Boundless Echoes

BINI (Philippines Band)
F/F
G
Boundless Echoes
Summary
"Maghiwalay na tayo.""We can't--""I am pregnant."The stakes have never been higher, and the battle for freedom is about to become even more ruthless. As one seeks to break free, a desperate declaration shifts the balance of power, but in the game they’re playing, every move comes with a cost. Neither is ready for what the future holds, but both are determined to win—no matter what it takes.
All Chapters

Chapter 6

Kalalabas ko lang ng banyo at kasalukuyang nagbibihis nang may kumatok sa pinto.

"Ma’am Aiah, baba na po kayo at tanghalian na po."

Oh, I didn’t notice na lunch time na pala?

"Sige po, Manang. Bababa na po ako."

Dumating na kaya ang parents namin? O baka naman andito na rin ang mga pinsan niya kaya pinapatawag na ako?

Habang nagbibihis, pinili ko na lang ang isang casual dress. Plano ko sanang lumuwas sa bayan pagkatapos kumain—maybe maglakad-lakad with Colet or Gwen. I need to buy something, or maybe dumaan sa mall para mamili ng damit dahil kaunti lang ang nadala ko.

Pagbaba ko sa hapag, natigilan ako.

Siya lang ang naroon.

Fuck.

Napaatras ako nang hindi namamalayan, para bang by instinct, gusto kong umiwas. Wala pa pala ang iba? Hindi ko ata kaya na kami lang ulit ang magsasabay sa hapag. I’ll just eat outside. Maybe sa bayan na lang.

I was about to turn around when her voice cut through the silence.

"Where are you going?"

Napalunok ako. Hindi ko agad alam ang isasagot.

Nakatingin siya sa akin, steady, hindi demanding pero sapat para hindi ko siya balewalain.

"Uhm… lalabas lang. Kakain sa labas."

Tahimik siyang tumango bago inilapag ang kubyertos. "Why?"

Napakagat ako sa labi. Anong why? I could feel her gaze waiting for an answer.

"I just wanna eat outside," sagot ko nang mahanap ko ang boses ko. "Plano ko rin kasing maglakad-lakad."

She hummed, as if considering my words. I took that chance to step back. Okay na ‘to. Makakaalis na ako—

"Okay." She suddenly stood up. "I’ll tour you around."

Napatigil ako. What?

"H-Hindi na. Hindi mo na kailangang sumama," mabilis kong sagot.

Naglakad siya palapit. "Why? I’ll drive you."

"But—"

"Wala ang mga driver at mga sasakyan, dala lahat ng pamilya ko. I think ang sasakyan niyo rin ay dala ng parents mo." She raised a brow. "Unless gusto mong maglakad at mag-commute?"

"No..."

She nodded, satisfied. "Good, then. Let’s go. I have my car with me."

And just like that, she was already leading the way, leaving me with no choice but to follow.

Damn it.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, at agad akong sumakay. It’s just a simple car, a Toyota Veloz. Hindi luxury, pero may dating. Something about it screams her. It’s sleek, understated, yet efficient. Hindi ko alam kung bakit nagulat ako—siguro dahil powerful ang pamilya nila, and I was expecting something more extravagant. Kahit nga ang mga pinsan niya, sports cars at high-end luxury vehicles ang minamaneho.

Or maybe she has other cars?

Inikot ko ang mata ko sa loob. Malinis. Organized. May faint na scent ng leather at something citrusy. Hindi rin makalat—walang nakakalat na papel, walang traces ng kung sino-sino. It almost feels impersonal. Neat, controlled, just like her.

“Do you have a place in mind? Where are you planning to go?”

Napatingin ako sa kaniya. Siya ang nag-initiate ng conversation? Hindi ba siya ‘yung tahimik kanina? The last time I checked, hindi kami ganito. Or is this because of breakfast kanina?

“Kahit sa mall lang. Simple restaurant will do,” sagot ko, trying to keep my voice neutral.

She just hums in response, eyes fixed on the road as she smoothly shifts gears. Her driving is confident, precise, but fast. Like, really fast.

I grip the seatbelt, debating whether I should say something. Should I suggest na ako na lang ang magmaneho? But that would be rude, considering this is her car.

Kaya wala akong nagawa kundi manahimik. I watch the city blur past through the window, my thoughts running just as fast as the car.

Pagdating namin sa parking ng mall, napasinghap ako nang maramdaman ang biglaang pagbagal ng sasakyan.

Then it hits me.

