inconveniences

BINI (Philippines Band)
F/F
G
inconveniences
Summary
Madeline Lim from Section J was never the type to approach first and usually kept to herself. Though she may not have the guts to go up and meet you, she’ll definitely show you who she is once she’s on that stage dancing.Sapphire Catacutan from Section M was the same, she was extremely introverted and barely spoke about herself. However, her charming versatility on the dance floor surely leaves a bold statement to the audience.With the newly added Hip Hop Dance Competition for their upcoming Intramurals and their batch having these dance powerhouses, they shouldn’t have any trouble getting at least a 1st Runner Up, right? WRONG. Madeline and Sapphire have been rumored rivals since their first year and haven’t spoken to each other.Will their lack of interactions hinder them from claiming the Hip Hop championship title? Or will they be able to smoothen the wrinkles of their complicated relationship before Intramurals?
All Chapters Forward

Chapter 5

 

saph




It's next Wednesday already, Maddie and I are in the practice room again kasi tinuro na sa amin ni Coach ang choreo na ginawa niya para sa amin. Pinakita na rin namin  sa kanya ang nagawang choreo namin at laking gulat na halos lahat ng iyon ay gagamitin namin.

 

Medyo disconnected lang kayo sa ibang parts” he comments.

 

Medyo intimate nga pala pag mga duet kasi points din yun to really sell the piece. Kaya may adjustments na ginawa si Coach sa gawa naming choreo — para mas connected at mas mukhang duet siya. The same thing goes for the choreo he made himself.

 

Para naman sa mga susunod na moves, we really need to sell the chemistry kasi kayo magdadala talaga ng plot natin

 

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. I tried to face her direction, yes. But my eyes are always just rooted to Coach.

 

Maine, hands on Saph’s waist” 

 

She was behind me, so I just saw how she hovers her hands close enough so Coach doesn’t really notice.

 

Is it alright if I hold your waist?” bulong niya sa akin.

 

I nod as I try to listen in on what Coach was instructing next. The next thing I felt was the warmth of her hands on my waist. It was comforting, the way she soothed me as she gently rubbed her thumb up and down. Hindi naman malamig sa kwarto pero damang dama ko ang init na linalabas ng katawan niya gawa na ang lapit niya sa akin.

 

Iiikot mo siya, Maine” and she did just that, dahan dahan at mahinhin ang pag ikot niya sa akin.

 

Tas ikaw naman Saph, titingin ka sa kanya” di ko magawa pero I did face her,  sadyang di sa mukha nakatingin.

 

Good. Tama ‘yan, dapat mukhang galit ka sa kanya. Dapat galit ka at ayaw mong maniwala kaya itutulak mo siya paalis” mahina ko siyang tinulak pero nag-acting siya na malakas ang naging pagtulak ko.

 

Nice, tama, Maine. Dapat mukhang masakit pero lalapit at lalapit ka pa rin kasi pinapakita mo sa kanya na totoo ka” lumapit siya ulit sa akin.

 

Tas ikaw naman Saph, at the very last beat” huminto siya at bumalik sa phone niya.

 

Our music was coming through until it landed on a beat, “That was the last beat, so kailangan niyo talagang pakinggan yung music ah?” tumango naman ako.

 

"Then after that beat, doon mo mare-realize na siya na yun” nagpapapansin naman ngayon ang puso ko.

 

Na nakilala ka na niya at siya na, ang buong buo na nasa harap mo. Kaya hihilain mo siya papalapit at yayakapin siya” aba talaga ang challenges sa buhay ko.

 

I fake hug her and she did the same.

 

At this point reunited nga kayo pero may lingering sadness pa rin dapat sa galaw niyo” Coach explains.

 

Sadness for the lost time and sadness for what could have been

 

Ito naman si Coach parang nagbakasyon sa utak ko. Parang ganito ang gusto kong mangyari, na maka usap siya ulit na para bang walang nangyari. Kaso, masakit pa rin eh. Di ko alam kung bakit ang affected ko hanggang ngayon pero baka dahil hindi pa rin talaga ako handa.

 

It ends intense kaya after ng part niyo dapat sobrang buo ang emosyon niyong lahat para talagang madala yung performance” he adds and we nod to that.

 

I’ll explain more, bukas. Let’s run it through

 

Sinayaw namin ng dalawa pang beses para lang magamay namin ang pagkasunod-sunod ng choreo. Naka tatlong run din kami na paulit-ulit pero di talaga kami nagtitinginan ni Maddie.

 

Coach doesn’t seem to mind yet. But I know, eventually, we’ll really have to sell this. Kaya kailangan kong kumbinsihin ang sarili ko na character lang ito, at para ito sa batch.

 

Practice finally ended and we were lying down on the floor, tired from the day. I had my eyes closed processing the day I just had.

 

Sapphire? Gising ka pa ba?” Maddie asks, I don’t move nor respond.

 

Narinig kong gumalaw siya, wala siya sinasabi kaya, naturally, iniisip ko kung anong ginagawa niya. Matagal tagal din siyang di nagsalita ulit.

 

Hays. Napagod ka siguro sa araw natin ngayon. I’m sorry that I had to be your partner for this. Alam ko naman na hindi mo ako gusto” sabi niya, halata sa boses niya na malungkot siya.

