tumigil ang tibok ng kaniyang puso sa nakita niya. Nakaupo sa gilid ng kalsada si Aiah, ang pantalon ay punit at may mga galos ito. Walang pag-aalinlangang lumapit siya rito. Hindi alintana ang pagod ng buong maghapong paghahanap at ang sakit ng kaniyang katawan.
––––––––
“Kaya mo bang tumayo, mahal?” tanong ni Maloi kay Aiah.
Sinubukan naman ni Aiah na tumayo ngunit hindi niya magawa. Masakit pa rin ang paa nitong nabagsakan ng motor nang sumemplang siya. Hiling niya na sana’y wala siyang bali o sprain. Samantalang mabilis naman na umalalay si Maloi nang makitang nahihirapan siyang tumayo.
“Pasanin kita sa likod ko. Dahan-dahan, okay?”
Agad na pumwesto si Maloi upang madaling makayakap sa kaniya si Aiah. Nang maramdaman niyang nakayakap na ito ay maingat niyang inalalayan ang bigat nito gamit ang kaniyang kamay sa ilalim ng kaniyang mga hita. Pagkatapos ay maingat siyang tumayo. “Okay ba, hindi ba kita nasasaktan?” tanong niya. Naramdaman naman niyang sumiksik si Aiah sa kaniyang leeg at umiling.
“Okay lang bang i-angkas kita?”
“O-okay.” bulong ni Aiah.
Maingat na inalalayan niya si Aiah na maka-angkas nang maayos sa kaniyang motor. Nang masigurado niyang okay na ito ay ipinasuot niya rito ang helmet niya. “Mahal, sabi ni Kuya Bry sa bahay ng mama at papa mo na lang tayo diretso, okay? Kapit ka sa akin nang mahigpit. Iuuwi na kita.” wika ni Maloi bago paandarin ang motor. Mahigpit naman siyang niyakap ni Aiah.
––––––––
“AIAH! Salamat naman sa Diyos at nahanap ka na ikaw na bata ka! Pinag-alala mo kaming lahat!” wika ng nanay ni Aiah nang makita ang anak niyang pasan ni Maloi sa kaniyang likod.
“S-sorry, ma. Sorry talaga.” pabulong na wika ni Aiah. Nilapitan naman siya ng kaniyang nanay at niyakap silang dalawa ni Maloi.
“Tita, may gamot po ba kayo? Saka po paliguin muna natin si Aiah ng maligamgam na tubig. Hindi pa rin po siya nakakakain.” Sunod-sunod na sabi ni Maloi.
“Sige, anak. Handa na ang gamit niya sa taas. May heater naman sa banyo. Nagluto na rin ako ng sopas. Magpalit na kayo at basang-basa kayo ng ulan. Pagkatapos ay kumain na muna kayo.”
“Kailangan ko rin po ng ice compress pati po first aid kit. Napilay po ata paa niya eh.”
“Sige anak, kunin mo sa'kin mamaya. Bukas na bukas, kung hindi pa rin okay ang paa ni Aiah ay ipatingin na natin. Pero sa ngayon, magpahinga muna kayo.”
“Sige po tita. Salamat po.”
“‘Nak, usap tayo bukas ha?” wika ng tatay ni Aiah na siyang nagpatigil kay Maloi mula sa naglalakad.
“Sige po, tito.” Sagot ni Maloi rito.
Maingat na naglakad si Maloi paakyat ng kwarto ni Aiah. Binuksan niya ang pinto at saka dahan-dahang iniupo si Aiah sa kaniyang higaan. “Kaya mo bang maligo, mag-isa? Ihahatid kita sa banyo. Kuha lang tayo ng gamit mo.” wika ni Maloi bago buksan ang closet ni Aiah.
“Loi…”
“Hmm?”
“T-thank you.”
Napatigil naman si Maloi sa paghahalungkat ng damit at saka lumingon kay Aiah. “Hindi mo kailangang magpasalamat. Hindi ko rin ‘to ginagawa kasi gusto kong bumawi. Mahal kita at hindi ko mapapatawad sarili ko if something happens to you.” Agad siyang lumapit kay Aiah at hinalikan ito sa noo.
“Let's talk about us soon, okay? Need mo munang makapagpahinga at magamot mga sugat mo. Tara muna’t maligo?” Isang tango lang ang isinagot ni Aiah.
Nang maihatid niya sa banyo si Aiah ay pumunta naman siya sa baba para maligo. Dalawa kasi ang banyo sa bahay nila Aiah, isa sa taas at isa sa baba. Mabilisang paliligo lang ang ginawa niya. Mabuti na lamang at may mga naiwan pa siyang gamit dito sa bahay nina Aiah.
