Helpdesktiny

BINI (Philippines Band)
F/F
G
Helpdesktiny
Summary
“Anong issue this time?” Buntong hininga ni Gwen.Nagkibit-balikat si Jho, nakangiti. “Wala naman, gusto lang kitang makita.”Napabuntong-hininga ulit si Gwen. “Alam mo bang nakikita ko lahat ng tickets mo?”“Talaga?”“Oo. At lahat sila, walang totoong problema.”“Oh no, busted,” biro ni Jho. “Eh ikaw? Kailan mo aaminin na gusto mo rin ako makita?”

First day pa lang ni Jho sa bagong trabaho, pero may nakita na siyang dahilan para ganahan pumasok araw-araw—si Gwen, ang IT Specialist na nag-issue ng company laptop niya. Suplada, seryoso, at mukhang hindi natitinag ng kahit ano.

Sign here,” maikling sabi ni Gwen habang iniaabot kay Jho ang laptop.

 

Sure, pero baka pwedeng isulat ko na rin number ko dito? You know, for… tech support?” Malanding kindat ni Jho habang nagfi-fill out ng form.

 

Walang reaksyon si Gwen. “We have a ticketing system.”

 

Napansimangot si Jho. “Ouch. Noted, Miss IT Specialist.”

 

At doon na nagsimula ang lahat.

 


 

Makalipas ang isang araw, nag-email si Jho sa IT.

 

Subject: Urgent! Laptop issue :’(

 

Message: Hi Gwen, parang may something wrong sa laptop ko. Ang bagal mag-load ng mga files. Baka kailangan ng expert touch mo? Hehe. - Jho

 

Hindi pa lumilipas ang sampung minuto, pumasok si Gwen sa cubicle niya, expressionless pa rin.

 

Anong issue?”

 

Hala, ang bilis mo!” Napangiti si Jho. “Ikaw yata yung may urgent, eh.”

 

Kinuha ni Gwen ang laptop, nag-click-click sandali, tapos ibinalik ito. “Okay na. Clear cache next time.”

 

Ikaw ba, may cache din?” bulong ni Jho. “Baka pwede ko ring i-clear yung feelings mo… for me?”

 

Walang reaksyon si Gwen, deadpan lang ang tingin. “Try mo mag-restart.”

 


 

Makalipas ang dalawang araw, nag-email ulit si Jho.

 

Subject: Help! Di ko ma-open yung Excel file!

 

Message: Gwen, baka naman may magic ka para dito? Hindi ko talaga ma-open kahit anong gawin ko. Maybe I just need… guidance? At company? :>

 

Dumating ulit si Gwen, kinuha ang laptop, may konting pinindot, tapos bumukas ang file.

 

Anong ginawa mo?” tanong ni Jho, pasimpleng sumisilip sa tabi ni Gwen.

 

Binuksan.”

 

Napanganga siya. “Ganun lang?!

 

Tumango lang si Gwen. “Wag kang masyadong kinakabahan sa trabaho.”

 

Di ako kinakabahan sa trabaho,” sagot ni Jho, nakangiti. “Sayo ako kinakabahan.”

 

Pinanlakihan lang siya ng mata ni Gwen. “Try mo mag-restart ulit.”

 


 

Makalipas ang isang linggo, si Gwen na mismo ang unang lumapit kay Jho.

 

Anong issue this time?” Buntong hininga ni Gwen.

 

Nagkibit-balikat si Jho, nakangiti. “Wala naman, gusto lang kitang makita.”

 

Napabuntong-hininga ulit si Gwen. “Alam mo bang nakikita ko lahat ng tickets mo?”

 

Talaga?”

 

Oo. At lahat sila, walang totoong problema.”

 

Oh no, busted,” biro ni Jho. “Eh ikaw? Kailan mo aaminin na gusto mo rin ako makita?”

 

Natahimik si Gwen sandali bago napailing. “Try mo mag-restart. Baka magbago isip mo.”

 

Tumawa si Jho. “Eh paano kung ayaw kong mag-restart? Paano kung gusto kitang i-keep sa system ko?”

 

Saglit na natahimik si Gwen bago tumingin kay Jho.

 

“…Try mo next time,” sabi niya, may bahagyang ngiti sa labi.

 

At doon nagsimulang bumaba ang firewall ni Gwen—kahit konti lang.

 


 

Error 404: Jho Not Found

 

Nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng bagong routine si Gwen—check emails, fix actual IT concerns, and… entertain Jho’s ridiculous “tech issues.” Kahit na dati ay inis siya sa mga walang kwentang tickets nito, nasanay na sya sa pangungulit ni Jho.

 

Nagtaka si Gwen kasi first time in weeks, walang “urgent” emails mula kay Jho. Napakunot ang noo niya habang nagrerefresh sya ng inbox.

 

Strange.

 

Wala namang major company-wide IT problems. Walang na-hack na system. So bakit parang may kulang sa araw niya?

 

Sinubukan nya itong dedmahin, pero napapansin niyang ang tahimik ng office. O baka lang masyadong tahimik dahil wala si Jho na laging dumadaldal sa cubicle niya.

 

Habang medyo inis, nakaisip ng paraan si Gwen na taliwas sa personality nya—siya naman ang gumawa ng excuse para makita si Jho.

