
Mainit ang araw sa unibersidad, pero sa ilalim ng puno sa tabi ng Ridge Spot, tahimik na nag-uusap si Gavion at Savi. Si Gavion may hawak na stick ng isaw, at si Savi, cup ng suka. Para silang walang pakialam sa mundo—wala nang ibang tao, wala nang distractions, just the two of them.
"Tangina, ang init," sabi ni Savi, pinapawi ang pawis sa noo.
"Oo nga, pero mas okay na 'to kaysa sa ulan," sagot ni Gavion, sabay tawa habang sinisimulan niyang kagatin ang isaw. "Kesa naman mag-brownout tayo."
Si Savi tawa lang ng tawa. "Ewan ko sa'yo, bebe," sabi niya, tapos binigyan niya si Gavion ng cup ng suka. "Suka, tapos sa isaw mo lang?! Apakadamot kapag pagkain!"
Tumawa si Gavion. "Sorry, mahal, I gotta put me first," sagot niya na may halong biro.
Nagkatinginan sila at parehong natawa. May kasamang kilig, pero hindi nila pinapansin. Alam nila na wala silang pakialam kung anong iniisip ng iba sa paligid. Sa oras na ito, simpleng moments lang silang dalawa.
Hindi nila namalayan, dumating na pala ang tropa nila. Parang hindi pa rin tumigil sa pagreklamo si Jon habang naglalakad. “Gutom na gutom na ako! Ang init pa!”
"Eh, bakit hindi ka magdala ng baon?" asar ni Sami. Alam ni Jon na kahit sagutin niya ito madadagdagan lang ang gutom niya.
“Bakit kasi tayo naglakad? Dito pa tayo dumaan?” tanong ni Clinton, sumisingit sa conversation.
“Maghanap na lang tayo ng pagkain,” sabi ni Madi, tawa lang ng tawa habang naghahagilap ng pwesto. “Pero hala, ‘yung isaw pala ni Gavi at Savi?”
“Dahan-dahan lang kayo, mga kupal,” sabi ni Maverick, pero halata na siya rin ang pinaka-wala sa mood maglakad.
Habang nag-uusap sila, si Savi at si Gavion, deadma lang—basta sila, as if wala nang ibang tao. Ang kilig na hindi nila alam na pinagmamasdan ng tropa nila.
"What's up, mga tropa?! Nandito na si Jon Revilla!" mahinang sigaw ni Jon habang sumasayaw, nasa tabi niya si Clinton na may hawak na speaker na may tugtog ng budots.
Masamang tiningnan ni Gavion ang dalawa, "Para naman kayong gago!"
"Ayan na naman kayong dalawa, parang may sariling mundo," tanong ni Madi sabay tawanan. “Ano ‘yan, isaw, suka o kiss na pang tropa?”
"Ha?" tanong ni Gavion, kunyari naguguluhan. “Ano na naman 'yan, gago?”
Si Sami biglang sumabat, “Eh puta, halos maghalikan na kayo diyan! May something ba? O BFF kiss pa rin 'yan, hayop kayo?”
Flashback.
First year, unang bonding ng buong tropa. Bagets pa sila, puro gala, walang kwenta ang allowance, pero may ambag lahat sa chichirya. Sa bahay ‘to ni Ayi, na parang resort ang vibes—may pool, may inihaw, may bean bags, at syempre, may karaoke na laging sira ‘yung mic 2.
Gabi. Maingay. May nagvi-videoke ng Hawak Kamay, habang si Madi nasa gilid ng pool nagbabanta:
“Putangina niyo, ‘pag may tumulak sa’kin dito, dadalhin ko kayo sa hukay!”
Tapos dumating ang matinding truth or dare session. Kasi nga bored na, at may nahalo na yatang Red Horse sa juice ni Clinton—hindi niya sure.
Umiikot ang bote. Pa-suspense. Tension.
Tumigil kay Gavion.
"Naknamputa!"
"Egg-sited!"
"Ito ba 'yong himagsik ng bangis?"
"Guys, wala pa? Siraulo lang?"
“Truth or Dare, Gavizard?!” tanong ni Jon, nakataas pa kilay.
“Dare, gago,” sagot ni Gavion, chill pa rin habang umiinom ng iced tea na parang hindi papatol sa kabastusan.
Biglang sinunggaban ng tropa ang opportunity.
“Halikan mo 'yong first na nameet mo sa tropahan!” sigaw ni Maverick, sabay palo kay Jon.
Napakunot ng noo si Gavion, "Edi hahalikan ko si Savi? Ganon ba, tangina ka? Kupal mo, gago!"
Maverick teased her by nodding and waving her eyebrows.
“Huy gago—anong halikan agad?!” singit ni Savi, nagchoke sa Piattos. “Wala ‘to sa syllabus!”
“Rules are rules!” sabi ni Ayi, hawak na ang phone ready mag-video. “Educational purposes lang ‘to.”
