Eclipsed Of Embrace

BINI (Philippines Band)
F/F
G
Eclipsed Of Embrace
Summary
Clydan, a Legal Management from ADMU, spent her life avoiding bright, bold colors, finding solace in muted tones and neutral palettes. But when she's with Marvella, a Nursing from UST, who wore vibrant shades like second skin. Suddenly, every hue she once despised seemed softer, brighter, and more meaningful.

PROLOGUE

"Mukha kang ginutom na adobo, pare!"


Salita ni Jovencio kay Maxence pagpasok namin ng elevator. We are currently at the mall right now, napaisipan naming magpasyal pasyal. After what happened kanila Maxence at Adelaide, Gal suggested na magmall para mafreshen up naman kami.


"Tangina mo pala eh! Hihintayin ko 'yong sa 'yo, gago, tatawanan talaga kitang hayop ka!" Maxence hissed at Jovencio at pinakyuhan siya.


Nahiwalay kami sa iba naming kasama, pumunta sila sa clothing centre habang kami naman ay papuntang arcade. Pagkarating namin sa arcade ay dumeretso na kami ni Gal sa bowling alley, habang ang dalawa, kumuha ng card para makapaglaro. 


"Oh.. Unlimited 'yan for today! Tangina, one thousand five hundred! Buti na lang si Maxence ang nagbayad," sabi ni Jovencio pagkarating nila, "Thank you bro, love you bro, kahit 'di ka niya love."


"Tangina ka! Ako bunot mo ngayon ah? Papakulam kita, gago!" singhal ni maxence.


"Si Jovencio? Kulam? Tangina, hindi na kailangan, mukha ka ng sumpa!" rebat ni Galadreil at tinignan si Jovencio ng nakaka asar.

Ang ingay sa arcade—puno ng neon lights, tunog ng bumabagsak na pins, at syempre, tawanan ni Jovencio na parang walang katapusan. Hindi talaga ito ang tipo ng lugar na madalas kong puntahan, pero kapag kasama ko ang tatlong 'to, parang sakto lang.


Naka-relax ako sa upuan, pinapanood si Jovencio na naglalakad papunta sa lane. Tumalikod siya sa amin, ngising-ngisi. "Watch and learn," sabi niya na parang pro.


Napailing ako. "O baka watch another gutter ball," sabay bigkas ko. Tumawa si Galadreil, lalo na si Maxence na muntik nang mabilaukan sa iniinom niyang soda.


Pinakawalan ni Jovencio ang bola—malakas, sobrang lakas pa nga. Diretso ito sa gutter. Thud. Tumalikod siya, taas ang mga kamay na parang nanalo. "Rigged 'tong lane!" reklamo niya.


"Sure, Jov," sabi ko, sinamahan ng smirk.


Tumayo naman si Maxence, kinuha yung lavender na bola niya. Tumingin siya Jovencio, parang nang-aasar. "Let me show you how it's done," sabi niya.


At syempre, perfect. Smooth na smooth yung bola niya, tapos pasok lahat ng pins. Ang lakas ng tunog ng strike, ta's sumigaw pa si Jovencio ng, "Yes! That's my partner!"


Napatingin si Jovencio sa akin, naka-smirk. "O ano, strategist? Kaya mo bang tapatan 'yan?"


Tumayo ako, kalmado lang. "We'll see," sagot ko, sabay hawak sa lavender ball.


Ramdam ko yung bigat ng bola habang ina-align ko yung tira ko. Alam kong nakatingin si Jovencio, hinihintay akong magkamali. Pero hindi ko bibigyan ng chance. Pinakawalan ko yung bola, and straight siya, mabilis, parang alam na niya kung saan pupunta.


Nine pins. Halos perfect. Umupo ako ulit, konting ngiti lang habang si Jovencio nagkukunyaring naiinis. "Malapit na kami makahabol," sabi ko.