I just willingly walked into another meal with her. Alone.

Magsasabay na naman kami sa hapag, at kaming dalawa lang ulit.

Great. Just great.

Pagpasok namin sa loob ng restaurant, agad siyang nagpaalam na magbabanyo. Tumango na lang ako, thankful for the brief moment alone. At least, may oras akong i-compose ang sarili ko.

Habang hinihintay siya, ako na ang namili ng pwesto namin. Sinamahan ako ng waiter sa isang table for two—great, another meal na kami lang ulit ang magkasama.

Pagkaupo ko, iniabot agad sa akin ang menu. I scanned it absentmindedly, pero hindi ko pa rin alam kung ano ang gusto kong kainin. Mas mabuti na sigurong hintayin ko siyang bumalik bago umorder.

Napapikit ako sandali, sinusubukang unawain kung bakit ba siya willing na samahan ako? Was this something her parents asked her to do? Para i-entertain ang guest ng pamilya nila?

Binabalikan ko ang nangyari kanina sa sasakyan. Hindi awkward. Parang may nag-iba sa pakikitungo niya sa akin. Hindi na siya ‘yung tahimik at matipid sumagot. She was initiating conversations.

Just what the hell is happening?

"Arceta.”

Naputol ang iniisip ko nang marinig ang boses niya. Napatingin ako sa kaniya—diretso sa mga mata niyang tila may hinahanap.

“Nakapag-order ka na ba?”

Nagulat ako. Why the hell are we in a talking scenario? Hindi ko alam kung bumait nga ba siya o ginagawa lang niya ito bilang good host para sa pamilya nila. At bakit, sa tuwing nagtutugma ang mga mata namin, may kung anong bumibigat sa dibdib ko?

Tumikhim ako at umiling. Tinuro ko ang menu sa mesa at ibinalik ang tingin ko sa hawak kong menu.

I should just order something simple. Salad, maybe. And some seafood.

“I’ll settle for a steak.”

Napatingin ako sa kaniya. Steak? Hindi ba masyadong mabigat iyon para sa isang simpleng pananghalian?

Oh, fuck.

Kung tama ang naaalala ko, may steak sa hapag kanina sa bahay.

So… gusto niya sanang kainin ‘yon, pero sumama siya sa akin?

Bakit ba kasi siya sumama sa akin?!

Tinawag na niya ang waiter at sinabi ko na rin ang order ko. Pag-alis ng waiter, saka ko lang tuluyang narealize ang sitwasyon.

We’re really doing this huh?

I was about to get my phone from my bag, just something to do, something to distract myself, nang bigla siyang magsalita muli.

“You know…”

Napatingin ako sa kanya, bahagyang napataas ang kilay.

We’re really in a speaking situation huh? Might as well.

“What?”

Wait. Is she shy?

Nakita ko kung paano siya lumunok, as if hesitant. This is not her.

“I’m starting to think…”

Tumingin ako sa kanya, waiting, silently urging her to continue.

“Do you hate me?”

Ako naman ngayon ang napasamid kahit wala naman akong iniinom.

Here I thought ako na ang nananalo sa sitwasyon namin.

I mean, I saw her hesitate. That’s not like her. She’s usually bold and confident, never one to trail off mid-sentence. But just now, she looked unsure, like she wasn’t even sure if she should ask me at all.

So I thought I was winning. I thought I had the control.

But now, I’m the one caught off guard.

“I don’t…” Mahina kong saad.

It’s true. Hindi naman ako galit sa kanya.

“Then why?”

Nagtama ang mga mata namin, and for some reason, I felt like I was being cornered. This is awkward—kind of uncomfortable. Pero hindi ako umiwas. May nakita ako sa mga mata niya, something fleeting, a flicker of something I couldn’t name.

Was it… sadness?

Damn those eyes.

“Why what?” saad ko, finally finding my voice, still not breaking our eye contact.

“You always avoid me.”

Her tone wasn’t accusing, just… certain.

“Even earlier sa breakfast, you preferred eating with my cousins. You even asked where Ate Colet, Gwen, and Mikha were. I saw you asking Manang about them before we left.”

Oh.

Napayuko ako, finally looking away.

So she noticed.

I don’t know why, but something about that made my stomach twist. Maybe because I wasn’t ready for her to call me out on it, or maybe because I still couldn’t name the emotion in her eyes. I mean, ako naman lagi ang nag-iiwas ng tingin sa kanya, hindi ba?