“Okay lang ‘yan,” sabi ni Clinton, kunwari seryoso. “Baka kailangan niyong i-break ‘yung emotional barrier.”
“Emotional barrier amputa! May dagdag tariffs ba 'yan?” biro naman ni Madi.
"Bobo! Border 'yon! Hindi barrier," sagot naman ni Jon, "Tanga, tanga!"
Siyempre, lahat inaabangan na parang teleserye.
Si Gavion? Tumayo lang, parang walang nangyari.
“Mabilis lang, lovey,” bulong niya na silang dalawa lang ang nakakarinig. Sabay lapit, at hinalikan siya. it was quick (for her liking).
Ang tropa hindi narinig ang sabi ni Gavion dahil ang akala nila Savi ang sinabi niya at hindi "lovey."
Literal na collective gasp. Parang may humithit ng buong oxygen sa kwarto.
Tahimik. Ilang segundo. Walang gumalaw. Ni electric fan.
“Hesus mahabagin!” sigaw ni Jon, tumalon sa bean bag.
“Bakit sa labi?! Ih! Sa lips, guys!”
Si Sami, napatayo. “Teka! 'Yong consent form natin?! Nasan na?! Wala ba?!”
“Teka lang,” sabi ni Clinton, napahawak sa puso. “Parang napasok ako sa Wattpad.”
“Hindi ba ako nanonood ng GL?! Anong episode 'to?!” sigaw ni Madi.
Pero si Gavion, deadpan lang. “Hindi ba sabi niyo halikan? Parang mga gago lang? Atsaka, relax. Pang tropa lang ‘yon.”
"Oo! Pero pwede naman sa pisngi lang?!" agad namang sagot ni Clinton.
Napakamot si Gavion sa batok niya, "Ah, sa pisngi ba..? Akala ko kasi eh."
Sinakyan naman ni Savi ang sinabi ni Gavi, “Okay lang. BFF kiss lang naman 'yon. Pang strengthen ba ng bonding.”
“BFF… KISS?!” ulit ng tropa, halos sabay-sabay.
“Puta, ano 'yan?! Friendship spirit?!”
“May ganun pala sa friendship?! Pa-apply!”
“Pwede ba sa recess 'yan?! Magpractice kami ng crush ko!”
"Puta—Carson, kabahan ka na!"
"Okay, what the fuck?!"
"I had too much liqour.."
At dun na nagsimula ang legacy.
Na kahit ilang sem na ang lumipas, kahit may OJT na si Clinton, may thesis si Ayi, nagm-make up si Sami, nagt-thirst trap si Madi, kumakain si Jon, at tulog si Maverick,
tuwing may magkahawak ng kamay, magkatitigan, o magkatabi sa tricycle, may sasabog na:
“HOY! BFF KISS BA ‘YAN?!”
And so the legend was born. Isang halik. Isang kasinungalingan. Puno ng katarantaduhan.
“BFF kiss?” tanong ni Jon, na halos hindi na makahinga sa tawa dahil sa tanong niya, “Putangina niyo! Parang gago!”
Tawa sila lahat. Si Clinton, hindi nakapagpigil. “Inggit ka na naman.”
Hinuha na lang ni Savi at Gavion na deadma lang sila sa mga biro. Pero sa huli, sabay nilang sinabi:
“No to tropa, guys!” sabay tawa ng malakas.
Nagkatinginan silang lahat. “Tropa lang? Seriously?” tanong ni Madi, sabay tingin kay Clinton.
Si Jon hindi na nakapigil. "Tropa daw! Eh, halos kumandong na si Savi sa 'yo, tangina ka!"
“Tanga,” sabi ni Gavion, pinigilan ang sarili mula sa tawa. “Tawag doon friendship chronicles.”
"Okay, so hindi pa kayo mag-jowa?" tanong ni Ayi, nakakunot ang noo.
"Oo nga," sabi ni Savi, nagpipigil ng tawa. “Ano lang, uhm... tropa time ganon.”
“Pang gago naman,” sabi ni Clinton, tumawa na parang hindi pa rin makapaniwala. “Tropa time daw!”
Si Madi hindi tumigil. "Nakakainggit naman 'yang tropa time na 'yan!"
At habang nag-uusap sila, si Savi at Gavion tahimik na lang na nagsusukatan ng tingin—alam nilang wala nang dapat itago sa tropa nila. Pero sa isip nila, they wouldn’t let anything get in the way of their funny, unspoken bond.
“Okay lang bang tropa kiss muna tayo, okay?” sabi ni Gavion, sabay tuloy sa pagkain ng isaw, habang si Savi ay tawa na lang ng tawa.
“Parang mga gago naman 'to,” sabi ni Jon, sabay tingin sa kanila.
"Ano nga kasi kayo!" pikon na sabi ni Sami.
"Tropa nga," sagot agad ni Gavion nang halikan niya ang labi ni Savi sa harap ng tropa.
"Putangina niyo talaga!" sabi ni Clinton, "Ano 'yan?! BFF kiss na naman?!"