Si Galadreil, syempre, paakit sa mga babae sa gilid namin. Straight shot, Nine pins, lahat napatumba,  tumayo siya at nag-bow pa. "Style points," sabi niya, habang tumatawa ako.


At the end, sobrang dikit ang laban. Naka-strike si Maxence finally, sumigaw pa si Jovencio na parang champion. Pero yung final shot ko, solid. Panalo kami.



"Boom! Talunan? Talunan!" sabi ni Galadreil, asar niyang pinipigilan ang tawa.

 

"Pakyu," inis na sabi ni Maxence, pero okay lang sakaniya.



Pagtapos ng laro pumunta kami ng food court, bumili kami ng Buko Juice at Burger. Si Jovencio nagbayad kaya todo reklamo at inarte siya. 'Di kalaunan tumunog ang telepono ni Galadreil, tinignan niya ito habang sinisipsip ang buko juice niya.


"Hanap tayo nila Rins," sabi niya at tinignan kami, "Sabihin ko ba Food Court tayo?



"Yeah.. It's fine, I've freshened up.." Maxence said giving us a warm smile.



"Wow, textmate na ulit sila! Ganyan ba pagtanggap na hindi ka mahal?" asar ni Jovencio.



"Porket 'di ka kinakausap ng rival mo! Hahaha!" sagot naman agad ni Galadriel, na ikinasimangot ng kaasaran niya.



Ilang minuto din ay dumating na sila, 'di nagpapansinan ang lahat bukod kay Galadreil at Severina. Nag-order sila Gal at Maxence para sa apat na babaeng kakarating lang, halos ang tahimik ni Jovencio ngayon 'di tulad kanina na napakakupal.



"Here," nilapag ni Maxence ang order at umupo sa tabi ko, "I ordered what you guys asked for, except for you Rins... Wala ng Tacos e."


"Okay lang!" bawi naman ni Severina, "Bumili na lang siguro si Gal ng bago.."


"Uh, yes.. Dre ordered something new, it was like ano, uhm.. somai, yeah.." awkward na sabi ni Maxence.



Dumating si Galadreil at inilapag ang kanyang hawak sa lamesa at sumiksik sa amin. Para kaming sardinas na nagsisiksikan sa iisang couch! Bwisit, akala mo germs ang babaeng nasa tapat namin. Pagtapos nila kumain, I suggested that I'll be driving the car pauwi. Kaya't nauna akong bumaba sa kanila at pumuntang parking.



Pagkarating kong parking ay binuksan ko ang engine nito upang uminit. Lumabas ako ng kotse at kumuha ng isang stick, kinuha ko rin ang lighter ko at sinindihan ito. Sa aming magt-tropa ay kaming dalawa lang ni Galadreil ang nagsisigarilyo, takot ang dalawa na humawak. Naka ilang usok ako dito habang naghihintay sa kanila, okay lang naman, hindi ko sila minamadali.



"Vel?" 



Nilingon ko ito at sinagot siya, "Marvella,"



Fuck.


Marvella... She's like golden hour—soft, warm, and glowing, the kind of light na parang ang perfect ng lahat. Her energy.. A mix of calm and hype, like lavender skies pero may pop of neon, something you don't expect but totally works. Being around her feels like your life just got upgraded with the perfect filter—mas bright, mas vibrant, mas alive. She's not just the color; she's the whole vibe. Kaya hindi mo rin ako masisisi kung bakit hulog na hulog ako sakaniya.

 

"Tangina.. Sorry.." simula niyang iyak, "I'm sorry, Vel.. I'm.. Sorry.."



Ngitian ko siya at niyakap, "Bakit ka nags-sorry? Hindi mo kailangan magsorry, Elo. Tama lang ang ginawa mo..."



"It's alright, hindi mo kasalanan.." pait na sabi ko sakaniya at niyakap siyang mahigpit, "Alam ko naman na hindi mo ako kayang piliin.."





Sa'yo ko iniwan ang puso ko, pero bakit nga ba ako naghihintay kung hindi mo naman ako kayang mahalin tulad ng gawa ko?