Hey, stranger …

BINI (Philippines Band)
F/F
G
Hey, stranger …
Summary
After breaking up with her childhood best friend, Serafine is left feeling lost and heartbroken. With her thoughts tangled and no one to turn to, she finds herself aimlessly wandering the halls, craving someone to talk to. Hindi na ata matiis ng mga kaibigan niya ang pagiging sad girl niya kaya pinagtripan siya at plinug ang number niya. That’s when she meets Max, the famous and charismatic captain of the varsity volleyball team Despite their stark differences, the two instantly click, and through their unexpected conversations, Serafine begins to heal—finding comfort in Max’s unexpected understanding. Could this new friendship be the beginning of something more? Si Max na kaya ang magiging gay awakening ni Serafine? 🤫Characters:Serafine Aleyah SevillejahMaxine Jelene Lim Sera's CircleAmara ArcetaMargaret RicaldeSage CatacutanJillian RoblesMax's CircleCassidy VergaraGlynis Apuli
All Chapters Forward

Chapter 11

Serafine was quite surprised when Max approached her earlier. Buti naman ay naglakas loob na itong kausapin siya. She was mad last night pero dahil nag sorry na ito ng personal ay Nawala na ang galit niya dito. Margaret couldn’t help but tease her about the interaction. “Ano girl, okay ka na? Haha nabigla ka ata na pinansin ka ni Max,” Margaret said with a playful grin.

Serafine didn’t know how to respond. Her mind was still swirling with thoughts about Max. “Sakto lang,” she replied, trying to play it cool, though she couldn’t hide the small smile creeping onto her face.

“Lokohin mo ang lelang mo, Serafine, namumula ka na naman!” Margaret teased, noticing the flush spreading across Serafine's cheeks.

 

Serafine quickly glanced at herself in the locker room mirror. Sure enough, her mestiza features were bright red, and without makeup, her natural blush was impossible to hide. She looked away quickly, embarrassed, but her heart couldn’t help but skip a beat at the thought of Max calling her out in front of their friends.

“Sa athlete ka lang din pala papatol ulit, huh?” Margaret’s teasing continued, prodding at the possibility of Serafine and Max being more than just friends.

Serafine shot her friend a confused look. “Hindi ah! Pinagsasabi mo dyan, friends lang kami. Isa pa, straight ako, alam mo yan,” she defended herself, though part of her wasn’t as sure as she made it sound. In her circle of friends, she was the only one who had always insisted on being straight. The others had jokingly and openly admitted to being open to any possibility, and Serafine was terrified of being judged if she ever questioned her own feelings. After all, her family had always been conservative, and the idea of being anything other than what they expected was too frightening to consider.

As Serafine and Margaret made their way out of the locker room, Margaret threw a teasing grin in her direction. “Tara na nga, malapit na magsimula ang game!” she said, nudging Serafine with her elbow. Serafine just laughed and shook her head, trying to ignore the butterflies in her stomach as she followed Margaret out the door.

When theyfound their seats on the bleachers, they were immediately greeted by Jill's teasing voice, always the first to break the silence in their group.

“Andito na pala ang princesa, what's up, princess?” Jill called out with a mischievous grin, holding up a half-eaten snack like it was a trophy.

Serafine rolled her eyes but couldn’t help the soft chuckle that escaped her lips. Jill had always been the playful one in the group, and no matter how many times she teased Serafine, it never seemed to get old.

 

"Kinikilig ka, aminin mo na!"hindi talaga ako titigilan ni Jill jusko po naman

"Yiee, grabe yung scene niyo ni Max kanina ha! Kinilig ako!" Amara teased, nudging me playfully.

Napairap ako. Napaka talaga ng mga kaibigan ko. -_____-

"Nakita mo ba kung gaano karami ang nakatingin kanina? Hahaha!" dagdag pa ni Sage, giggling as if she had just witnessed a rom-com moment in real life.

Actually, hindi ko talaga napansin. Wala akong pakialam sa mga taong nakapaligid sa amin kanina. Ang alam ko lang, nakatitig lang ako kay Max habang kinakausap niya ako. Ang lakas ng boses niya, pero sa isang iglap, parang nag-stop ang mundo. Ang corny pero—ganun yung pakiramdam.

