inconveniences

BINI (Philippines Band)
F/F
G
inconveniences
Summary
Madeline Lim from Section J was never the type to approach first and usually kept to herself. Though she may not have the guts to go up and meet you, she’ll definitely show you who she is once she’s on that stage dancing.Sapphire Catacutan from Section M was the same, she was extremely introverted and barely spoke about herself. However, her charming versatility on the dance floor surely leaves a bold statement to the audience.With the newly added Hip Hop Dance Competition for their upcoming Intramurals and their batch having these dance powerhouses, they shouldn’t have any trouble getting at least a 1st Runner Up, right? WRONG. Madeline and Sapphire have been rumored rivals since their first year and haven’t spoken to each other.Will their lack of interactions hinder them from claiming the Hip Hop championship title? Or will they be able to smoothen the wrinkles of their complicated relationship before Intramurals?
All Chapters Forward

Chapter 3

 

saph



— start of flashback —



Buti nalang binigyan na kami ng break ni Coach, kailangan ko na talaga kasing pumunta sa CR.

 

Pagdating ko doon, nakita ko si Maddie na naghuhugas ng kamay. Mukhang napansin niya rin na may papasok kaya naman tinignan niya ako through the mirror. Agad ko namang iniwasan ang tingin niya at pumasok sa cubicle.

 

Madeline Lim . Batchmate. Different sections. DO NOT ENGAGE.

 

Sana paglabas ko, wala ka na diyan.

 

Binuksan ko ang pintuan at nakita ko siyang nakasandal sa may lababo kaya naman naglakad ako sa pinakadulong lababo para makapaghugas ng kamay.

 

Uhm, hi there, I’m Madeline Lim, you can call me ‘Maine’ in short. You’re a dancer from another section, right?” tinanong niya at inaabot ang kamay niya.

 

Di ko naman siya pinapansin at patuloy na naghuhugas ng kamay. Also, wait lang. “Maine” na tawag sa kanya dito? So, siya pala ang tinutukoy nila. I see a lot has changed.

 

Your name’s Sapphire, am I right?” tinanong niya.

 

I never thought I’d be hearing you utter my name again. Only this time, my name sounds so foreign from your lips — iba na sa pakiramdam, mabigat na.

 

Tapos na ako maghugas kaya talagang iwas nalang ng tingin, na para bang hangin lang siya. I walk past her and make my way to exit the CR.

 

Oo na, masama na kung masama pero di ko pa pala kayang kausapin siya nang hindi ako madadala ng mga emosyon ko. Ito palang nga eh, parang umiinit na ulo ko.

 

She blocks the door, “Look, I’m sorry for doing this but we’ve been practicing together for almost a month now at nakausap mo na sila lahat maliban sa akin” she says, my eyes are still on the floor.

 

Aba siya pa ang may ganang magalit at ako pa talaga ang masama. Grabe ka naman sa akin, Maddie.

 

Sinubukan ko ulit na lumabas ng CR pero naharangan ulit ako. 

 

Wala bang ibang tao napapasok o lalabas ng CR na ito? Awa naman oh.

 

You even willingly interact with my friends; no problem” tinuloy niya and sinasabi niya nang mas seryoso.

 

Buti naman napansin mo kung paano ako makitungo sa mga taong gusto kong kausapin. Congrats sa iyo, may mata at isip ka.

 

So, please tell me what I did to you

 

Naglakad ako ulit pabalik sa loob ng CR at nagtago sa cubicle. 

 

Uhm sige sagutin natin yang tanong mo… let’s see here:

(1) Iniwan mo lang naman ako ng walang pasabi, walang explanation.

(2) Mas lumala lang naman ang pagbu-bully nila sa akin kasi wala ka na sa tabi ko.

(3) Nawalan din ako ng kaibigan at kasama sa school dahil wala naman ako sa pelikula kung saan merong gugustuhing ipahamak ang sarili nila para maging kaibigan ako. 

 

Pero syempre, sino ba naman ako para dumagdag pa sa mga problema mo sa buhay? Marami akong pwedeng gawin sa situation ko noon, I know that. I tried and tried and tried hanggang sa pagod na pagod na ako pero wala pa ring nagbago. Ang unfair ko naman din kung ilalapag ko pa yung bigat ng yun sa mga balikat mo. Hindi na kita kailangan, Maddie. Kinaya ko naman ng mag-isa noon, at mas lalong kaya ko na ngayon.

