Isang Linggong Pag-Ibig

F/F
G
Isang Linggong Pag-Ibig
Tags
Summary
Maki Lim (Mikha) had amnesia and only had one week to remember her true love so he won't lose her father's inheritance to her brother.
Note
Characters:Maki Lim (Mikha)Iana Arce - (Aiah)Jhoharra Roberto - (Jho)Mallory Ricalde - (Maloi)Stella Sevilla - (Stacey)Coleen Vergara - (Colet)Sheera Carols - (Sheena)Gwyneth Ayala - (Gwen)Atty. Valerio - (Coach Mickey)Stephen Lim - (Paulo Avelino)ang random diba hahaha
All Chapters Forward

Wedding Preps

 


Dumating ang araw ng kasal. Walang nag-aksaya ng oras, lalo na ang mga kaibigan ni Maki na todo suporta.

Kahit pa ex-lovers niya ang karamihan sa kanila, lahat sila ay tumulong sa pagbuo ng pinakamagarbong kasal na makikita sa loob ng isang government office.

Si Jhoharra mismo ang officiant ng kasal.

Si Gwyneth ang nagsponsor ng catering at reception venue.

Si Sheera ang naging official photographer.

Si Mallory naman, nagprisinta pang mag-on-the-spot portrait ng bride and groom bilang wedding gift.

Si Iana, ang nagbigay ng lahat ng flowers.

At si Coleen... siya ang Best Woman.

Siya na rin ang kumanta sa kasal, kasama sina Gwyneth at Mallory, na nag-duet ng wedding song na Here With You.

 

Si Stephen, surprisingly, nasa good mood pa.

Nakangiti habang pumipirma bilang witness, hindi alam na ang kasal na ito ay nangangahulugan ng pagkawala ng kanyang tsansa sa kumpanya.

Habang naglalakad si Maki papunta sa altar, ang dami niyang iniisip.

Tama ba talaga ‘to? Tama ba na si Stella ang mapapangasawa ko?

Parang may kulang. Parang may mali.

 

Samantala, nasa kabilang silid si Coleen, sinusundo si Stella. Ngunit bago siya makapasok, may narinig siyang kausap si Stella mula sa loob.

"Oo, nagpay off yung pag-stalk ko kay Maki… ayun lahat ng questions nasagot ko. Yayaman na ako finally."

Nanlaki ang mata ni Coleen. Ano?!

 

Di pa talaga natapos, nakasalubong pa niya si Atty. Silverio na humahangos.

"Atty. bakit nagmamadali ka?"

"Si Maki! Kailangan ko siyang makausap!" Atty. Silverio said breathlessly.

"Bakit?"

"Bukod kasi sa pagda-date niya sa mga babae, nag-utos din ang daddy niya noon na ipa-imbestigahan at i-background check ang mga ito…"

He took a deep breath before saying, "Si Stella…"

Coleen’s heart pounded. "Ano?!"

"Kagagawan ni Stella ang pagharang ng truck sa sasakyan ni Maki at ng tatay niya. Ang goal lang naman niya ay magka-amnesia si Maki para makalimutan niyang nagpropose siya… pero sa kasamaang palad, napuruhan ang tatay ni Maki."

Natulala si Coleen. "Pero… bakit niya gagawin ‘to?"

Atty. Silverio’s face darkened. "Dahil gusto niyang maghiganti."

Coleen stiffened. "Anong kasalanan niya kay Stella?"

"Ayon sa records, dati silang magkarelasyon, pero Maki had too many women. Isa lang si Stella sa marami. Kita naman natin no. Unfortunately, nahurt talaga si Stella. At nang nalaman niyang Maki had proposed to someone else, naisip niyang burahin ang nakaraan ni Maki para mabura rin ang taong pinili niyang pakasalan."

Napalunok si Coleen. So this was all revenge?

Habang nagchichismis..este, naguusap ang dalawa, hindi nila namalayang nakalabas na pala si Stella sa kwarto at naglalakad na papunta sa altar, nakita nalang nila ang dulo ng veil nito, at ilang metro din ang habaa nun.

Agad siyang tumakbo, kasama si Atty. Silverio.

 

Sa city hall, nagpatuloy ang seremonya.

Mayor Jhoharra cleared her throat. "May tututol ba sa kasal ni Maki at Stella?"

Biglang may sumigaw—

"AKO!"

Nag-freeze ang lahat.

Maki turned around, shocked. "Coleen?! Akala ko ba gusto mo akong tulungan?!"

 

Coleen caught her breath, her eyes sharp. "Hindi sa ganitong paraan, Maki. Lalo na kung mas mapapahamak ka."

 

Biglang pumasok ang mga pulis na nirequest ni Atty. Silverio.

 

"Stella Sevilla!" one officer called. "Napag-alaman naming ikaw ang mastermind sa aksidente ni Maki at ni Mr. Lim. Sumama ka sa amin sa presinto!"

 

Halos wala nang tumunog sa loob ng city hall, maliban sa nag-uusap-usap na mga bisita at ang tunog ng posas na isinasara sa mga kamay ni Stella.

 

Maki felt like the ground beneath her was crumbling.

 

Si Stella… ang dahilan ng lahat ng ito?

 

Stella, still in her wedding dress, turned to Maki, her expression unreadable.

 

"Lahat ng ito, ginawa ko kasi sinaktan mo ako, Maki." Her voice was sharp, pained. "Akala mo ba ang sarap maging isa sa maraming babae mo? Pinaglaruan mo ako, tapos magpo-propose ka sa iba?! Sinira mo ako, kaya sinira rin kita."

Maki took a shaky step back. "Stella…"

Pero sa unang pagkakataon, hindi niya na alam kung ano ang dapat niyang sabihin.

Forward
Sign in to leave a review.