
TWENTY-SEVEN
"Bakit ka nandito?" Tanong ng gulat na nagbukas ng pintuan na kinakatok ni Rosie.
Sinikmuraan niya. Napa-bend over tuloy. "Oof! Putangina? Eh kung hindi kita patuluyin sa loob ng pamamahay ko?!" Reklamo nito.
Dire-diretso lang si Rosie papasok sa loob. Sumalampak sa sofa. "Kinausap ko si Wendy like you said I should." Balita niya.
Lumapit si Jisoo. Hinihimas ang tiyan na nasuntok. "Tapos?" Tanong nito. Umupo na sa tabi ni Rosie.
"Nag-away kami."
"Okay? Bakit mo ako sinuntok?"
"Kasi ikaw yung unang-unang nagsabi na kausapin ko siya."
Offended na nag-splutter si Jisoo. "Ang lagay eh kasalanan ko pang ayaw mong tanggapin na boto siyang umalis ka!?"
Suminghap si Rosie. Sasapakin na sana ulit si Jisoo kaso naunahan na siya ng isang malalang hampas ng throw pillow. Swak sa mukha kaya napatigil siya.
"Ano bang trip mo, Roseanne?!" Sabi ni Jisoo. "Pakiramdam ko eh di kayo nag-away, ikaw lang yung tinotopak tapos tinakbuhan siya bago kayo makapag-usap ng maayos."
"Tangina."
Ngumiti si Jisoo. Pinalo ulit ng throw pillow si Rosie. Sa tuktok ng ulo. "Ang gago mo eh. Tangina naman. Umuwi ka na ulit pota. Baka kung ano pa isipin nun ni Wendy, yan ka nanaman eh. Harapin mo kaya mga problema mo?"
Kumurap si Rosie sa kausap. "Luh ang mature nakakagago. Sinapian ka ba?" Sabi niya.
"Tangina mo. Tara hatid na kita. Bibili na din ako ng yosi sa tindahan ni aling Kipay sa harap ng condo niyo. Mura ng piso sa kanya eh."
------------------------------------------------------------
"Lam mo kung anong fatal flaw mo?" Tanong ni Jennie kay Rosie.
"Ano naman?" Hinalo lang ni Rosie ang cocktail na nasa harap niya.
"Ginagawa mong mundo yung isang tao."
"Oof. HU.GOT." Sabi ni Lisa. "Pero may isa pa!"
"Hmm." Sagot ni Rosie.
"Napakahilig mong tumakbo sa mga problema. Tipong nope out tapos tamang hintay na yung Universe or ibang tao ang maiwang maglinis ng kalat mo."
"Did that with Suzy..doing that now with Wendy." Dugtong ni Jennie. "Ayos lang sana eh. Kaso gurl? Para kang tanga."
"Ang harsh." Bulong ni Rosie.
"Just saying. Wag kang gaga. Ano ba?!"
"Di naman kasi ganun kadali yun!" Katwiran ni Rosie.
"Umuwi ka na daw sabi ni Wendy." Biglang balita ng kakadating lang na si Jisoo.
"Ha?"
"Umuwi ka na daw. Kakatext lang sakin hinahanap ka. Di naman sinabi outright na umuwi ka na pero sinabi na tatlONG ARAW KA NANG NAWAWALA PUKI NG INA NAMAN, ROSEANNE!"
------------------------------------------------------------
Dahan-dahan na sinara ni Rosie ang front door. Sinandal ang ulo tapos bumuntong-hininga.
Naghubad siya ng sapatos, nilagay ang keyring sa sabitan sa tabi ng pintuan, tahimik na naglakad papunta sa kwarto.
Naaninag niya na may pile ng tulog na tao at kumot sa sofa. Bukas ang TV pero naka-mute, patay lahat ng ilaw.
Lumapit siya. Si Wendy nga gaya ng unang hinala. Tinitigan niya lang. Tapos tumingin sa coffee table kung saan may ilang mga pile ng gamit na mangkok at isang bote ng all purpose seasoning na tagaligtas nilang mag bestfriend pag kanin lang ang meron at tinatamad sila parehong magluto ng ulam.