 

‘Cause when you talk or interact with the rest of them, your eyes light up and your bright aura just radiates” maririnig mo sa boses niya na nakangiti siya.

 

Napatitig naman ako sa pintuan na namamagitan sa aming dalawa.

 

Huh? Baliw na ata. Kanina parang galit siya tas ngayon natutuwa na?

 

Nababaliw na rin ba ako? Ano itong nararamdaman ko? Guilt? Just because she sorta complimented you, Saph? Ang dami mong napagdaanan, lalo na nung nawala siya sa tabi mo, tas ganon lang? Wag kang papayag. 

 

Oo sige, hindi niya naman kasalanan na binubully ako at hinding hindi naman siya ang naging dahilan ng pambubully sa akin. Pero masakit pa rin na umasang may dadamay at kakausap sa iyo kahit ganon ang sitwasyon mo. Masakit na biglaang nangyari ang lahat, na hindi man lang ikaw na isip. Na hindi ka hinuhusgahan o kaya naman hindi nakikisabay sa pambubully. Na hindi ka lang naging kaibigan dahil naaawa siya sa iyo.

 

Pero kahit masakit pa rin, hindi ko rin naman maitatanggi sa sarili ko na namimiss ko siya. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko sa kanya.

 

But right now, I can feel that every bit of you is just begging for me to leave you alone” she says like she’s hurt.

 

Mas lalong hindi ko na kayang lumabas sa cubicle na ito at napayuko nalang ako ng ulo.

 

Oo, galit na galit ako sa ginawa niya, but I’m also fighting every urge to open this door, just breakdown, and hug her. 

 

Bakit ang laki laki ng galit mo sa akin kahit hindi mo pa ako nakikilala? Hell, you haven’t even spared me a glance until a couple of minutes ago and through a mirror” she says in a weirdly calm way but scoffs right after.

 

I’ve looked your way so many times ever since I first saw you here. At first it was because I wanted so badly to be closer to you again and I was kinda hoping na kauusapin mo ako, but you never did. Since then, I’ve quickly looked your way just to gauge where I can’t look.

 

I don’t know what came over me. Rage? Hurt? Maybe both?

 

Huminga ako nang malalim at binuksan ang pintuan, kung saan nakita ko siyang nakaharang.

 

I look at her, dead in the eye, “‘hindi pa kita nakikilala’?” I chuckle at her words.

 

I almost just lost it right there and then. Ang sakit na harap harapang sinabi sa iyo na wala ka lang. Ganon ba akong kadaling kalimutan? Isipin mo, kalaro mo mula baby hanggang Grade 3 tas kakalimutan mo lang?

 

You were my knight in shining armor against my bullies hanggang hindi na sila lumalapit sa akin. At nung inakala ko na yun lang ang dahilan ng pagdikit mo sa akin, pinasalamatan kita at lumayo. Pero anong ginawa mo? Hinabol mo ako, lumapit ng lumapit, kasi you genuinely wanted to be my friend.

 

I step closer to her, forcing her to keep the space we have between us. She steps back until she’s hit the sinks and I’m out of that cubicle.

 

We’ve met before, Lim” my voice wavering. My eyes were threatening to let go of my tears but I held them in.

 

Itong mukhang ito ang kasama mo araw-araw noong bata pa tayo. Ang sabi nga sa akin, mahirap daw akong makalimutan pero mukhang kakaiba ka talaga. Tignan mo, you did the almost impossible. Kinaya mong kalimutan lahat ng pinagsamahan natin, na pati ako nawala na rin sa mga alaala mo.

 

I take two steps back, “Grabe naman ang pag balewala mo sa akin” I reply and walk out the door.

 

Ang bilis ng tibok ng puso ko, ang sakit pa rin pala. Mabigat akong naglalakad pabalik sa room. A part of me wants to cry it out pero parang wala na lahat ng mga luha na gustong lumabas kanina. 