“I don’t hate you,” sabi ko, this time with more clarity, making sure she heard me. I didn’t want her to think otherwise.

“It’s just that…”

I was about to answer when the waiter arrived with our food.

As soon as the food arrived, I took it as my excuse to end the conversation. I focused on my plate, trying to drown out the lingering weight of her words. Do you hate me? I shook the thought away and took a bite.

Jhoanna, on the other hand, was eating quietly, her usual calm and composed self. It felt like we had reached some kind of truce, even if it was unspoken. I told her I didn’t hate her—that should be enough for now.

Minutes passed in silence, but it wasn’t as uncomfortable as I expected. Maybe because we both chose to focus on the food instead of each other.

When we were done, Jhoanna wiped her mouth with a napkin before leaning back slightly. “You still want to shop?”

Napatingin ako sa kanya. “What?”

She raised an eyebrow. “You were looking at the clothing store before we went to the restaurant.”

I blinked. Wait—she noticed?

“Hindi naman,” I answered, shaking my head slightly. “Wala naman akong kailangang bilhin.”

She didn’t respond right away. Instead, she studied me for a second before shrugging.

“I… I don’t mind,” she said simply. Then, almost as an afterthought, she added, “I want to.”

I stared at her, caught off guard.

Seconds passed before she spoke again, this time looking away. “I wanna buy something too.”

That made me pause. I wasn’t sure if she was serious or just saying it to justify going there, pero sa huli, tumango na lang ako.

Jhoanna just nodded back, standing up as if that settled everything. “Good. Let’s go.”

With that, she grabbed the bill without another word and started walking ahead.

I followed her, but my mind was still circling around the fact that Jhoanna—of all people—noticed something as small as that.

Pagkalabas namin ng restaurant, naglakad lang kami papunta sa clothing store na nadaanan namin kanina. Hindi ko alam kung siya ba ang nag-adjust sa pace niya o ako ang bumilis, but somehow, we ended up walking side by side.

Pagkapasok, tinapunan ko siya ng tingin. She looked around the store briefly, then turned her gaze to me. “Go ahead. I’ll just look around.”

I nodded, feeling oddly conscious as I started browsing through the racks.

Jhoanna said she wanted to buy something too, but as I glanced at her, she wasn’t really looking at any clothes. Instead, she was just casually leaning against a display, scrolling through her phone.

Was that just an excuse so I wouldn’t feel awkward shopping alone?

I shook my head, trying not to overthink. Instead, I focused on picking a few clothes. Though, I couldn’t help but feel the occasional weight of her gaze whenever I moved.

Marami-rami na rin ang mga napili kong damit, though I still wanted to check out other stores. Pero paano ko sasabihin ‘yon kay Jhoanna? Magagalit ba siya? Maiinis?

Nag-aalangan akong lumapit sa kanya. What if she’s tired? What if she just wants to go home?

Pero bago ko pa man makahanap ng tamang salita, bigla siyang nagsalita.

“Hey, are you done? Wala akong nagustuhan dito. I wanna look at another store when you’re done,” she said casually, her tone as straightforward as ever.

Oh fuck.

Halata ba sa mukha ko na gusto ko pang maglibot? O binabasa na naman niya ako tulad kanina?

Regardless, nagpapasalamat ako. At least, hindi ko na kailangang magpaalam.

“Tara,” sabi ko na lang, sabay kuha sa mga damit na napili ko para bayaran.

Pagdating namin sa isa pang store, dumiretso ako sa loob habang nakabuntot lang siya sa akin. Bigla na lang akong nakarinig ng mahinang mura mula sa likuran ko.

“Fuck, deadbatt,” bulong niya habang tinitingnan ang hawak niyang cellphone. “Wala akong dalang charger sa sasakyan.”

Napalingon ako sa kanya. “You can buy a charger muna if you want?” tanong ko, humarap sa kanya.

She shook her head without hesitation. “Nah, wala naman akong importanteng ginagawa sa phone. Let’s continue shopping. I wanna buy some clothes.”

Then just like that, she walked ahead, mas nauna pa sa akin pumasok sa loob.

Huh. Hindi talaga mahilig sa telepono ang magpipinsan ano? Kanina pa ako nagtataka—ganoon ba talaga sila?

Habang naglalakad kami sa loob ng store, napansin kong huminto si Jhoanna sa may display ng accessories. Sinundan ko ang tingin niya at nakita kong may hawak siyang isang cap.