Bumuntong-hininga siya ulit. Umupo sa floor sa baba ng sofa sa may bandang ulunan ni Wendy.
Nag-twitch ng malala yung pinapanuod niya. May kasamang flail ng parehong legs at parehong arms. Nasapak tuloy si Rosie.
"Luh?!" Sigaw ni Wendy. Nag-facepalm. "Taeng panaginip yun. Ihulog ba naman ako sa bangin?"
Nakahawak lang sa pisngi na tinamaan ng suntok si Rosie. Nilingon siya ni Wendy. Nagulat tuloy ulit. "Oi!" Bati nito. "When did you get back?"
Umiyak si Rosie. Niyakap nalang ang kumukurap na si Wendy. Confused siyang tinapik-tapik sa likod. "Hey..what's wrong, Rothie?"
"I..don't want to fight anymore. I'm sorry I ran..Theungwan..I'm sorry I ran." Sagot ni Rosie sa gitna ng hikbi.
"Were we fighting?" Sabi ni Wendy. "Di ako informed."
"Ay grabe."
"I love you, Rothie. Tahan na. Tulog na lang tayo. Kung ano man yung 'pinag-awayan' natin na tinakbuhan mo..wag na natin isipin. Bati na tayo ulit ayt?"
------------------------------------------------------------
"Look, Rosie.." Stressed na sabi ni Wendy. Naghihimas na ng sentido, medyo sarcastic na ang tono. "At the end of all this..I'm not here to tell you to go or not to go. That's always been your choice. I'm only fighting you because I know it's MY job to tell you that it's a good idea if you went. I'm trying to make you see that it's good if you GO..kasi it would help you GROW..para you can GLOW or some shit."
Isa nanamang argument sa gitna ng 'Friday Conversations.' Pangatlo na kung ilalapag nila pareho na binibilang nila ang bawat instance.
Nag-scoff si Rosie. "I don't appreciate you talking to me like I'm fucking dumb, Seungwan. I know what Go, Grow, and fucking Glow is, I beat you at the Science quiz bee back in 2nd Grade."
Asar na yung tawa ni Wendy. "Tangina alam mo naman pala how brilliant you are! WHY are you still being SO stubborn? Makinig ka naman parang awa!"
"There's nothing for me to listen to, Seungwan! Ano bang problema? Why are you so deadset on convincing me that it's a good idea to leave you?"
"Rosie..the problem is you thinking that accepting that promotion means you have to leave me! Literally all you have to do is think about how great it is that it's been three fucking months and your boss is STILL keeping an option for you! If it was anyone less amazing I bet he would have quit the moment you said no. He keeps asking. Which means..he REALLY wants you to take that job and he thinks you're best for it."
"No lang naman talaga yung dapat kong sagot?"
"For christ's sake!"
------------------------------------------------------------
"Napapadalas na yung biglaan mong pagsulpot sa condo ko." Deadpan na comment ni Jisoo nang makaupo na si Rosie sa sofa niya.
"Hmm.."
"Takot ka na pag umalis ka eh magdi-drift apart kayo ni Wendy. Di mo ba naisip na yung ginagawa mo ngayon eh nagiging reason din naman na mangyari yung kinatatakutan mo?"
"I suggest you stop talking."
Nagsindi ng sigarilyo si Jisoo. Umupo sa tabi ni Rosie tapos hinila ang ashtray na nasa lamesa palapit. "Pag umalis ka..hindi ibig sabihin pinipili mo yung trabaho mo over your GFF. It doesn't mean you're turning into my piece of shit cousin. All it means is gumawa ka ng paraan para mag-grow ka sa sarili mo at magkaroon ng thing of your own. Tipong di nakatali sa bestfriend mo."
"Hmmm."
"Gusto mo ng example?" Offer ni Jisoo.
"Siguraduhin mong di pang-gago yan kasi papakain ko sayo yung yosi mo, wala ako sa mood ngayon, Soo."