"Bagay kayo, beh! Baka siya na ang gay awakening mo!" Marga chimed in, giving me a knowing smirk.

I groaned dramatically, burying my face in my hands. "Sinabi nang straight ako, ano ba!"

"Hala, defensive!" tukso ni Amara, sabay hagikhik.

"Hindi ako defensive, ang kulit niyo lang!" pilit kong sagot, pero alam kong hindi sila maniniwala.

"Oo na, straight ka. Pero seryoso, anong feeling na magka-moment with Max?" Sage wiggled her brows, clearly enjoying my discomfort.

Napabuntong-hininga ako. "Ewan ko. Wala lang—"

"Ahhh! Hindi ka makasagot!" sabay-sabay nilang sigaw, causing a few people to look our way.

Napailing na lang ako. Ang kukulit ng mga ito. Pero sa totoo lang? Kahit gaano ko pa tanggihan, bumilis talaga ang tibok ng puso ko kanina. At kung may ibang taong nakatingin, hindi ko na alam. Dahil sa sandaling iyon, si Max lang talaga ang nakita ko.

At hindi ko alam kung bakit. 

 

"Game time, no distractions!" paalala ko sa mga kaibigan ko

"Sige mamaya ka nalang ulit namin aasarin" Amara smirked, pero bago pa ako makasagot, isang malakas na sigaw ang narinig ko.

"Sera tara na!" sigaw ni Alysa mula sa court, her voice cutting through the chatter of the crowd.

"Good luck, beh!" Marga teased, her eyes twinkling with mischief.

"Wag kang palpak, may nanonood!" dagdag pa ni Sage sabay kindat.

Napailing na lang ako at mabilis na tumakbo papunta sa court, pinipilit huwag isipin ang sinabi nila. Focus. Walang distractions.

Pero nung dumaan ako sa gilid ng bleachers, biglang may tumawag sa akin.

"Hey, Sera!"

Lumingon ako—si Max. Nakangiti siya, pero may konting seriousness sa tingin niya. "Good luck. Alam kong panalo kayo."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. "Uh, thanks," sagot ko, pilit na hindi nagpapahalata.

"Labas tayo after ng game?" dagdag niya bago ako makalagpas sakanila 

"Pag-isipan ko" i answered playfully, napapout naman siya. Ang cute!

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa court pagkatapos nun. Basta ang alam ko lang, nasa harapan ko na ang bola, at nasa kabilang side ng net ang freshies—mukhang gigil manalo.

"Game time, no distractions," I told myself.

Pero ang hirap kapag may isang Max na nasa gilid ng court, nanonood.

Mula sa unang serve, ramdam ko na ang tension. The freshies weren’t here to play around—they were fast, aggressive, and eager to prove themselves. Pero hindi kami basta-basta magpapatalo.

"Set ako!" sigaw ni Alysa.

Tumalon ako, pinalo ang bola nang buong pwersa—BOOM! Direktang bumagsak sa gitna ng court ng kalaban.

"YES!" sigaw ng teammates ko.

Sa gilid ng mata ko, nakita kong pumalakpak si Max. Mukhang impressed. Okay, okay, focus!

Sunod-sunod ang intense rallies. May isang beses na muntik nang sumablay ang receive ko, pero narinig ko ang sigaw ni Max:

"Go, Sera!!!"

At ewan ko ba—parang nagkaroon ako ng extra energy. Na-save ko ang bola, nagkaroon kami ng perfect set, at sa huli, panalo kami ng first set.

Nagtipon-tipon kami, pawisan pero masaya. Isa pang set, tapos tapos na ang laban.

Habang tumatayo ako, naramdaman kong may tumapik sa balikat ko.

"Angas mo dun," bulong ni Max, mas malapit ngayon. "Kaso… sobrang pawis mo na, oh."

Bago pa ako makapag-react, inabot niya ang towel niya.

WHAT?!

"Para feeling fresh pa rin" dagdag niya, naka-ngisi.

Narinig ko ang malakas na hiyawan nina Amara at Marga sa likod.

Napatingin ako kay Max. "Seryoso ka ba?"

"Oo naman," sagot niya, then winked. "Now, finish the game."

PUTIK. ANO BA ‘TONG LARO—LARO BA ‘TO O LABAN NG PUSO KO?! 