Hindi ito ganoon ka-fancy—simple lang, pero may dating. Kulay pula na may bahagyang brown sa gilid, at ang nakaembroidery sa harap ang agad kong nabasa.

"Self Love Club."

Bahagya akong napakunot-noo. Hindi ko inexpect na bibili siya ng ganoong klase ng item. Para sa isang taong hindi ko pa nakitang nagsuot ng cap, bakit biglang interesado siya rito? Gusto ko sanang tanungin kung bakit iyon ang pinili niya, pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko, nakapila na siya sa cashier.

"You’re getting that?" tanong ko, mas dala ng curiosity kaysa kung ano pa man.

"Yeah." Kibit-balikat lang siya. "I just feel like it."

Hindi ko na pinilit alamin kung bakit. Wala naman akong pakialam—o baka meron lang akong hindi maintindihan sa sarili kong iniisip.

Paglabas namin ng store, napansin ko ang dala niyang dalawang paper bag—isa maliit, isa malaki. Hindi ko alam kung bakit ko pa napansin iyon, pero hinayaan ko na lang.

Nagpatuloy kami sa paglalakad, at siya na mismo ang nagyayang dumiretso sa bayan para magmeryenda. Hapon na rin kasi.

"I want to try kakanin," sabi niya casually.

Napatingin ako sa kanya, bahagyang nagulat. Kakanin, specifically? 

Pero sa halip na kwestiyunin pa, tumango lang ako.

"Sige."

Kailan pa ako tumatanggi sa pagkain?

Mabilis lang ang biyahe patungong bayan. We just settled in a simple local kakanin shop. It’s full of different meryendas. Hindi rin gaanong matao. Umorder kami pareho ng bilo-bilo at iba’t ibang klase ng kakanin. Hindi ko rin alam kung bakit biglang gusto niyang kumain ng mga ganito.

Habang kumakain kami, biglang tumunog ang cellphone ko. Nang mapansing si Colet ang tumatawag, agad ko itong sinagot. Hindi na ako nag-abalang tumayo pa, kahit nasa tapat ko lang si Jhoanna. Sa tingin ko, nakita rin niya kung sino ang caller.

"Hello, Colet?"

"Aiah, are you with Jhoanna?"

"Yup, she's with me. Nasa tapat ko ngayon."

"Oh, good. Sabi rin kasi ni Manang na magkasama raw kayong umalis. She’s not answering her phone."

Napatingin ako kay Jhoanna, na mukhang wala namang balak sagutin ang sarili niyang cellphone—oh right, lowbat nga pala siya.

"You wanna talk with her, Col?" tanong ko.

"Sure, yeah. Can you give her the phone?"

Tiningnan ko si Jhoanna habang inaabot sa kanya ang cellphone ko. Napansin kong nakatingin lang siya sa akin, waring nag-aalangan.

"It’s your ate colet," sabi ko, iniangat nang bahagya ang telepono ko.

Pabigat niyang inilapag ang kutsara at kinuha ang cellphone.

"Hey, Ate."

Habang nag-uusap sila, bumalik na lang ako sa pagkain ko. Hindi ko alam kung bakit, pero parang hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago sa boses ni Jhoanna—mas mahina, mas kalmado. Hindi ko siya madalas marinig na ganito kapag kasama ko.

Walang sampung segundo ang lumipas, ibinalik na niya sa akin ang telepono.

"She just asked kung anong oras tayo babalik and said na sa bahay magdinner with our parents," maikling sabi niya bago muling kumuha ng bilo-bilo.

Tumango lang ako, saka muling sinubukan mag-focus sa pagkain ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala sa isip ko kung paano nagbago ang tono ng boses niya.

With me, she’s always sharp, indifferent, or just plain unreadable. Pero kanina… para bang may lambing? O baka naman nag-iilusyon lang ako?

Napatingin ako sa kanya nang hindi sinasadya. She was back to eating, expression unreadable, as if that brief call never happened.

During the drive back home, pareho kaming tahimik. Tanging tunog lang ng radyo ang pumupuno sa sasakyan. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagod o sadyang wala lang kaming gustong pag-usapan.

Nang matanaw ko na ang mansion, kita ko rin ang ilang guard na tumango nang bumukas ang gate. Sa di kalayuan, napansin ko si Gwen na bumababa mula sa sasakyan niya. Mukhang kadarating lang din.

I thought kasama siya ng mga magulang namin?

Akala ko aabutan pa namin siya, pero dumiretso na ito papasok, tila hindi man lang napansing paparating kami.