Tumawa si Jisoo. Pinitik sa ilong si Rosie. "Si Wendy. Nung lumipad siya para mag-Masters sa Canada. Kelangan ka niyang iwan..pero ginawa niya para ma-upgrade sarili niya away from being JUST your bestfriend. Nandun siya..pero di ibig sabihin eh pinawalan niya yung meron kayo. Tamang gawa lang ng way para mag level-up and be someone..na mapa-proud lalo yung BFF niya sa kanya pag nakumpleto niya. Someone better for you." Tinuro si Rosie. "Same idea sayo. Pag lumipad ka..wala kayo ni Wendy sa iisang lugar..pero naga-upgrade ka. Di mo iiwan yung meron kayo..just being a better version of yourself. Someone better for Wendy."
Humithit ng sigarilyo si Jisoo. "Kaya pilit ng pilit ang lahat sayo kasi gusto namin na yun ang mangyari. Kaya pilit ng pilit sayo si Wendy kasi ayaw niyang siya yung magho-hold back sayo."
"Saan mo naman nakuha lahat ng yun?"
"Sa utak ko na mas gumagana kesa yung sayo."
"Kung naga-upgrade kami pareho ni Seungwan..bakit hindi rin ikaw?"
"Sino bang may sabi na hindi ako naga-upgrade?"
"Looks like you aren't."
"That's what you think."
"Wala ka namang jowa to be a better version of yourself for..kasi ayokong mag-volunteer dahil putangina mo."
Pinatay ni Jisoo ang sigarilyo. Tumayo. "As usual..ihahatid nanaman kita pauwi. Mag-usap kayo parang awa naman. Pag naulit pa yung ganitong ganap eh papagastusin na kita ng gasolina ko orayt? Tara na, pakyu ka talaga. Also, wag kang feelingera. Matagal na kitang hindi crush kasi na-realize ko na isa ka lang malaking pahirap sa buhay ko."
------------------------------------------------------------
Nakaupo si Wendy sa kama nila pagpasok ni Rosie sa kwarto. Nagbabasa.
Sandali silang nagkatinginan. Bumuntong-hininga lang si Wendy tapos binaba ang hawak na libro, tinanggal ang salamin tapos tumayo sa harap ni Rosie.
Nilagpasan lang siya para mabuksan ulit ang pintuan na sinara niya sa likuran niya.
"Tara sa bundok. We have to talk, Rothie. Properly."
------------------------------------------------------------
"It's not Friday." Sabi ni Rosie.
"12.01AM Saturday still counts." Sagot ni Wendy.
"No it doesn't."
"Stop avoiding the topic, Rosie. Please." Mahinang request ni Wendy.
Tumingin lang sa langit si Rosie.
"What are you so scared of?" Tanong ni Wendy.
Bumuntong-hininga si Rosie. Suminghot. "Ayokong gawin sayo yung ginawa sakin nung isa." Sagot niya.
Tumawa si Wendy. Tawang nagpipigil ng asar, tawang hindi natuwa sa narinig na sagot. "It's been five years."
"Hmm."
"What makes you think I'll feel wronged pag pinili mo yung sarili mo?"
"Are you for fucking real right now?!"
Umiling si Wendy. "Tangina, Rosie. If you accept that promotion and fly out..bakit kailangang kapalit nun yung maghiwalay tayo?"
"What else..could be the outcome?"
"You're being super pessimistic. We could always just stay together? We can manage the distance and time difference again, like we did before right?"
"Seungwan..we were bestfriends then."
"So? The whole point of us upgrading is because we wanted to be better at being together isn't it?"
"That's the thing..di naman tayo exactly together pag umalis ako."
"Well now you're just being pedantic. Stop blowing holes on my ship."
"I'm not being pedantic. Just realistic."
"Same gist." Humiga si Wendy tapos tumitig sa langit. "What..are you really scared of?" Mahinang tanong.
Tumabi na ng higa si Rosie. Kumurap. "The last time we were that far from each other..things went to shit." Bulong niya.
Tumango si Wendy. "I get it..but..we weren't together then."
"Seungwan..I nearly lost you."
"I didn't let that happen then..nung bestfriend lang tayo sa isa't-isa. What makes you think papayag ako na mangyari yun ngayon eh girlfriend na kita?"
