
Chapter 2
gwen
Natapos na rin ang rehearsals namin. Maayos naman daw sabi nila Stacey. Smooth flow, great technical support, and no one had to hold their scripts — except Stacey na nag block for Kaye.
Natandaan ko tuloy yung hawak niya kay Joe kanina. Nakakabanas talaga. Ang landi naman parang tuwang tuwa pa siya habang ginagawa niya.
Hoy Gwen, nag aacting yung tao baka nakakalimutan mo? But was it all just an act? They looked undeniably good together at that moment.
That scene.
I didn’t plan to go as hard as I did a while back. Nadala lang ako ng emosyon ko at nagawa ko yun. Natuwa naman sila Stacey sa “acting” ko kaya it’s a win? Yung imahe ng paghawak ni Stacey nalang siguro iisipin ko kapag yun ulit scene ko kasama ni Kaye.
“Galing mo kanina ah” bati ni Stacey habang paupo siya sa upuan niya.
“Thank you! May comments ba ang direk namin?” pabiro kong sinabi.
“Direk direk ka diyan. Pero kung seryoso lang, wala masyado. Keep it up, especially doon sa scene niyo ni Kaye” she said, her smile almost reaching her ears.
Kung alam mo lang na hindi yun acting.
“Please, magaling lang acting ko dahil sa inyo eh. Ang galing ng mga nagsulat ng script AT magaling ang director namin” I complimented her.
Magaling ang director naming maglabas ng mga emosyong binabaon ko.
Hinampas niya naman ako sa braso, “Yan ka nanaman sa pambobola mo” sinabi niya habang natatawa.
“Kung ayaw mo, edi wag. Pinupuri na nga kita, ayaw mo pa” sinagot ko.
“Biased ka lang kasi kaibigan kita”
Ang palaban naman nito, ang hirap nanalo.
“Oo, sige na nga. Mukhang ayaw mo magpatalo” I admitted defeat.
“Sabi ko na eh magpapatalo ka kaagad, paglaban mo naman sarili mo Gwen” sinabi niya ng medyo patawa pero alam ko naman na seryoso siya.
“You’re worthy to be fought for” sinunod niya habang may kinukuha sa bag niya.
“Haha sige, noted po boss” inirapan niya ako.
“Jeez sorry na po baby” inasar ko, ngumiti naman siya.
She looked like she liked it. Ah ayan pala weakness mo ah?
“Grabe naman ang switch up mo. Gusto lang pala magpababy niyan” sinabi ko at pinisil ang mga pisngi niya.
“Di kaya” biglang sumimangot at lumabas ng classroom dala ang wallet niya.
“Sus, kanino ba gustong magpababy niyan?” tanong ko habang hinahabol siya.
Sa akin nalang please. Kahit ano pang pa-baby gusto mo, ako na bahala.
Nang maabot ko siya, tumigil siya at tumingin sa akin, “Beh, bulag ka ba?”
I stared at her. Di ko gets? I tilted my head.
“Hindi? I can see clearly, Stacey” sagot ko.
Hinila niya naman ako sa area na wala masyadong tao.
Naguguluhan ako, anong klaseng tanong yon?
“That’s the thing Gwen, I want you…” she trailed off and took a breath.
SO BAT KA DOON TUMIGIL? AYOKONG LAGYAN NG MALISYA PERO MAHIRAP, SEVILLEJA.
“I want you to tell me if I’m misreading you. Do you like me?” she asked.
“Oo, of course I like you” I answered immediately.
More than you’ll ever know.
“I don’t mean that. I mean do you like like me, Gwen?” I looked at her, staring at her hands.
I hesitate but before I could speak, “ayokong lagyan ng meaning ang mga ginagawa mo para sa akin pero mahirap kasi eh” she continued.
“Hirap na hirap ako kasi gusto kita” tinignan niya mga mata ko.
Ang lakas ng tibok ng puso ko, naririnig ko sa mga tenga ko. Gusto niya rin ako? Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
Nang mapansin niya na walang lalabas sa bibig ko, “you know what? Nevermind. Sorry na lagay kita on the spot. Nababaliw na ata ako sa pag direct” she chuckled awkwardly and started walking away.
I reached for her wrist and pulled her back, making her stand closer to me. With her head still turned away, I took my right hand to hold her chin to make her face me.
“Lagyan mo lang ng meaning, Sevilleja, kasi gustong gusto rin kita — the whole of you” bulong ko sa kanya.
Ngumiti naman siya, mukhang may balak, “pag gusto, di bulag” bulong niya pabalik.
I stepped back. Nagulat naman ako sa sinabi niya at mukhang nahalata niya dahil sa naging reaksyon ko.
“Kaya, Gwen, sana malaman mo na nakikita ko ang mga efforts mo. How observant you are of me” she said, smiling.
“I may not show it as well as you do, pero sisikapin ko, Gwen” she held both my hands.
Ang lamig ng mga kamay niya. Damn, kabado rin naman ako, sana di halata.
“Sisikapin kong iparamdam sayo kung gaano kita ka-gusto”
“Ang OA mo naman. But I love that about you” tinanggal ko ang mga kamay ko sa mga kamay niya at idinala ito sa mga pisngi niya.
“Bili na tayo ng sandwich at Real Leaf mo?” I softly asked at tumango naman siya.
Kilala na kita, Lindtsey Stacey Aubrey Sevilleja. Hinding hindi ako magbubulag-bulagan kasi gusto kita para sa buong sarili mo.