Pagkalabas niya sa banyo ay agad siyang dumiretso sa kusina. “Tita, kunin ko na po ‘tong first aid saka ice compress. Iakyat ko na rin po ‘yong gamot at pagkain.” pagpapaalam niya.
“Halika, tulungan na kitang mag-akyat.” Wika ng nanay ni Aiah. Kumuha ito ng isang tray at doon inilagay ang pagkain ng dalawa pati baso na may tubig. Samantalang kinuha naman ni Maloi ang first aid at ice compress pati mga gamot.
Nang makarating sila sa loob ng kwarto ni Aiah ay inilagay nila ito sa kaniyang study table. “Ikaw na munang bahala sa kaniya, anak. Salamat sa paghahanap sa kaniya.” Wika ng nanay ni Aiah bago yakapin nang mahigpit si Maloi.
“Hindi niyo na po kailangang magpasalamat. Ginawa ko po ‘yon kasi mahal ko po siya.”
“Sige, anak. Kapag may kailangan kayo, magsabi lang.”
“Opo, tita.”
––––––––
“Hoi, nahanap mo ba? Nakauwi ka na? Maayos ba lagay mo?” sunod-sunod na tanong ni Colet nang sagutin ni Maloi ang kaniyang tawag.
“Oo nahanap ko siya, oo nakauwi na kami, at oo maayos naman. Sumemplang si Aiah kaya may mga galos pero hindi naman siya napuruhan nang malala. Pakisabi sa iba na maayos kami.”
“Gagi, hindi kami makatulog na anim dito. Buti naman nahanap mo siya. Mag-iingat kayo diyan at pakisabi kay Aiah pagaling siya. ”
“Salamat. Pasabi sa kanila salamat.”
Ibinaba ni Maloi ang tawag. Pagkatapos ay naglakad siya papunta sa banyo at saka ito kinatok nang mahina. “Aiah, mahal? Tapos ka na ba?” wika ni Maloi.
“Done na.”
Binuksan ni Maloi ang banyo at inalalayan si Aiah na makalabas. “Tara, sakay ka ulit sa likod ko.” Wika niya bago pumwesto para mapasan sa kaniyang likod si Aiah.
“H-hindi na, kaya ko na.”
“Piggyback o buhatin kita?”
Wala nang nagawa si Aiah kundi magpapasan kay Maloi. Isiniksik niya ang kaniyang ulo sa leeg ni Maloi at mahigpit na yumakap dito. Ramdam niya ang init nito, isang bagay na nangulila siya sa ilang araw na hindi sila nagkita. Ngayon niya lang naramdaman ang pagod at hindi niya maitatanggi na si Maloi pa rin ang pahinga niya sa tuwing dinadalaw siya ng pagod. Hindi rin nagtagal ay nakarating din sila sa kwarto ni Aiah. Pinaupo siya ni Maloi bago kunin ang first aid kit.
“Tuyo na ‘yong ibang sugat pero linisin pa rin natin. Itong ice compress, lagay mo lang ha. Hindi naman masiyadong namamaga pero kung masakit pa rin bukas, pa-check up na natin. Gutom ka na ba? May pagkain diyan sa mesa.”
Pinanood lang ni Aiah si Maloi na kumilos. Maingat niyang nililinisan ang mga sugat niya. Nang matapos siya rito ay sinimulan naman niyang hilahin ang mesa at inihanda ang pagkain ni Aiah.
“Subuan kita?” Nakangiting tanong ni Maloi.
“S-sira, kaya ko namang kumain. Ikaw, kumain ka na rin.”
“Pagkatapos mo diyan, inom ka ng gamot. Wait, ipatong mo muna ‘yang paa mo dito sa upuan at ilalagay ko ‘tong yelo.”
“Kumain ka na, Loi. Kanina ka pa kilos nang kilos. Okay na ako.”
Napatigil naman si Maloi sa sinabi ni Aiah. Sa totoo lang ay kanina pa sumasakit ang ulo niya at pagod na pagod na rin siya. Pero tuwing iniisip niya ang nangyari kanina, hindi pa rin siya mapalagay. “Hey, come here nga sa tabi ko. Kumain ka na tapos matulog na tayo. We had a long day,” pag-aaya ni Aiah kay Maloi.
Hinila niya si Maloi sa kamay at saka pinaupo. Wala namang nagawa si Maloi kundi sumunod. Tahimik silang kumain, ang mga nais sabihin ay ipagpapabukas na lang. Ang mahalaga, ligatas silang pareho at magkasama sila.