Tinanggal ko ang seatbelt, nag-ready nang bumaba. Pagkahinto namin sa tapat ng mansion, akma ko nang bubuksan ang pintuan nang marinig ko ang boses niya.

“Arceta.”

Lumingon ako. Kita ko siyang iniaabot sa akin ang maliit na paper bag na hawak niya.

Huh?

“What’s this?” tanong ko, bahagyang nag-aalangan.

“This is my thank you. For saving me yesterday.” Walang pagbabago sa tono ng boses niya—diretso, walang pag-aalinlangan. “You can go now, ipapaakyat ko na lang kay Manang ang mga napamili mo. I’ll park my car myself.”

Naguguluhan akong bumaba at dumiretso papasok. So… kaya niya ba ako sinamahan kanina dahil nagpapasalamat lang siya?

I thought—

I shook my head.

What exactly did I think?

Bakit parang ang bigat ng realization na ‘yon?

Pagpasok ko sa hallway, hindi ko maiwasang mapahinto. Inikot ko sa kamay ko ang paper bag, weighing it as if it would give me answers.

Binuksan ko ito at doon ko nakita ang red-and-brown cap na binili niya kanina. Dahan-dahan ko itong hinugot, saka ko lang napansin ang burda sa harapan.

"Self Love Club."

Napangiti ako nang wala sa oras.

Tumingin ako sa glass door ng mansion, kung saan sa di kalayuan ay natatanaw ko pa rin siyang nagpa-park ng sasakyan.

Napailing ako.

Ipinasok ko nang muli ang sumbrero sa paper bag at umakyat na. Sa hagdanan, nakasalubong ko si Colet.

"Oh, Aiah, nakabalik na pala kayo. Where's Jho?"

"Nasa parking n’yo," sagot ko habang iniadjust ang hawak kong paper bag.

"By the way, sorry kanina kung naiwan ka namin dito. Hindi na rin namin kayo ginising ni Jhoanna kaninang umaga kasi alam naming pagod pa kayo sa aksidenteng nangyari kahapon."

"Yeah," tipid kong sagot.

Nagtagal pa ang tingin ni Colet sa akin bago siya muling nagsalita. "Nag-ikot ba kayo ni Jhoanna sa bayan?"

"Yeah. We ate some kakanin."

Tumango siya. "Kasama n’yo ba ang parents namin? Nakauwi na rin ba sila?"

"Yeah, actually nasa garden sila since doon tayo magdi-dinner. We have another guest din, andito ang kaibigan ni Lolo—sina Ricalde."

Ricalde? Narinig ko na ‘yon dati. Kaibigan ng Lolo ni Colet?… Mukhang maraming tao ngayon. 

"Dumiretso ka na lang din sa garden after mong mag-ayos," dagdag pa ni Colet bago siya bumaba.

Tumango na lang ako at nagpatuloy sa kwarto ko.

Pagpasok ko, nilapag ko ang paper bag sa kama. Saglit akong napatingin dito bago umiling at nagtanggal ng sapatos. The day felt longer than it actually was, maybe because of Jhoanna—or maybe because of myself.

Napabuntong-hininga ako.

I changed into something more comfortable before heading out.

Pagbaba ko sa garden, agad kong nakita ang mga magulang ko na nakaupo na kasama ang ibang pamilya. Napansin ko rin si Mikha na kausap ang isang babae na sa tingin ko ay kaedad lang namin. Nang makita ako ni Mikha, kumaway ito sa akin at sinenyasan akong lumapit.

“Ate Aiah! Hey, Loi,” tawag niya sabay tingin sa kasama niya. “This is Ate Aiah—Maraiah Arceta.” Baling niya sa akin, tapos lumingon sa babae. “This is Mary Loi Ricalde.”

Oh, Ricalde, huh?

Ngumiti ako at iniabot ang kamay ko. “Nice meeting you, Mary Loi.”

“Oh nooo, that’s too formal! Maloi na lang, Aiah. Or… Ate Aiah?” Napatawa siya nang bahagya.

“I think I’m older than you, so yeah, Ate Aiah is good. But to be honest, Aiah is also fine—hindi naman siguro ako gano’n katanda, ‘di ba?” Biro ko.

Tumawa rin siya. “Yeah, I’ll settle with Ate Aiah since Colet mentioned you’re older than her.”