"I can't let us get to the point where all we tell each other is 'wala akong time'..or..the point where we drift apart coz we have nothing in common anymore and nothing to talk about."
"That's not gonna happen."
"How do you know it won't?"
"Kasi pareho tayong di papayag."
"I'm just avoiding that possibility."
"Pareho naman tayong willing maglapag ng effort diba? Unless ayaw mo kaya umiiwas ka."
"Luh?"
Tinaasan lang ng kilay ni Wendy si Rosie.
"Hindi sa ayokong maglapag ng effort.." Sabi ni Rosie. "Ang ayoko..is yung pareho tayong may possibility na mapagod."
"Hmm.."
Tinuro ni Rosie si Wendy. Siya naman ang nagtaas ng kilay. "Don't act like that hmm doesn't mean you've figured out what's in my head already." Utos niya.
Tumawa nalang ulit si Wendy. Huminga ng malalim. "Long distance friendships are a lot easier to manage than long distance relationships huh?" Sabi niya.
"Back then..we weren't obligated to reply right away as soon as a message comes in..wala yung 30 second rule in picking up calls. Quick updates over email are acceptable.."
"Hmm.."
"I..love you..and I love what and where we are right now. Ayokong isabit yung limang taon na tinrabaho natin yun kaya ako tumatanggi sa promotion."
"Ang kaso nga kasi..sayang..and you're going to end up stuck, Rothie. I don't want that for you. I want you to grab every opportunity you can get to be better than what you are."
"Hmmm.."
"Ganto nalang." Umayos ng pwesto si Wendy para nakaharap na siya kay Rosie. Kinalabit. "If I wasn't in the picture..would you say yes to the promotion?" Tanong niya.
"Seungwan.."
"It's Friday, Rosie. Ilapag mo yan."
Umiling si Rosie. "Tsk..I.."
"Hmm?" Prompt ni Wendy.
"I would. Happy now?"
Tumango-tango si Wendy. "Yes. Yes I am. At least I know na you do want it."
"Don't do something stupid like break up with me kasi you think it would make me change my mind about not going. I will punch you. Di ako papayag."
Ngitian lang si Rosie ng kausap. Boop ng ilong niya. "I'm not going to break up with you. I promise. I have another question though."
"What?"
"Who am I?"
"Ha?!"
"Sino ako, Rosie? Come on. Humor me."
"You're..my bestfriend, Seungwan?" Confused na sagot ni Rosie.
Pumitik si Wendy. Sobrang lapit sa mukha ni Rosie kaya nagulat pa siya ng slight.
"Exactly!" Sabi ni Wendy. "I'm Seungwan. Your bestfriend."
"What's that got to do with this?"
"Can't help but think that if I let you hold yourself back because of me..ang lagay eh I'll inadvertently turn into that ex of yours that we all hate."
"Fuck.."
Tamang wiggle ng pointer finger si Wendy kay Rosie. Pang-asar. "Get where I'm coming from now?" Tanong niya.
Asar na pinalo ni Rosie ang hood ng kotse na hinihigaan niya. "Argh!" Sigaw niya. "Why is this so complicated?! Can't we all just accept I won't go?"
"I don't want you to miss that shot and end up resenting me over it." Sabi ni Wendy. "If you go..you'll benefit..and I'll be over the moon being the supportive long distance besgirlfran. We both upgrade."
"Tsk.."
"Just..please think more about the benefits before deciding, Rothie. That's all we want you to do."
Humarap na din si Rosie kay Wendy. Tumingin sa wristwatch. "It's 2AM.." Sabi niya.
Gumaya si Wendy sa pag-check ng oras. Mahinang tumawa tapos tumango. "It is."
"I don't want to fight with you about this anymore, Seungwan."
Nag-offer ng yakap si Wendy na tinanggap naman ni Rosie. "Solution time..We're done thinking of the cons. Puro pros naman after tonight, yes?" Sabi ni Wendy.
Tumango si Rosie. Sumiksik sa yakap ng kausap. Napikit sa naramdamang halik sa noo. "I..love you okay?" Bulong niya.
"I love you too, Rothie. I really do. We'll manage. We always do."