
Chapter 24
Jasmines Pov:
“Good morning, Love” bati sa akin ng mahal ko, nandito parin kami sa kama nakahiga habang naka-titig lang sa isat-isa.
“Good morning too love, tomorrow is the day pwede ka pa umatras” I said then I laughed kaya pati siya napatawa din.
“alam mo ikaw, bakit mo na-iisip na aatras ako ha?” Davina said at tina-asan niya ako ng kilay.
Umupo ako sa kama at pina-upo ko rin siya “ eto namang mahal ko, hindi ma biro, joke lang po…alam ko naman hindi ka aatras ako nae to oh, Jasmine…hmmp” sabi ko ng pabiro.
“Pero seryoso…excited na ako maging legit na asawa mo” dagdag ko
“ahh…talaga ba? Sige nga kiss mo ko” Davina said sabay pout niya ng lips para mahalikan ko.
Ang cute.cute niya Talaga lalo na pag-naglalambing pero instead na halikan siya kumuha ako ng unan at yun ang tinapat ko sa lips niya, dahilan para mapasigaw ako dahil kini-kiliti niya ako bilang Ganti niya.
Habang nag eenjoy kami at nag-tatawanan her phone ring kaya napa tigil kami sa pang-aasar sa isat-isa.
“sino yan?” tanong ko agad
Davina looked at me and this time seryoso na talaga siya
“grabeh naman na tingin yan, ano ba kasi yan?” sabi ko sabay kuha sa kanya ng cellphone niya para Mabasa ko na.
“Wait… gusto ako makita ng ate celeste mo?” I asked her
“bakit daw? Eh message mo or tawagan mo na love para malaman natin agad” utos ko sa kanya sabay bigay ulit ng cellphone niya.
Pero instead na tawagan niya at eh message kung bakit, Davina just replied saying na pupunta kami agad sa mansion.
Gusto ko sana mainis kasi naman hindi ako sinunod, pero I trust her at isa pa ate naman niya yun eh and may kutob ako dahil to kasal namin, kaya pina-patawag niya ako pero bakit ako lang?
Agad.agad na kaming nagbihis para makapunta na sa kanila, we decided to eat nalang din doon sa mansion, kasi parehas kami hindi mapakali and we want to know kung bakit ako pinapatawag ng ate niya.
“Do you think merong emergency na nagyari?” I asked at nandito na kami ngayon sa sasakyan habang nagmamaneho si Davina.
“Relax Love dahil kung emergency man yun, ate will tell us right away, I do think meron lang Talaga siyang kailangan saiyo, okay?” she said assuring me na everything is okay.
Alam naman kasi niyang overthinker ako, hindi pwede ang ganito sa akin kahit saan-saan na napupunta ang utak ko, finally nandito na kami dumeretso agad kami sa opisina ng ate niya kasi palagi naman yun ng doon.
“Ate, we are here” Davina announce habang kumakatok siya sa malaking pintuan kung nasaan ang opisina ni celeste.
Nagulat kaming dalawa ng biglang meron magsalita sa likuran namin.
“Finally, come doon tayo sa kwarto ko” her ate said
“Sa kwarto mo?” pag-uulit ni Davina sa sinabi ng ate niya.
“Yap, you heard me,” her ate celeste uttered
“Ayos ah, anong meron? eh hindi ka ng papasok sa kahit na sino sa kwarto mo” Davina said
Habang naglalakad kaming tatlo papunta sa kwarto ni ate celeste ay nag-uusap lang ang magkapatid at eto ako tamang nakikinig lang.
Her ate stop from walking at hinirap kaming dalawa.
“Relax nandito na tayo, malalaman niyo din, why I asked jasmine to come, actually I only want jasmine na pumasok sa loob ng kwarto ko, so Davina my beautiful sister, behave will you?” her ate uttered then give a smile sa kapatid niya.
Magma-matigas pa sana si Davina at eh pipilit na sumama sa loob pero I look at her and made sure na she got my message na, hayaan niya kami ng ate niya.
Mabuti nalang Talaga at nakuha siya sa tingin ko.
“Okay…fine pero make sure na walang mangyayari sa asawa ko” pagbabanta nito sa ate niya sabay tawa naman niya.
At dahil sa ginawa at sinabi niya tinarayan tuloy siya ng ate niya ng tingin, napalunok nalang ito ng laway.
“Sorry na… joke lang” she said sa ate niya
Napa-iling nalang ako, pagpasok na pagpasok ko sa kwarto, isang napaka-gandang gown ka-agad ang Nakita ko.
At dahil doon napa-tingin ako sa ate niya.
“Ano po eto?” I asked
Before answering me pinuntahan niya ang wedding gown at tinitigan eto
“This wedding gown is from our mother, gusto ko sana si Davina magsuot pero I changed my mind, I want you to wear it beside ayaw din naman to ni davina ”Ate celeste spoke.