Oh? So close pala siya sa mga pinsan? I wonder kung ano’ng relationship niya sa kanila. This is my first time meeting a Ricalde. Naririnig ko lang ang apelyido nila noon, but I’ve never actually seen one in person.

Nagtatawanan kami ni Maloi nang makita kong papalapit si Jhoanna. Ngunit bago pa siya makalapit sa amin, may tumawag sa akin.

“Aiah, anak.”

Lumingon ako at nakita kong sinenyasan ako ni Daddy na lumapit sa kanya.

“Yes, Dad?”

Ginabayan niya ako patungo sa isang grupo ng matatanda at ipinakilala sa kanila. Pinakilala niya ako sa mga magulang nina Mikha at Gwen, pati na rin sa parents ni Maloi. Ngumiti ako at nakipagkamay, showing the usual courtesy.

Paglingon ko pabalik sa direksyon nila Mary Loi, napansin kong dalawa na lang sila ni Jhoanna.

They were talking—quietly, closely.

Hindi ko alam kung ano’ng meron, but something about the way they looked at each other made me pause.

I wouldn’t say it was intimate, pero may isang bagay sa atmosphere nilang dalawa na nagbigay sa akin ng kakaibang pakiramdam.

Was it because of Jhoanna’s naturally unreadable aura? O dahil sa paraan ng pagtingin sa kanya ni Maloi?

It was… familiar.

Or maybe I was just overthinking it.

“Aiah?” Tawag ni Daddy, dahilan upang bumalik ako sa wisyo ko. “Okay ka lang ba?”

“Yes po.” Ngumiti ako at iniwasang muling tumingin sa dalawa. “I’ll go back now, Dad.”

Tumango siya bago muling bumaling sa usapan nila.

Dahan-dahan akong naglakad pabalik, hindi sigurado kung dapat ba akong dumiretso sa kanila o hindi.

Ano ba itong nararamdaman ko?

It wasn’t irritation. It wasn’t anger.

Pero bakit may parte sa akin na parang hindi gustong makita silang nag-uusap nang gano’n?

Nang pumunta ako sa mesa, dumiretso ako sa tabi ng mommy at naupo. Tahimik lang ako habang nakikinig sa usapan ng matatanda, pero hindi ko maiwasang mapansin ang ayos ng upuan namin.

Sa kanan ko, si Colet ang nakaupo, at sa tabi niya naman ang parents niya. Sa tapat ko, naupo si Jhoanna, at sa tabi niya si Maloi. Sa gilid naman ni Maloi ay si Gwen, at katabi nito si Mikha. Sa dulo naman, nakaupo ang mga magulang nila.

Sakto lang ang arrangement, pero napansin kong mukhang mas comfortable si Maloi sa tabi ni Jhoanna. Madalas siyang bumaling dito para makipag-usap, at sa tuwing gagawin niya iyon, natural lang na lumingon din si Jhoanna sa kanya.

Hindi ko alam kung bakit pero parang ang tagal ng bawat saglit na nagkakausap sila.

Pinagmasdan ko si Colet na mukhang wala namang napapansin at patuloy lang na nakikilahok sa usapan. Napabuntong-hininga na lang ako at hinila ang sarili pabalik sa kasalukuyang nangyayari.

Napansin kong nagsisimula nang ilapag ng mga kasambahay ang pagkain, senyales na malapit na kaming maghapunan.

Nagsimula nang kumalat ang amoy ng mainit na pagkain sa paligid. Mula sa gilid ng mata ko, nakita kong tahimik lang si Jhoanna habang nakikinig kay Maloi, na may sinasabi na hindi ko na narinig. She wasn’t smiling, but she wasn’t cold either. She looked… comfortable.

I tore my gaze away and focused on my plate just as my mom gently squeezed my hand under the table.

"Are you okay, anak?" she asked in a low voice.

Napatingin ako sa kanya at pinilit ang isang ngiti. "Yeah, Mom. Gutom lang siguro."

Tumango siya at binitiwan ang kamay ko, at doon ko lang napansin kung gaano ko pala kahigpit na hinahawakan ang tinidor ko. I forced myself to relax.

The dinner carried on as usual, with casual conversations and occasional laughter filling the space. But somehow, despite the warmth of the moment, I couldn’t shake the weight sitting in my chest.

It was nothing.

It should be nothing.

So why did it feel like something?

Hindi ko alam kung para saan, pero may kung anong bumigat sa loob ko.

Maybe I was just overthinking. Or maybe, for once, I wasn’t.

 

Sign in to leave a review.