 


 

Sa HR Department…

 

Hi, Gwen! What brings you here?” Tanong ni Stacey, isa sa mga HR associates.

 

Uh… may concern lang ako about, uh, payroll system access,” sagot ni Gwen, habang naka straight face lang. “Si Jho ba nandito?”

 

Ah, oo! Pero wait lang, baka matulungan naman kita.”

 

Todo iling ng ulo si Gwen. “Preferably si Jho. She’s the one who handled my access before.”

 

Pero bago pa makasagot si Stacey, lumabas si Jho mula sa kabilang cubicle.

 

Oh, Gwen! Ano yun?

 

Nagkatinginan sila. Ineexpect ni Gwen yung ngiting mapangasar ni Jho, pero imbes ay cool at professional lang ang nasa mukha nito.

 

May concern ako sa payroll system access,” sabi ni Gwen, pinapakiramdaman nya ang reaksyon ni Jho.

 

Ah, si Stacey na lang mag-aassist sayo. Mas updated siya sa access management ngayon.”

 

Napakunot-noo si Gwen. “…Ikaw na lang.”

 

Pero ngumiti lang si Jho. Yung ngiti na pormal, professional na parang di nya kilala. Hindi nya alam pero nainis sya dito.

 

Sorry, busy ako eh. Next time na lang?”

 

At doon niya naramdaman—Iniiwasan sya ni Jho.

 


 

Sa mga sumunod na araw, sinubukan pa rin ni Gwen na i-corner si Jho, gamit ang kung ano-anong excuse pa ang maisip nya. Pero si Jho ay mabilis umiwas parang ninja—either nire-refer siya sa ibang tao or biglang nagmamadaling may “meeting” daw.

 

Si Gwen yung tipo nh tao na di madalas mag-overthink. Pero dahil hindi siya sanay sa ganitong setup nila ni Jho, nakaramdam sya ng konting pagkainis.

 

May ginawa ba akong mali?

Galit ba sya sa akin?

Na-offend ba sya sa pag reject ko sa mga advances nya?

 

Hanggang sa hindi na siya nakatiis.

 

Bandang alas dos ng hapon, nang makita niyang walang tao sa pantry bukod kay Jho, she made her move.

 


 

Okay, anong problema mo?” Kalmadong pagtatanong ni Gwen, pero may bahagyang pagka-irita sa tono niya.

 

Nagulat si Jho pero agad din itong bumalik sa mukhang walang reaksyon niya. “Ha? Anong problema?”

 

You’re obviously avoiding me.” Lumapit si Gwen kay Jho. “And don’t even try to deny it.”

 

Napabuntong-hininga si Jho. “Gwen, wala namang problema.”

 

Kung walang problema, bakit hindi mo na ako kinukulit?” Hindi na nagpaligoy-ligoy si Gwen. “You suddenly stopped emailing me. No more ‘urgent’ laptop issues. No more random questions. And every time I try to talk to you, you pass me off to someone else.”

 

Umiwas ng tingin si Jho at yumuko. “Baka naman kasi busy lang ako?”

 

That’s bullshit and you know it.” Mas lalong pinaglapit ni Gwen ang mukha nila ni Jho. “So spill.”

 

Tahimik lang si Jho ng mga ilang seguno bago nakapagsalita ulit.

 

Fine,” Buntong hininga ni Jho. “Nakita ko kasi kayo ni Mikha sa pantry. You guys looked… close. So naisip ko, baka kayo.”

 

Napaatras si Gwen at kumunot ang noo. “Mikha?”

 

Yeah. Alam mo naman siguro how that looked, right?” May konting tawa si Jho pero halatang pilit. “Ayoko namang maka-sagabal sa inyo, so I backed off.”

 

Mga ilang segundo rin ng titigan lang ni Gwen si Jho. At sabay napangisi ito.

 

So instead of just asking me, nag-conclude ka na lang agad?”

 

Napakamot ulo si Jho. “It made sense at that time.”

 

And ikaw, did it made sense din ba na bigla mo akong iwasan without even confirming anything?” Pinandilatan ni Gwen si Jho. “Anong akala mo, wala akong pakialam?”

 

Napatingin si Jho sa kanya, parang naguguluhan. “You… care?

 

Kung hindi, bakit kita hinanap? Bakit kita kinumpronta ngayon? And for the record—hindi kami ni Mikha. She was just asking for IT help. That’s literally my job.”

 

Hindi agad nakasagot si Jho.

 

God, Jho,” Napahawak sa ulo si Gwen habang umiiling. “Akala ko ba matapang ka? Pero sa ganitong bagay, tumatakbo ka?”

 

Napakagat labi si Jho. “Well, sorry for assuming. Hindi ko naman kasi in-expect na…”

 

Na ano?”

 

Na-miss mo rin ako.

 

Pero hindi niya masabi.

 

Nevermind,” 

 

Pero nakatitig lang si Gwen sakanya bago ito ngumiti at lumapit kay Jho. “Next time, tanungin mo na lang ako nang diretso.”

 

Napatango si Jho. “Okay.”

 

…And don’t stop bothering me. Nakakainis kapag tahimik yung inbox ko.”

 

Ngumiti si Jho, yung totoong ngiti. “Aba, hinahanap mo na ngayon, ah?”

 

Napairap na lang si Gwen pero di nya ito maitanggi. “Shut up.