 

When I see you, my heart aches so much and I don’t understand why

 

Nasaktan din naman ako. Ayokong nakakasakit ako, kahit sabihin natin ganon ang napagdaanan namin. Naging kaibigan ko pa rin naman siya at one point. At siguro hanggang ngayon, tinuturi ko pa rin siyang ganon.

 

Ewan ko ba. I should be taking that as a sign to let you be

 

I wanted that, Maddie. When this started, I wanted that so much. For this to be over, and for us to go back to not knowing each other. But, I can’t say the same now.

 

Usually, I would but when it came to you, I just can't let you be na para bang hindi mapanatag loob ko

 

Mas lalo ang naguluhan sa sitwasyon namin. Kumakatok nanaman ang puso ko. Pwedeng wait ka lang kasi may sinasabi pa itong kasama ko?

 

Something in me wants to stay near you. To be there for you as if it was some unfinished business

 

Lolokohin ko ba ang sarili ko at sasabihin ko nalang ba na di ko na siya gustong makita ulit?

 

A call comes through her phone and I immediately open my eyes as if I just woke up.

 

Sorry nagising kita, Saph. My dad’s calling to tell me he’s here na. I have to go” sabi niya ng tuloy-tuloy at kinuha ang bag niya.

 

Tinititigan ko ang likod niya. Hayst, mas lalong hindi ko na alam kung anong gusto ko.

 

A vibrate from my phone jolted me awake from my trance. Jea messaged telling me nasabay na kaming umuwi.

 

Nandito pa rin siya? Ay nga pala, majorette practice niya.

 

Maddie walks back to where we were, “sabay na tayo. Saan ka ba?” she placed enough space between us this time.

 

Sasabay ako kay Jea, tapos naman na rin prac niya” I say, she nods.

 

Naglakad na kami palabas ng kwarto, pinagbuksan niya ako ng pintuan at sinabayan akong maglakad papunta kay Jea.

 

Weird. Habang naglalakad kami, nasa harap ko siya. Akala ko sa parking o sa lobby na siya diretso kasi nga nandiyan na si Tito, pero nahatid niya pa ako kay Jea. Nasabi ko ba sa kanya na majorette si Jea? Di naman? Paano niya nalaman?

 

OH. MY. GOSH. Don’t tell me siya yung ka-text ni Jea? They’re together? WHAT THE HELL? EXCUSE ME?

 

Umiinit na naman ulo ko. There’s no way. Jea and Maddie? Hell no, di ba? Baka lang naman napansin niya na majorette siya. Besides, sila naman talaga nagpperform sa mga events.

 

Oo nga, Saph. Yun lang yon. Tama ka. There’s nothing more, dapat yun lang.

 

Bye Saph, ingat ka” sabi ni Maddie habang nakangiti.

 

Napatingin naman ako sa kanya. Kumakaway siya pero hindi siya sa akin nakatingin. Sinundan ko ang mga mata niya at nakitang kay Jea siya nakatingin. Kay Jea na naglalakad papalapit sa akin habang nakangiti.

 

So sila nga.



~~~



It’s finally competition day. And I’ve made up my mind ever since that interaction between Jea and Maddie.

 

Tama lang na kunwari never nangyari ito. Na never kaming nagka-usap. Na hindi ko siya ulit kilala. “Forget about her” that’s my mantra these days.

 

I just have to get through this competition. It’s an hour until it starts and we’re in the middle of final practice.

 

I mentally psyched myself up na. Character lang ito. We have to sell it.

 

Our duet comes; so far, no mistakes. Just the final bit. She holds my waist and spins me around. I “push” her and start walking away but she comes around and shows herself.

 

Ito na. Huminga ako nang malalim.

 

I look at her, every bit of her face. Her expression turned soft, everything relaxed. Which reminded me we were still in the performance and we continued until it was done.

 

Coach was very much pleased with what the entire piece looked like.

 

More emotion lang para sa part niyo, Maine at Saph” komento ni Coach.

 

MORE? I don't think I can give any "more" emotion pero syempre, iisa lang ang tamang response diyaan...

 

Yes po, Coach” sabay naming sinagot.

 

And just in time, pinapa-line up na kami sa baba kasi malapit na raw kami mag-perform. We line up and make our way behind the stage. Of course, we are all doing our own thing, doing our best to manage the nerves before performing.

 

Pero habang ginagawa ko ang aking pre-perf ritual, nakita kong nag-uusap at nagtatawanan si Maddie at Jea sa may gilid. Sobrang lapit pa nila sa isa’t isa, isang tulak mo lang diyan magki-kiss yan silang dalawa.

 

Tinawag na kami ni Coach at matatapos na ang susundan namin na team. We are now huddled together.

 

Para kanino?” tanong niya at linagay ang kamay siya sa gitna.

 

Linagay namin ang kamay namin sa gitna. Nakapatong sa kamay ko yung kamay ni Jea pero ang kamay naman ni Maddie ay nakapatong sa kamay ni Jea.

 

Di na talaga tinago oh.

 

Para sa Diyos” sigaw naman naming lahat.

 

Ang lalakas ng loob niyo. Sa harap ko pa talaga.

Forward
Sign in to leave a review.