 

Huminga ako nang malalim, pilit na iwinawaksi ang kung anuman ‘tong weird na kilig na nararamdaman ko. Straight ako. Straight. Game focus.

Hawak ko pa rin ‘yung towel ni Max. Mabilis ko ‘tong pinasa kay Amara, at tumakbo pabalik sa court.

"Game face on, Sera," I muttered to myself.

Pero syempre, dahil sa mga bwisit kong kaibigan—

"YIEEEE!" sigaw ni Sage sa gilid.

"Beh, parang di ka na straight niyan!" dagdag pa ni Jill.

Napairap na lang ako at nag-focus sa laro. Hah, bwisit talaga kayo!

 

Malamang nainis ang freshies sa pagkatalo nila kanina, kasi first serve pa lang nila, sobrang lakas na agad. Lumipad ang bola papunta sa side namin—at muntik nang magka-ace serve kung hindi lang nailigtas ni Alysa.

"RECEIVE!" sigaw niya.

Agad akong gumalaw, ready for an attack. Nakita ko ang bola na lumilipad papunta sa akin. Ito na.

Tumalon ako, pinaikot ang braso, at—BLAG!

BLOCKED.

"OH! DENIED!" sigaw ng ilan sa audience.

Napangiwi ako. Damn, hindi pwedeng ganito.

"Focus, Sera!" sigaw ni Alysa, tapos hinampas ako sa balikat. "Kaya natin 'to!"

Tumango ako. Tama. Isang block lang ‘yun. Hindi ibig sabihin talo na kami.

Sunod-sunod ang intense plays. May mga puntos kaming nakuha, pero nakakabawi rin ang freshies. 18-17, lamang sila.

"Set ako ulit!" sigaw ni Alysa.

Lumipad ang bola, at sa pagkakataong ‘to, determined akong hindi na mablock.

Tumalon ako nang mas mataas, pinaikot ang braso, at—BAM!

Direkta sa crosscourt ang spike ko!

"YESSS!"

"TIE GAME!" sigaw ng announcer.

Ramdam ko ang init sa katawan ko, hindi lang dahil sa laro kundi sa pressure ng moment na ‘to. Dapat manalo kami.

Pawisan na kaming lahat. Isa na lang… isang point na lang.

Nag-set ang kalaban, pero mabilis akong nakagalaw para i-receive. Napunta kay Alysa ang bola, at mabilis siyang nagbigay ng perfect set sa akin.

Ito na ‘yun.

Tumalon ako, buong lakas na pinalo ang bola—

BAAAM!

Napatingin ako. Diretso sa linya.

"TAPOS NA ANG LABAN! Junior wins!" sigaw ng announcer.

Biglang napuno ng hiyawan ang paligid. Tumakbo papunta sa akin ang mga kaibigan, sabay yakap sa akin nang mahigpit.

"ANG GALING MO, BEH!"

"GRABE KA! MVP KA NA NI MAX!" sigaw ni Marga, hindi pinalampas ang chance mang-asar.

"ANO BA?!" sigaw ko, pero hindi ko napigilang matawa.

At syempre, parang scripted, lumapit si Max—at sa harap ng lahat, bigla niyang nilagay ang kamay niya sa ulo ko.

"Nice game, Sera. Akala ko matatalo ka na eh," sabi niya, naka-ngisi na naman!

"Ano ka ba, syempre hindi," sagot ko, rolling my eyes. Pero deep inside? PUTIK, ANG INIT PA NG KAMAY NIYA.

"Ayos yan. Deserve mo ng libre mamaya."

Nanlaki ang mata ko. "Hah?! Kailan pa tayo nagkasundo na ililibre mo ko?"

"Nung tinanggap mo towel ko kanina," sabi niya, sabay kindat.

"HA?! PWEDE BA NAMAN YUN?!"

Pero bago ko pa siya matuluyan, tumalikod na siya at naglakad palayo. ANO BA ‘TONG TAONG ‘TO?!

"YIEEEEEEEE!" sigaw ulit ng mga bwisit kong kaibigan.

At doon ko na-realize…

TALO MAN ANG FRESHIES, MUKHANG AKO ‘YUNG TUNAY NA NATALO SA LARO NA ‘TO. 

Forward
Sign in to leave a review.