––––––––
“Inumin mo muna ‘yang gamot. Iligpit ko lang ‘to. Pagkainom mo, matulog ka na, ha. Kapag may need ka, just call me. Nasa kabilang room lang ako,” wika ni Maloi habang inaayos ang kanilang pinagkainan.
“A-ayaw mong dito na lang matulog sa kwarto?” tanong ni Aiah, ang boses ay pahina nang pahina.
Lumapit naman sa kaniya si Maloi bago guluhin ang kaniyang buhok. “Hindi ka makakatulog if I'm here. Doon lang naman ako sa kabila. You need to rest, mahal. We had a long day. Sa susunod na ‘yong pag-uusapan natin.” sagot niya bago kunin muli ang tray at naglakad palabas. Hindi naman nakasagot si Aiah dahil alam niyang tama ito.
Nahiga na lamang si Aiah pagkatapos uminom ng gamot. Nang maramdaman niya ang lambot ng kaniyang kama ay dinalaw na rin siya ng pagod na hindi niya napansing bumabalot sa kaniya. Unti-unti ring bumigat ang mga talukap ng kaniyang mata. Dinalaw na rin siya ng antok at nakatulog.
Sa kabilang banda naman, mabilis na hinugasan ni Maloi ang mga pinagkainan. Pagkatapos ay umakyat siya at sinilip si Aiah. Kita niyang nakatulog na ito. Dahan-dahan siyang pumasok at lumapit dito. Binigyan niya ito ng halik sa noo bago ayusin ang kumot niyo.
“Good night, mahal. Sleep well.”
––––––––
Maagang gumising si Maloi. Masama pa rin ang pakiramdam niya ngunit nabawasan na ito marahil dahil sa nakainom na siya ng gamot. Sinilip niya saglit si Aiah at nakitang mahimbing ang kaniyang tulog. Alas singko pa lang naman kasi ng umaga. Pagkababa niya ay naabutan niya ang tatay ni Aiah na nagkakape. Lumapit siya rito at nagmano.
“Ang aga mo namang nagising,” wika ng tatay ni Aiah.
“Uh, tito kasi ano dadaanan ko ‘yong motor ni Aiah. May extra ba kayong gulong?” tanong niya habang nakakamot sa batok.
“Mayro'n naman sa garahe. Pero paano mo iuuwi dito ‘yong motor? Magmomotor ka papunta do’n eh paano pabalik?” tanong nito.
Napayuko naman si Maloi. Hindi nga naman niya naisip paano iuuwi ang motor ni Aiah kung magmomotor din siya papunta roon. Tumayo naman ang tatay ni Aiah. Sinundan niya ito ng tingin. Pumasok ito sa kwarto at pagkalabas ay binato sa kaniya ang susi.
“Sabi ni Aiah marunong kang mag-drive. Kaya mo ba ‘yong pickup?”
“Kaya po. Salamat po.”
“May mga ano sa garahe para matali mo ‘yong motor at nang hindi mahulog. Hanapin mo na lang. Mag-iingat sa pagmamaneho. Mamaya, samahan mo ako sa taniman pagkatapos mong ihatid ‘yong motor. Dalhin mo ‘yang pickup at may ide-deliver tayo.” Tumango naman si Maloi bilang sagot.
“May pandesal at kape. Kumain ka rin muna at nang hindi ka malipasan ng gutom.” Pahabol ng tatay ni Aiah bago umalis at bumalik sa kwarto.
––––––––
Pumunta agad si Maloi sa garahe. Hinanap niya ang gulong ng motor at inilagay sa likod ng pickup. Hindi niya alam kung parehong gulong ang may sira kaya naman dalawa na ang inilagay niya. Kinuha niya ring ang toolbox at saka tinignan kung may straps ba para gamitin upang masiguradong hindi mahuhulog sa likod ng pickup ang motor ni Aiah. Nang masigurado niyang wala na siyang kailangan ay sumakay na siya sa sasakyan at pinaandar ito.
Hindi rin nagtagal ay nakarating din siya. Nando'n pa rin ang motor ni Aiah, pati nga susi ay nakalagay pa rin. Dahil bagyo, wala ring nagtangkang kumuha. Nilapitan niya ito at inusisa ang mga gulong. “Flat ‘yong harap, butas pa. Pumutok ‘to panigurado. Swerte na lang at hindi nadisgrasya si Aiah nang malala. Buti na lang talaga nagdala ako ng gulong,” bulong niya sa kaniyang sarili.
