
EPILOUGE
Isang babae ang nakahiga sa kwarto niya habang binabasa ang Noli Me Tanghere na kanyang naibigan noong muntikan siyang ibagsak ni Mr Torres sa kanyang Subject noong nag aaral pa sya sa PLM.
Noong una ay hindi pa nya maintindihan ang point ng istorya pero noong isinapuso nya bawat ganap sa nobela ay nainlove ito lalong lalo na sa kwento nina Juan Crisostomo at Maria Clara at nasaktan sya sa istorya nina Elias at Salome, at noong tumakas si Crisostomo sa kulungan at idineklarang patay ay parang gusto rin ni Klay na pumasok sa nobela at isalvage si Padre Salvi o mas tinatawag nya bilang Padre del Diablo.
at noong nabaliw si Sisa ay gusto nya itong i comfort pero, paano?
ang mga tauhan ay karakter lamang sa isang nobela na isinulat na ni Dr. Jose Rizal na kahit anong i imagine nya e, wala na finish na, alang alang naman tawagin pa ni Klay ang multo ni Rizal para lamang ma reimagined ang nobela at bigyan ng happy ending lahat ng tauhan neto?
kaya ng maka graduate si Klay ay agad siyang nagtrabaho sa isang public hospital at doon, pinagpatuloy ni klay ang isa sa mga layunin sa nobela, ang pag serbisyohan ang mga Pilipino
pero noong nagkasakit ang kanyang mama, ay walang Choice si Klay kundi mag abroad at sa London ay natanggap siya at na promote bilang head nurse ng ospital na kanyang pinagta-trabahuhan at doon din niya nalaman ang kanyang kalagayan.
Three years ago, na diagnose si klay na may tumor sa kanyang utak na dahilan ng kanyang walang tigil na sakit ng ulo at panghihina.
kayat minabuti nya na mag undergo therapy ang Chemo, at mag undergo ng surgery, pero lahat ng yun ay bale wala dahil ang kanyang sakit na tumor ay mabilis na kumalat sa kanyang buong systema hanggang umabot na wala na talagang pag asa, kaya't nagpauwi na sila sa Pilipinas at sa kanyang naipundar na up and down na bahay.
halos mag kakalahating taon na noong umuwi sila rito at halos kalahating taon narin ng maisipan nyang itigil na ang medikasyon dahil isa syang nurse alam nya kung paano alagaan ang kanyang sarili, at alam na rin nya na malapit na ang kanyang expiration date, kaya bat pa siya magsasayang ng oras para sa gamot at therapy kung ang makakasama naman ng kanyang pamilya ay ang lantang siya?
kaya tinigil na ni Klay at mas itinuon nya ang kanyang lakas at enerhiya para makasama nya ng may sigla ang kanyang pamilya.
Oo mahirap sa kanyang Parte lalong lalo na pag nahihirapan na siyang huminga o kaya nama'y sobrang sakit ng kanyang ulo na para bang hinahati sa bawat sulok ng kanyang ulo o sa mga panahon na nahihirapan syang huminga o kaya naman ay sobrang sakit ng kanyang dibdib na parang sasabog ang kanyang puso.
lahat ng iyon ay hindi nya pinapakita sa kanyang pamilya, tangi ang Noli lamang ang nakakasaksi ng kanyang kasakitan.
at ngayon ay tila nag full force lahat ng kanyang hinaing, gusto man nyang sumigaw ay isang maliit na ungol ang kanyang nagawa, walang taong nakarinig sakanya at ang tanging saksi sa kanyang pagkamatay ay ang libro na nilikha ni Dr Jose Rizal