Sunod na lumabas sa newsfeed ko, ang IG ni Gwen. Ang random naman, jusko. It was a post from her photoshoot earlier, at habang tinitingnan ko yun, hindi ko maiwasang magtitig kay Stacey for a while. Sure, Gwen is pretty, pero may something talaga kay Stacey—parang hindi ko mapigilan na tignan siya.
She looks so perfect dito, from her makeup, outfit, and body, maski yung height. Ang ganda ng pagkaka-define ng features niya, as in, it feels almost unreal. No wonder naririnig ko na andami sa kanya nagkakagusto sa previous university niya. Oh Lucas, you are so damn lucky. Kasi kung ako yung may chance sa kanya, hindi ko na yan papakawalan pa.
Napakagat naman ako ng labi nung marealize ko ang sinasabi ko. "Oh my God, Aiah, anong iniisip mo?" Parang ang bigat ng realization na yun, and I had to snap myself out of it. Hindi ka bading, tandaan mo self . Tss.
Kahit na may ganung thoughts na pumasok, it felt a bit weird. But still, I tried to brush it off. I mean, I’m just admiring her, right? It’s not like it’s a big deal. So crush ko nga? Shet, crush ko nga siya. Malala ka na Aiah, focus please para sa maganda grades report ang pagfocusan hindi partner.
**
Stacey was a little bit worried tungkol kay Lucas. Last message niya kanina pang umaga, mga 8 AM, tapos mag 7 PM na. Sanay siya na kada oras may update ito sakanya, kaya medyo alanganin siya.
Siguro busy siya with family? Kasi nabanggit niya na may dinner sila, but still, weird na hindi siya nakapag-text. Nasa isip ni Stacey, baka may nangyaring hindi inaasahan, or worse, baka abala lang siya, pero almost mag 12 hours na wala pa rin itong paramdam.
She opened her IG account, hoping na nakapag-post siya ng story or pictures, pero to her dismay, kahit isa, wala. Kung hindi man siya nag-post, sana man lang may update or kahit anong activity. Pero pag bukas niya ng profile ni Lucas, nakita niya na online siya sa IG.
Seriously? Walang chat maghapon, pero online siya? Parang hindi ata tama 'yun. Feeling ni Stacey, something's off, pero hindi niya alam kung anong eksaktong nangyayari. Isang mabilis na tanong na pumasok sa isip niya: Bakit hindi siya nag-reach out, kahit man lang para sabihin na okay lang siya?
It just felt weird. Hindi ganito ang boyfriend niya.
Even though she was worried, hindi siya nag-message kay Lucas. Ayaw niyang ibaba ang pride niya. Si Lucas dapat ang mag-reach out, hindi siya. Parang may line na ayaw niyang tatawirin, kasi feeling niya, kung siya pa ang unang mag-message, baka maging habit na lang at mawala na yung balance ng relasyon nila.
Inis na inis siya, kaya tinapon niya sa sofa ang cellphone niya pinag-isipan kung anong susunod na gagawin. Wala siyang choice kundi magsimula na ng PowerPoint para sa report nila para rin mabilis siyang matapos. So, she opened her laptop, and kahit na ang utak niya ay nandun pa rin kay Lucas, she tried to focus on the slides. She needed something to distract her, or else, baka magkasunod-sunod na lang ang inis at frustration niya dito.
Exactly 11:00 PM, patapos na siya sa PowerPoint nang tumunog ang cellphone niya. Finally, it was a message from him.
"Hi baby, are you still awake?"
"Yeah, what took you so long to message me?" inis kong reply sakanya.
"Sorry baby, I got so busy with the fam," sagot ni Lucas.
Parang may mali, pero hindi ko alam kung anong. Pinagtataka niya, usually kapag kasama ni Lucas ang family, nagsesend pa siya ng photos, o kaya may mga stories. Pero ngayon, wala. Hindi ko maiwasang magtaka.
May tinatago ba siya saakin? Bakit ganito? Kahit na sinabi niyang busy siya, parang may kulang. Kung may ganung klaseng excuse, bakit wala man lang kahit isang photo or update? Hindi ko talaga ma-figure out, pero may gut feeling akong may hindi siya sinasabi.