Mabilis siyang kumilos. Kinuha niya ang mga gamit at sinumulang palitan ng gulong ang motor. Ramdam niya ang pagod ngunit gusto niyang masiguradong maibabalik niya ang motor na ito kay Aiah gayong mahalaga ito sa kaniya. Ilang oras din ang ginugol niya rito. Nang masiguradong maayos na ito ay kinuha niya ang ramp at siniguradong maakyat niya ang motor sa likod ng pickup. Pagkatapos ay ginamit niya ang mga strap para mapirmi sa pwesto ang motor.
“Iuuwi na kita sa may-ari mo.”
Pinaandar niya ang sasakyan at nagsimulang tahakin ang daan pabalik kina Aiah. Nang makabalik siya ay nakita niyang naghihintay na sa kaniya ang tatay ni Aiah. Agad niyang ipinarada sa gilid ng daan ang pickup at lumabas para ibaba ang motor. Nang magawa niya ito ay agad niyang ipinarada sa loob ang motor at ibinalik ang mga gamit na hiniram niya sa garahe. Pagkatapos ay bumalik siya sa pickup,
“Harvest ng kamote ngayon, may delivery sa palengke. Ituro ko na lang ang daan.”
“Sige po tito.”
––––––––
“Uh. t-tito? Sorry po.” wika ni Maloi habang nagmamaneho.
“Ano bang nangyari, ‘nak? Ayaw mo na ba talagang pakasalan ang anak ko?” Mahinahong tanong sa kaniya ng tatay ni Aiah.
“Hindi po. Gusto ko po.”
“Naalala mo ba no’ng pinuntahan mo kami noon kasi sabi mo gusto mong ligawan ang anak namin? Sabi mo maniwala kami sa’yo na mahal mo siya. Na kaya mo siyang ipaglaban kahit ang bata-bata niyo pa. Na walang masama kahit parehas kayong babae? Kung ayaw namin, itatanan mo na lang siya, ‘di ba?”
Natawa naman si Maloi nang maalala ang mga nangyari noon. Masiyado pa siyang bata
“Immature pa po kasi ako no’n. Tingin ko I can do whatever I want as long as I try. I never knew about consequences o responsibilities. It was not the right impression, sorry po for that.” Wika nito. Tuwing naaalala niya ang nangyari, hindi niya alam kung bibilib o mahihiya siya sa batang siya na nagawang sabihin ang mga ito.
“Alam mo ba, ‘nak? Doon ako bumilib sa'yo. Ang bata niyo, ang bata mo pero nagawa mong harapin kami. Nagawa mong lapitan at sabihin kami nang gano'n. Matapang mong pinakita na mahal mo ang anak ko.”
Napatingin naman nang saglit si Maloi dahil sa narinig. Nakangiti lang sa kaniya ang ama ni Aiah. Walang halong galit sa mukha nito. Naramdaman niyang nangingilid na ang kaniyang luha.
“Anak, alam ko no'ng una hindi kami sigurado sa inyo. Hindi naman dahil sa pareho kayong babae. Pero alam mo? Sa lahat ng sumubok na manligaw kay Aiah, ikaw lang ang humarap sa amin. Ikaw lang. Kaya nga pinagkatiwala ko siya sa'yo.”
“Tito, mahal ko po ang anak niyo. Sobra.” Mangiyak-ngiyak na tugon ni Maloi rito.
“Alam ko, anak. Kaya nga sana maayos niyo. Kasi mahal na rin kita bilang anak ko. Inaantay na lang namin na maging parte ka ng pamilya nang totoo. ‘Yong kasal na ba. Pero sa puso namin ng tita mo, anak na turing namin sa'yo.” Nakangiting wika nito kay Maloi. Itinabi naman ni Maloi sa gilid ang sasakyan bago umiyak nang tuluyan. Niyakap naman siya ng tatay ni Aiah.
“I'm sorry, tito. I'm really, really sorry.” Hingi niya ng paumanhin habang umiiyak sa bisig ng tatay ni Aiah.
“Basta ayusin niyo, ha?” Wika nito habang hinahagod ang likod ni Maloi.
“Opo, a-ayusin ko po.”
––––––––
“Mang Boy, tulungan ko na po kayo diyan,” wika ni Maloi nang makalapit sa isa sa mga magsasakang nagbubuhat ng mga sako ng kamote.
“Hala, ma’am. Hindi na oi. Madumihan ka pa rito,” sagot ni Mang Boy.