Hindi ako makapag-salita, hindi ko alam ano sasabihin ko.
“Pero, I think si…Davina po ang mas deserving na eh suot yan” sabi ko sa kanya dahil I think tama naman ako.
Ate celeste smile “Yap tama ka mas Maganda kung kapatid ko ang magsusuot nito but I think you deserve it more because of you naging masaya ulit ang kapatid ko when mom died her smile died with her, now you are here, binalik mo ang mga ngiti niyang yun so pleasseee…. Wag na matigas ang ulo”
When she explained that hindi na ako pumalag at ang ganda din naman Talaga ng gown, kaya imbes na makipag-talo, lumapit ako wedding gown na susuotin ko at hinawakan yun.
And a smile appeared on my face.
“Davina…come in…” tawag naman ni ate celeste sa kapatid niya
Agad rin etong pumasok and when she saw the wedding dress na nasa tabi ko. Hindi ma-ipinta ang saya sa mukha niya, she looks at her ate and give her a tight hug.
“Thank you… thank you so much…” she said habang yakap niya ang babaeng naging pangalawang ina niya, her angel, her ate celeste.
Ang sarap nilang tignan kaya agad ko kinuha ang cellphone ko at secretong kinuhaan sila ng litrato, I can`t miss that.
“Sige na, umuwi na kayo and rest tomorrow is the big day” her ate said
After that beautiful moment the three of us shared umalis na rin kami sa kwarto ng ate niya at nagpa-iwan ito doon but before leaving pina-alala din sa amin ng ate niya na meron kaming rehearsal kung paano ang takbo ng kasal bukas.
“Well, my love do you want to go sa rehearsal or I don’t know watch the sundown?” Davina said at kahit hindi niya sabihin alam ko kung ano ang mas gusto niyang gawin.
“Hahahaa… I think mas Maganda na alam natin kung paano ang takbo ng kasal pero alam ko rin na we already watch a lot of wedding movies… so let`s watch the sunset mas gusto ko pa yun “ sagot ko agad sa tanong niya.
So that`s what we did, sa huling araw na hindi totoo ang kasal namin watching the sunsets as tomorrow our new life begins.
----
I close my eyes for a minute before starting the day, this is it, eh kakasal na ako.
“I am really getting married sa taong mahal na mahal ko “ I said as I look at the sea.
We are here in one of their private island, dito gaganapin ang kasal namin ni Davina, we invited press pero pili lang sila at mostly mga kakilala lang din ng pamilya nila because we want to make this wedding intimate as we can and as promise we will share our day sa tao and since I am a vlogger, we decided to use my account for the main live streaming of our wedding.
“Best…eh kakasal kana!!” maria excitingly said kaya napunta sa kanya ang attention ko.
“Maria namin eh….bakit ka sumigaw, mas kinakabahan tuloy ako” sabi ko ng seryoso sa kanya.
Kaya she did her best to calm me “Sorry naman, upo ka muna and inhale….exhale…oh ayan okay kana?”
“hahahahaha…..sira ka Talaga” yan nalang ang nasabi ko dahil sa ka-kwelahan ng kaibigan ko.
“But seryoso, I have something for you actually pina-pa bigay lang” she said sabay abot sa akin ng isang papel
Kinuha ko naman yun “ Ano to?” I asked
Bago siya sumagot umupo muna siya sa tabi ko “Open it”
Kahit takang-taka binuksan ko ang papel and when I read kung kanino yun galing hindi ko mapigilan ang mga luha ko.
“A letter from your dad, pinapa-bigay niya sa akin, actually Davina wanted to surprise you, dadalhin niya sana ang papa mo para makita ka niya sa isa sa,pinaka-importante na araw for you”
“but since alam niya na ayaw mo hindi niya tinuloy, so eto nalang sulat galing sa dady mo” she added.
Then after she explain everything, iniwan na niya ako para makapag-isa kahit ayaw kung maiyak wala akong nagawa kundi hayaan ang mga luha ko na tumulo habang binabasa ang sulat ng aking ama.
"Anak, pasesnya na wala ang dady sa araw ng kasal mo pero kahit na wala ako sa tabi mo sana maramdaman mo na mahal na mahal kita, maghihintay ako kahit gaano pa katagal, maghihintay ako na mapatawad mo ako.
Alam ko hindi ka pababayaan ni Davina at alam ko ganun ka rin sa kanya, ingatan niyo ang isat-isa at araw-araw niyong ipaglaban ang pagmamahalan niyo.
Dito lang ako anak, patawad sa lahat ng nagawa ko.
Mahal na mahal kita
Dady,"
TO BE CONTINUED