 

Nakita kong nakaupo pabilog ang mga kaibigan ko sa gilid kaya pumunta ako doon. Lahat naman sila nakatitig sa akin nang makarating ako doon.

 

Oh? Anyare sayo?” tanong ni Gia pagkaupo ko sa tabi niya. I placed my head on her shoulder.

 

Gianna Apuli . Tahimik lang siya most of the time pero I think her and Arie are the ones that I’m most compatible with in terms of love language. She weirdly notices what I need kaya naman hindi na rin ako nagulat na napansin niya agad na wala ako sa mood.

 

Hinarangan ni Lim yung pintuan kanina kaya kinausap ko siya” sagot ko.

 

Ha? Anong sinabi mo? tanong pabalik ni Cass.

 

Cassia Vergara . Ang close friend ko na hindi takot sa possible consequences ng mga actions niya, basta ipagtatanggol niya ang mga kaibigan niya. I’ve heard it upclose before, hindi ko nga alam kung napansin niya na nandoon ako nun eh. During the times na kinukulit pa sila tungkol sa amin ni Maddie, narinig niya siguro na pinag chichikahan nila ako. Hindi ko alam kung anong sinabi nila. Narinig ko lang ang pagsuntok niya sa locker at napinagsabihan niya sila, “ Kung di niyo kilala yung tao, pwede bang itikom niyo nalang bibig ninyo? Kasi kung hindi, ako na mismo magtatahi ng mga labi ninyo”. Aaminin ko, natakot ako sa kanya nun. Pero nung bumalik siya sa amin, walang bakas ng naging interaction nila at masaya na siya ulit.

 

Pinapalapit ko silang lahat para makwento ang naging interaction namin sa CR. Syempre excluded na doon ang magulong nagsasagutan sa utak ko.

 

Paanong hindi ka niya kilala?” Arie questions, I lift my shoulders in response.

 

Astraea Arceta . Ang kaibigan ko na parati kong tinatawagan kapag may problema ako. To be honest, she seems to have the most wisdom sa amin despite her usual playful nature. Tas parati yang late matulog kaya pati yung mga midnight rants ko sa kanya ko na nasasabi. 

 

May hindi tayo alam diyan kay Lim, sinasabi ko sa inyo” Jea says with conviction.

 

Jeanette Robles . Usually prangka at parati kong kasama sa kalokohan. Kahit na ganun ramdam ko pa rin naman na masasandalan ko siya kapag kailangan ko. Isa pa, parati yang concerned sa akin, akala lang niya hindi siya halata.

 

Our convo was cut short kasi tapos na pala ang break namin. Haaaayyy ang dami ko na ngang iniisip, dadgdag ka pa talaga?



— end of flashback —



Pagkatapos ng practice, agad naman akong nagpalit at may mga assignments pa akong tatapusin. Nagpaalam na nga ako sa mga kaibigan ko sa CR — paglabas ko ng cubicle — para dirediretso na ako. Mabilis akong naglalakad dahil late na nga, umaambon pa, at malayo pa kasi bahay namin kaya matagal ang commute ko.

 

Catacutan” narinig kong sinigaw niya. Bwiset talaga, gusto ko nang umuwi oh.

 

Oh?” tumigil ako sa paglalakad, huminga ng malalim, at tinignan siya.

 

Lumapit naman siya sa akin, “What platform do you want us to use to communicate for the hook choreography?” tinanong niya.

 

Kuhang kuha mo galit at inis ko talaga, ang sakit sa ulo.

 

I take two steps back, “Let me be clear on this. Madeline. Lim.” I stared at her and bitterly emphasized her name.

 

I do not want any form of communication with you on any social media platform” I said.

 

Nagulat naman ako sa way of speaking ko, I have never felt so indifferent.

 

Huh? No comms? Paano tayo magko-conceptualize ng choreo para sa hook?” tanong niya.

 

Siguro tuwang tuwa si tadhana sa pangtitrip niya sa akin. Biruin mo, inalis niya ito si Maddie sa buhay ko nung kailangan ko siya tas ngayon na iniiwasan ko siya, ilalapit niya naman.

 

I can meet you after classes tomorrow to discuss the ideas and practice the moves, but that’s the only time I’ll be available” I informed her.