“Sige na po. Kaya ko po ‘yan!” sagot naman ni Maloi bago i-flex ang kaniyang braso dahilan para mapatawa ang mga tao sa paligid.
“Saka, nagpapa-good shot kasi ako eh. May kasalanan kasi ako,” bulong ni Maloi.
“Ikaw bahala. Ito buhatin natin. Doon ka sa kabila.”
Agad namang pumwesto si Maloi sa kabilang dulo ng sako bago ito buhatin. Dinala nila ito sa likod ng pickup. May kainitan na rin ang araw dahil patanghali na ang oras. Masama pa rin ang pakiramdam niya at nahihilo ngunit sa tuwing nakikita niya ang tatay ni Aiah ay wala siyang ibang naiisip kundi ang bumawi rito.
Pagkatapos nilang malagay ang mga sako ng kamote ay agad naman siyang sumakay sa pickup para magmaneho. Kasama pa rin niya ang tatay ni Aiah dahil hindi naman niya kabisado ang daan patungo sa palengke. Nang makarating na sila sa palengke ay tumulong rin siya sa pagbaba ng mga sako. Ramdam niyang pawis na pawis na siya ngunit nanlalamig ang pakiramdam niya. Mabigat na rin ang talukap ng kaniyang mga mata at nananakit na ang kaniyang ulo. Ipinagsawalang bahala lang niya ito at nagmaneho pabalik. May mga sako pa sila ng palay na ihahatid para ibilad sa arawan.
––––––––
Bumangon si Aiah mula sa higaan at tumingin sa orasan sa kaniyang kwarto. Alas diyes na ng umaga. Ramdam niyang hindi na masama ang kaniyang pakiramdam. Sinubukan niyang tumayo at iapak ang paa niyang naipit ng motor nang sumemplang siya. Medyo makirot pa rin ito ngunit hindi na namamaga at kaya na niyang ilakad. Tumayo siya para maghilamos bago bumaba.
Bago siya bumaba ay sinilip niya ang kabilang kwarto ngunit wala na rito si Maloi. Nang makababa siya ay hinanap niya ito ngunit ni anino nito ay hindi niya maaninag.
Umalis na ba siya?
“Sinama ng papa mo sa taniman at magde-deliver daw sila ng kamote at magbibilad ng palay.”
Napalingon naman si Aiah sa kaniyang nanay. “Gano'n ba, ma? Sige, puntahan ko po.” Wika nito. Lumapit naman sa kaniya ang kaniyang nanay at hinawakan ang noon nito.
“Buti naman at wala kang lagnat. Kumain ka muna at tanghali na rin.”
Sumunod naman si Aiah papunta sa kusina. May lutong longganisa at sinangag na kanin sa mesa. May pandesal din. “Gusto mo ba ng kape, Yang? Ipagtitimpla kita.” Tanong ng kaniyang nanay.
“Sige po, ma. Salamat.”
Nang matapos siyang kumain ay dumiretso siya sa banyo para makaligo at makapunta sa taniman. Hindi niya alam paano pupunta dahil hindi pa nila nakukuha ang motor niya. Naisipan niyang maghanap na lang ng tricycle at babayaran na lang niya. Ngunit bago pa man niya ito magawa, isang pamilyar na motor ang nahagip ng kaniyang paningin pagkalabas niya ng bahay.
“Kinuha ni Maloi kaninang umaga. Ginamit pa nga ang pickup eh.” Wika ng nanay niya nang makitang nakatingin si Aiah sa motor.
“Pero flat ‘yan, ma. Pumutok gulong niyan eh. Pinalitan niya rin ng gulong?” Hindi makapaniwalang tanong ni Aiah.
“Ah oo. Paggising eh nagtanong sa papa mo kung may extra na gulong. Kaya sabi ng papa mo paano niya iuuwi motor mo, kaya pina-drive ang pickup.”
Lumapit naman si Aiah sa motor. Nakalagay pa rin ang susi niya rito at bago nga ang gulong. May mga gasgas ang motor pero p'wede na niya itong imaneho. Tumingin naman siya sa kaniyang nanay. Ngumiti lang ito sa kaniya.
“Basta mag-iingat. Sige na, puntahan mo na.”
“Salamat, ma. Mag-iingat ako.”
––––––––
“Hi, Mang Boy. Si papa?” tanong ni Aiah pagkatapos iparada ang kaniyang motor.
“Ay, Ma'am Aiah, andoon sila ni Ma'am Maloi sa may palay,” sagot sa kaniya ni Mang Boy.
“Sige, puntahan ko na lang sila.”
