
Sikat ang Maginhawa sakanilang food park culture. Sunod-sunod ang mga kainan saan mo man ipaling ang mga mata mo kaya hindi ka mauubusan ng options. May ilang puede mo lang bisitahin kapag nakakaluwag luwag sa buhay, pero marami rin namang student-friendly para sa mga nagtitipid. Hindi lang alam ni Pam kung bakit sa hinaba haba ng kalsada ay sa Koomi siya napadpad. Meron naman nito sa malls kung tutusin.
Well, in her defense, tirik na tirik ang araw na tila pinaparusahan na tayo sa mga kasalanan natin. Start na ‘ata ng summer kahit na February palang.
Tinignan ni Pam ang mga katabing stalls— puro kape, not a fan.
"Hello, welcome to Koomi!" masiglang bati ng babae sa likod ng counter. Napansin siguro nitong natatagalan siyang pumili sa pagkalaki laki nilang menu.
Saglit na nilingat ng huli ang tingin para bumati pabalik. Mas extensive pala ang menu sa counter kaysa sa malaking sintra board display sa labas ng stall. Hindi naman niya first time mag-froyo. Sadyang overwhelming lang ang pangalan ng mga nasa menu.
"Tell Me Matcha Want," sambit ng dalaga. Agad na binaling ni Pam ang atensyon sakanyang kaharap at bumungad sakanya ang malaking ngiti nito. Soft and silky hair. Boba eyes. Gummy smile. Plump lips. And, just the same height as me.
"...Berry Kiwissable."
Pam snapped back to reality, "I'm sorry?"
"Tell Me Matcha Want and Berry Kiwissable po ang bestsellers namin this month, you might want to give it a try." sagot sakanya nito. Ah, recommendation pala. Magaling siya magmarket.
Napailing nalang si Pam sakanyang delirio. She gave the menu one last look before stating her order, "I'd like to try You," nauutal niyang sabi, "...You Bloom Before My Berry Eyes." Bakit ba ang haba ng mga pangalan sa menu?
Habang pinapunch ang kanyang order ay napatingin si Pam sa nameplate ng kanyang kausap.
Rak.
Very unique ang pangalan. Rak means love in Thai. Siguro pinalaki siya ng puno ng pagmamahal.
"Ma'am, Filipino blend or Aussie blend?" tanong nito sakanya. "Filipino is much sweeter than Aussie, mas may hint of asim kasi ang Aussie sa yogurt," dagdag pa nito. She has a sweet tooth, so she'd rather enjoy her froyo nang matamis, "Filipino, then."
"For sugar level, recommended po ba?"
"Well, yung tama lang," tumango ang huli. "Repeat order ko lang, ma'am. One You Bloom Before My Berry Eyes, Filipino blend, recommended. Any additional order?"
Umiling ito at tipid na nginitian ang kausap. She doesn’t know why but Pam felt the need to stare at her. Sobrang mesmerizing ng eyes niya, buhay na buhay.
“May I have your name, please?” Rak asked. Tila tumigil magfunction ang utak ni Pam for a brief second until magsalita ulit ito, “For the dedicated message sa cup.”
Ah, shit.
God, she must have thought I’m stupid.
“Pam.”
Hindi pa rin nawawala ang malaking ngiti nito habang sinusulat ang pangalan niya sa isang regular cup. Rak handed her receipt and humanap siya ng mauupuan saglit. Habang naghihintay ay siya namang sunod-sunod ang pagtunog ng phone niya dahil sa notifications.
nene, oat, and 2 others…
oat shared a video
oat shared a video
oat shared a video
nene, oat, and 2 others…
nene: Pammy, meron ka na bang leads for Oral Surgery 1? :-(
Magrereply na sana ng irereply si Pam nang may tumawag sa pangalan niya, “You Bloom Before My Berry Eyes for Dr. Pam!”
:"Dr. Pam?" natatawang tanong ni Pam kay Rak. Paano naman niya nalaman?
"Your uniform, from pink school, right?" at ito nanaman siya sa mga ngiti niya. Honestly, at this point, hindi lang sa init ng panahon siya matutunaw.
"Are you from pink school as well?" Umiling ang huli. "Parents ko lang."
Tumango si Pam habang pilit na tinutusok ang straw sa inumin. "See you around," muli niyang tinignan ang nameplate ng kausap, "Rak."
"I hope you enjoy your drink!" pahabol nito habang unti-unting naglalakad palayo si Pam sa stall.
In fairness, approved sa panlasa ni Pam ang fruity flavor ng napili niya. Matapang pa rin ang flavor ng Filipino blend na frozen yogurt but nagcocomplement naman sa berry. She would love to try other flavors soon. Hinalo muli ni Pam ang kanyang inumin at napansin ang nakasulat,
don't forget to wear your best smile today
p.s. personal recommendation: berry kiwissable! :)