 

I knew this was coming. Kaya habang nagbibihis kanina nag-iisip na ako ng isasagot sa kanya. 

 

For the practice after that, Marge is booking the practice room already. Just be there after classes on Wednesday” I answer back.

 

And if there’s an emergency and we can’t be there for practice?” she asks once more.

 

Ang daming tanong naman.

 

Then don’t go, I don’t mind practicing without you

 

With that, judging from her reaction, I think she’s got the idea that I could really care less. And that’s what I’ve tried to do for years now. Sana naman mukhang wala talaga akong paki.

 

I was going to walk away when, “Susunduin ka ba?” Panginoon, Diyos ko, kating kati na po ako umuwi.

 

Hindi, kaya pwede ba pauwiin mo na ako?” I’m begging her at this point.

 

In that rain?” tanong niya habang tinuturo ang labas.

 

Sinundan ko naman ang tinuturo niya. Great. Ang lakas na ng ulan. Kasalanan mo ito, Lim.

 

Yes. Now leave me alone” naiirita kong sinagot ang tanong niya at inilabas ang aking payong.

 

Oh ok, sorry. Ingat ka pauwi, Sapphire” she says softly at naglakad na ako papalayo sa kanya.

 

Matapos ng mga isang oras, nakarating na ako sa bahay. “Medyo” naulanan kasi ang lakas ng hangin kanina, walang bisa ang payong ko. Pero nakapag-ayos na ako ng sarili at gamit para tuloy tuloy na ang paggawa ko ng assignments.

 

Nag-message naman si Arie sa GC namin, nasa Discord na raw siya. May meeting pa nga pala kami para sa isang project.

 

Matagal pa naman ang deadline kaso malapit sa Intrams kaya ang expectation namin ay baka tamarin na kami by then.

 

Binuksan ko na ang DC at pumasok sa voice channel namin. Nasanay na kami na kapag nagc-call naka-open cam kaya unang nakita ko ay si Arie na may binabasa sa screen niya.

 

Sapphieee, kumusta ka?” bungad sa akin ni Arie.

Ok lang naman, bat mo nata–

 

Pumasok naman si Jea.

 

HOY SAPH, nakauwi ka ba ng safe?” Jea cut me off as she opened her camera kaya nakita ko nakakunot noo niya habang may tina-type sa phone niya.

 

Alam ko naman na ayaw nilang direktang itanong sa akin kung anong nangyari kanina. They know I’ll tell them when I’m ready and I just don’t think tonight’s the right time. 

 

I’m good, girls. I swear” I smile at them.

 

Halata na hindi nila totally paniniwalaan yon pero nakikita naman nila na ok lang ako physically, so that’ll be enough for now. Kasi sa totoo lang, hindi ko pa nga ma-process ang buong interaction namin eh. Paano ko makkwento?

 

Narinig ko naman ang tunog na pumasok na sina Gia at Cass sa call. Kaya tinabi ko muna ang mga iniisip ko para maka-focus sa sinasabi nila.

 

Arat?” sabi ni Cass at tumango naman kami lahat.

 

Mga 11 PM na nung umalis kami sa call. Hindi naman buong time nag-uusap lang kami tungkol sa acads. Syempre may halong kwentuhan at chikahan din yan. Sinabay rin namin ang paggawa ng assignments at pag-aral sa quiz namin bukas habang nag-uusap sa DC.

 

Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit, humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Kahit sobrang dami kong ginawa ngayong araw, hindi pa rin ako makatulog. Don’t get me wrong, I am overly tired both physically and mentally. But because I am so tired, I just can’t fall asleep. Kaya naman, nakatitig ulit ako sa kisame habang iniisip lahat ng nangyari ngayon.

 

Was I too harsh on her kanina? Ang tagal ko na ring hindi ka nakausap, Maddie. Ano bang nangyare sa iyo? Saan ka pumunta?

 

Umiiyak nanaman ako. Akala ko naiyak ko na lahat para sa iyo, pero bakit parang kahapon lang nangyari lahat? Ang tagal na pero ganito pa rin epekto mo sa akin.

 

Bakit ba lumalapit ka ulit sa akin, Maddie? Did you not hurt me enough the first time you came into my life to be coming around a second time?

 

Forward
Sign in to leave a review.