Agad namang naglakad si Aiah paunta sa may palayan. Agad niyang nakita si Maloi na abalang nagsasakay ng sako ng bigas sa pickup. Pansin niyang nahihirapan itong ilagay ang sako ngunit nagawa pa rin niya. Nakita niyang napayuko ito at napahawak sa kaniyang mga hita at hinahabol ang kaniyang hininga.
She doesn't look good.
Agad niyang binilisan ang kaniyang lakad. Nakita naman niyang sinubukang maglakad ni Maloi nang bigla na lamang itong bumagsak.
“MALOI!” Sigaw ni Aiah bago mabilis na tumakbo papalapit dito. Kahit medyo nananakit pa rin ang kaniyang paa ay hindi niya alintana. Nang makalapit siya rito ay agad niyang hinawakan ang mukha nito.
“Maloi, you're burning!” Tarantang wika niya. Sinubukan namang buksan ni Maloi ang kaniyang mga mata ngunit mas lamang ang bigat na nararamdaman niya.
“L-let’s get you home! T-teka. PA! INAAPOY NG LAGNAT SI MALOI! PLEASE, HELP!” Sigaw ni Aiah sa kaniyang tatay na abalang nakikipag-usap sa ilang magsasaka. Agad naman itong lumapit sa kanilang dalawa.
“Tara, ihatid ko na muna kayo. Dalhin na ba natin sa ospital?” wika ng tatay ni Aiah.
Kahit nanghihina ay agad namang hinawakan ni Maloi ang damit ni Aiah. “N-no, p-please! Ayaw ko ng ospital.” Bulong nito kay Aiah.
“It's okay, we w-won’t go. Pa, sa bahay na lang.”
“Sige.”
Maingat namang binuhat ni Aiah si Maloi sa kabila ng pag-angal nito. Sa mga oras na ito, mas mahalaga na maiuwi niya si Maloi at mapahupa ang lagnat niyo.
––––––––
“Ma, padala po ng gamot at pagkain. Sa kwarto na lang.” Wika ni Aiah sa kaniyang nanay bago magmadaming umakyat habang nasa bisig ang nanginginig na si Maloi.
“A-anong nangyari?” Tanong ng nanay ni Aiah sa kaniyang asawa.
“Inaapoy na pala ng lagnat si Maloi. Nahimatay na kanina.” Sagot nito nang may pag-aalala.
“Nako, ang batang ‘yan! Hindi nagsasabi. Halika nga at samahan mo akong magluto ng sabaw.”
Sa kabilang banda naman, maingat na inihiga ni Aiah si Maloi sa kaniyang higaan. Pansin niyang nanginginig pa rin ito kahit na pawis na pawis. Agad siyang naghanap ng damit pamalit nito.
“I'll change your clothes, ha. Okay lang ba?” Bulong niya.
“O-okay.”
Maingat naman niyang pinalitan ito ng damit. Pagkatapos ay kinumutan nang mapansing nanginginig ito.
“Loi naman! May sakit ka na pala, bakit hindi ka nagsasabi?” Mahinang wika niya bago umupo sa gilid ng higaan at hawakan ang noo ni Maloi.
“I'm s-sorry. G-gusto ko lang bumawi,” nanghihinang sagot ni Maloi.
“Don't do this, hindi ko kaya kapag may mangyari sa'yo! P'wede ka namang bumawi pero not like this.” Sagot ni Aiah bago hawakan ang pisngi ni Maloi. Napapikit naman si Maloi nang maramdaman niya ito.
“I h-hurt you, kasalanan ko. B-bawi ako.”
Niyakap naman ni Aiah si Maloi. Ramdam niya ang init ng katawan nito, kung paano ito nahihirapang huminga. Tiningnan niya ito sa mata bago hinalikan ang noo.
“Please, pagaling ka. I can't afford to see you like this.”
“Opo, mahal.”
Bumukas naman ang pinto sa kwarto ni Aiah at bumungad ang kaniyang tatay at nanay na may dalang pagkain at gamot. Agad na tumayo si Aiah para tulungan ang kaniyang mga magulang na ilapag ang mga dala nila sa mesa. Pagkatapos ay hinila niya ang isang upuan at umupo rito.
“Ako na bahala dito ma, pa. Salamat.”
“Pagaling ka, Loi, anak. Sorry, sana hindi na kita sinama.” Malungkot na wika ng tatay ni Aiah.
“O-okay lang po, tito. A-ako po ang hindi nagsabi na masama na pakiramdam ko.”
“Sige, ‘nak. Kapag may kailangan kayo, nagsabi.” Wika ng nanay ni Aiah bago sila umalis ng kwarto.
“Kain ka muna then drink your meds. Huwag ka munang pasaway at sa ospital ka talaga.” Pagbabanta ni Aiah kaya naman tumango na lang si Maloi at inabot ang pagkain.
“Please, if you feel something magsabi ka agad. Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ko gustong nagtatago ka sa'kin lalo na when it comes to your health. Loi naman! U-ulitin mo pa talaga ‘to, magkalimutan na tayo!” Naiiyak na wika ni Aiah.
“S-sorry.”
“Please, take care of yourself. Paano kapag wala na ako sa tabi mo?”
Agad namang napatigil sa pagsubo si Maloi. Tiningnan niya si Aiah, nangingilid ang mga luha sa mga mata nito. Inabot niya ang mukha nito at pinunasan ang tumulong luha sa pisngi niyo gamit ang kaniyang hinlalaki. Napapikit na lamang si Aiah nang gawin ito ni Maloi.
“When you and Gwen we're talking, narinig ko ‘yong offer sa'yo about a big contract. Modeling abroad.” Mahinang wika nito kay Aiah dahilan para mapamulat ito.
“L-loi it's not wha—
“Aiah, ten years is a very long time to be tied to someone like me. I'm reckless, stubborn, magulo, at hindi mo malaman kung alam ko ba patutunguhan ng buhay ko kasi I always live in the moment. YOLO nga, ‘di ba?” Sagot ni Maloi habang natatawa nang mapait.
“Ilang taon na bang umikot ang mundo mo sa akin? Sa atin? Sa relasyon nating dalawa? Aiah, kailan ba ‘yong huling pagkakataon na nagdesisyon ka na para sa sarili mo?” Wika ni Maloi habang nakatingin sa mga mata ni Aiah. Napayuko naman si Aiah dahil dito.
“Masaya naman ako eh. Sa relasyon natin, sa'yo. May career pa rin naman ako rito. If ever we can go to Cebu and then manage the farm. Wala namang problema eh.” Halos pabulong na wika ni Aiah.
“That's the problem. Your decisions always involve my well-being pero paano ka? Paano ‘yong nga gusto mo, pangarap mo, mga bagay na you want to see and explore? Mahal, you're too young to be tied down to me.”
“But I don't want to leave you! Not now na okay na eh! O-okay na, p'wede na nating gawin lahat! B-bakit ba tinutulak mo ako?”
“Come, tabi ka sa'kin dito sa kama.”
Tumayo naman si Aiah at tumabi kay Maloi. Ikinulong naman siya ni Maloi sa isang mahigpit na yakap dahilan para tuluyan na siyang umiyak. “Mahal kita. Mahal na mahal kita. That's why I want you to go and fly and be free. Hindi naman ibig sabihin no'n eh hiwalay na tayo. I just don't want to clip your wings. I'll be fine. I'll wait for you and I'll stay or even go with you kung saan mo gusto. Sabi mo nga, p'wede na nating gawin lahat.”
“I j-just don't want to lose you, I'm sorry.”
“You won't lose me, ngayon pa ba? Hayaan mo namang ako ‘yong mag-sacrifice sa atin. Ano ba naman ‘yong ilang taon na you get to do the career you want, ‘di ba? You're too young to not fly. Tandaan mo, I'll always want what's best for you even if it means cutting myself out of your life.”
“No, you'll always be the best thing that's ever happened to me. Don't ever think of doing that! Sorry kung nag-walkout ako instead of talking about things.” Wika ni Aiah bago iangat ang kaniyang ulo mula sa pagkakayakap kay Maloi at titigan ito sa mata.
“I understand where you're coming from. Nilinaw ko dapat sa'yo lahat. Basta, we'll discuss everything, okay? Do what's best for you.”
“P'wede naman akong mag-model kahit kasal na tayo.” Natawa naman si Maloi sa sinabi ni Aiah.
“I know, pero kapag kasal na tayo may mga responsibilities na tayo sa isa't isa that goes beyond what we had as partners. Ayaw kong ma-guilty ka when you don't fulfill those. Kilala kita eh. Mahal kita, panghakawan mo ‘yon dahil panghahakawan ko ‘yong pagmamahal mo.” Wika ni Maloi bago halikan ang noo ni Aiah.
“I love you, mahal.”
“Oh, hindi na ako si Loi. Si mahal na ulit ako.”
Mahinang pinalo ni Aiah sa kaniyang braso si Maloi kaya naman mas lalong napatawa ito. “Ubusin mo pa rin ‘yang pagkain at inumin mo gamot mo, okay?” Wika ni Aiah bago kumalas sa pagkamayakap nila.
“Aye, aye captain.” Sagot ni Maloi rito bago sumaludo.
Tumayo naman si Aiah at saka hinalikan sa labi si Maloi na ikinagulat nito. “And for the record, you're still my fiancée. Papakasalan mo pa rin ako kahit tanggapin ko ‘yong offer na ‘yon.”
“T-teka lang naman, Maraiah Queen! Bakit ka nambibigla?!”
“I'll just go downstairs, mahal. Bye.”
“Hoi, don't kiss and run! Saka tawagan mo si Colet. Pinaghihiwalay na tayo ni gago!” Pahabol ni Maloi habang naglalakad palayo si Aiah dahilan para matawa ito.
––––––––
“Mag-iingat kayong dalawa, ha? Wala nang susugod ng ulan at madidisgrasya.” Wika ni Kuya Bry sa dalawa bago ihatid sa airport kasama ang kanilang mga motor.
“Opo. Hindi na po magpapasaway.” Natatawang wika ni Maloi bago yumakap.
“Thank you, kuya. Don't worry, hindi na mauulit.” Sagot ni Aiah rito.
“Dapat lang, siya lang tatanggapin kong mapapangasawa mo. Ingat kayo lagi. Next time, bakasyon ang dahilan hindi away kapag uuwi rito.”
Napangiti naman ang dalawa bago yumakap rito. Pagkatapos ay pumasok na sila sa airport. Ang kanilang mga motor ay naipasok na rin. Magkahawak ang kamay at may ngiti sa mga labi. Mas magaan na ang pakiramdam nila, wala nang sakit sa katawan maging sa puso.
“The girls said na they'll wait for us sa airport.” Wika ni Aiah habang nakatingin sa kaniyang cellphone.
“Kukulit talaga. Sabing kahit hindi na eh.”
“Sabi ni Colet kailan daw kasal o baka magpakasal na tayo nang hindi niya alam. Siya raw best woman ko eh.”
“Loko talaga. Sabihin mo hindi niya ba alam na si Jho talaga napili mo.”
Natawa naman si Aiah sa sinagot ni Maloi. “Ang sabihin mo mahal, ikaw ang may gustong best woman mo si Colet.”
“She's my best friend pero ikaw pinili. Ano kaya ‘yon!” Napapailing na wika ni Maloi. Niyakap naman siya ni Aiah nang patagilid bago idinantay ang ulo niya sa balikat niya gamit ang kaniyang kanang kamay at saka niyakap ang balikat nito.
“She's probably just messing with you. Kambal tuko na kayong dalawa.”
“Hmm, alam ko naman. Pero, alam mo bang the girls helped a lot no'ng need kitang hanapin?”
“I know, nakwento ni Shee. Thank you for finding me.”
“And thank you for giving me a second chance, for loving me the way you did and still do. Mahal na mahal kita.”
“And mahal din kita.”
“Did you know? The place where you found me was the place where I was supposed to take you for a ride, tapos I'll propose.”
“Really? Wow, that place is really good. Bagyo lang kaya hindi ko nag-enjoy.” Natatawang wika ni Maloi.
“We'll go back, next time wala ng bagyo.”
Napangiti naman si Maloi at tumango bago ipikit ang kaniyang mga mata. Maaga kasi silang nagising para sa flight pauwi. Hinayaan lang siya ni Aiah na matulog. Uuwi na rin sila sa wakas.
––––––––
“Oh pa-Tagaytay tayo? Miss ko na bulalo doon eh. Tapos kape tayo.” Wika ni Maloi, nakasandal siya sa kaniyang motor at ang helmet ay hawak-hawak niya.
“Game. When was the last time we rode our big bikes papuntang Tagaytay?” Wika ni Aiah. Nakaangkas na ito sa kaniyang motor at nakasuot ang helmet at nakataas ang face shield.
“Tagal na rin. Baka two months ago?” Tumingin si Maloi sa kaniyang relo bago binalik ang tingin sa kaniyang fiancée. “Oh, alas tres na. Baka maabutan pa natin sunsets doon sa spot natin. Miss ko na rin manood ng sunsets with you.”
“Go, chill ride lang ha? Mamaya makipag-race ka naman.” May pagbabantang wika ni Aiah.
“Oo, chill lang tayo.” Nakangiting wika ni Maloi.
“I love you, Aiah.”
“I love you too, Maloi.”