Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

TWENTY-THREE

"Lutuin mo." Sabi ng sumalubong kay Wendy sa front door ng bahay na kinakatukan niya.

"Ha?" Kunot-noo na sagot ni Wendy. Takang nakatitig sa inaabot na isang-libo ni ate Seulgi. 

"Lutuin mo. Yung ganap." Pakiusap ni ate Seulgi.

"Anong ganap?" Tanong ni Wendy.

"Yung pa-games kineme nila mamaya. Lutuin mo."

"Bakit ko naman gagawin yun?"

Lumabas si ate Seulgi ng bahay. Sinara ang pinto tapos sinandalan. Pinilit sa palad ni Wendy ang hawak na pera. "Kasi ayaw ni Irene ng natatalo sa kahit ano?" Sagot nito sa tanong ni Wendy. 

Binalik ni Wendy ang pera. "Ayaw din ni Rosie ng natatalo."

"Malalagot ako kay Irene."

"Malalagot ako kay Rothie."

"Psst!" Tawag ng isang boses sa damuhan sa kaliwa nila ate Seulgi at Wendy. Lumingon sila. 

Si tita Taeyeon. Sumesenyas na lumapit sila na ginawa naman nila.

"Evening po, tita!" Bati pareho nila Wendy at ate Seulgi.

Sabay silang inabutan ng tig-2K ni tita Taeyeon. 

"Lutuin niyo." Utos nito.

"Luh? Parang tanga." Di mapigilang comment ni Wendy.

"Tita, sasakalin ako ng panganay mo." Umiiling na sagot ni ate Seulgi. 

"Rothie's gonna put ghost peppers on my food again." Paliwanag ni Wendy. "Di pa nga ako nakaka-recover from the last time we lost on your game nights tapos papatalo nanaman ako? Wag na oi!"

"Tumatahimik yung nanay nila pag natatalo." Sabi ni tita Taeyeon. 

"Skeri shit." Comment ni ate Seulgi.

"May pinagmanahan naman pala talaga." Comment ni Wendy.

"I know right? Kaya GG na. Lutuin niyo. Sagot ko na yung susunod na date nights niyo sa mga anak ko."

"Yoko nga!" Sabi ni Seulgi. "Mawalang-galang na po, tita..pero..ang lala ng deduction skills ni Hyun..mahuhuli ako!"

"Rothie has this face she makes when she loses na ang sakit sakit sa hart makita..yoko..nope. Sorry po." Sabi ni Wendy. 

Tumawa nalang si tita Taeyeon. "Mygahd. Sige fine. Bahala kayo. Sasakay nalang talaga tayong tatlo mamaya?"

Kibit-balikat ang sagot ng dalawang tinanong. 

"Oks." Nagsimula ng maglakad papunta sa bahay si mommy Taeyeon."May the best chemistry win?" Masayang hamon bago pumasok sa loob ng bahay. 

------------------------------------------------------------

"How're things?" Nakangiting tanong ni tita Tiffany kila Wendy at Rosie.

Kasalukuyan silang nagsasalo-salo ng hapunan sa dining table.

Kibit-balikat ang katabi ni Wendy. "Not much different from how we usually are, Mommy." Sagot sa tanong. 

Tumango si Wendy. "Best upgrade ever." Comment niya. "I can hold Rosie's hand everywhere now..grabi..di padin nauubos yung kilig."

"Talandeh." Natatawang sabi ni Rosie. Pinalo sa balikat si Wendy. "Tru tho. Coz same."

"Perks of dating your bestfriend amirite?" Sabi ni tita Taeyeon. "Walang nawala sa usual."

"Dagdag lang." Sabi ni ate Irene. Sinusubuan ng pasta si Yeri. 

"Best..upgrade..ever." Sabi ni ate Seulgi. Nakatitig sa mag-ina niya.

Nilingon ni Wendy si Rosie. "Best..upgrade..ever." Ulit niya.

------------------------------------------------------------

"Pictionary. Winning team gets a box of special cookies from Doding Hamster bakery." Announcement ni tita Taeyeon habang nagse-set up ng whiteboard sa gitna ng living room kung saan sila nakatambay.

Kinalabog ni ate Irene ang coffee table. Tumalon sa gulat ang lahat. "GG NA!" Sigaw niya. Sinampal si ate Seulgi para mabaling ang attention nito mula sa pagpupunas ng labi ni Yeri.

"Theungwan and I are gonna make you guys EAT. SHIT!" Sakay ni Rosie. Inakbayan si Wendy tapos hinatak palapit. Saktong habol na lang ng hangin si Wendy. Medyo na cut-off yung air supply niya dun eh. Para siyang sinuplex.

"NOT IF TAENGOO AND I CAN HELP IT!" Sigaw ni tita Tiffany. Hinablot si tita Taeyeon tapos minan-handle papunta sa inuupuang loveseat.

Nagtinginan sila Wendy, tita Taeyeon, at ate Seulgi. 

Game na yata talaga. 

------------------------------------------------------------

Nagbunutan sila.

Tokang drawing sila ate Irene, Rosie, at tita Tiffany. 

Ang trabaho lang ng partners nila ay manghula. Madali na. Kakayanin. 

Tinitigan ni Wendy si Rosie na tinaasan lang siya ng kilay tapos nginitian. 

Ngumiti nadin si Wendy. 

"We got this, Theungwan." Sabi ni Rosie. 

"Pa-goodluck kiss ka naman." Request ni Wendy. Pinrisenta ang pisngi. 

Lumapit si Rosie. Hinawakan siya sa jaw tapos hinila para mahalikan siya sa labi. 

Better than expected. Sumabay nalang si Wendy sa saliw ng halik. Hinawakan na sa batok si Rosie tapos marahan na hinatak palapit.

"Eew." Sabi ng katabi nila na si Yeri. 

"Basag trip ka." Reklamo ni Wendy sa bata pagkatapos tumawa at kumalas sa kanya si Rosie. 

Nakangiting nag-peace sign ang bata. 

"Walang palag yang goodluck kiss keme keme niyo! Mananalo padin kami ni Sluggie!" Trashtalk ni ate Irene. 

Humawak sa bridge ng ilong si ate Seulgi. Umiling. "Hyun..they're JUST cookies. Bakit ka ba ganyan?" Tanong niya.

"MAY REKLAMO KA BA?!" Sigaw ni tita Tiffany kay tita Taeyeon na mabilis namang umiiling-iling habang nakataas ang dalawang kamay.

"Wala! Wala! Hala siya?!" Sabi ni tita Taeyeon.

"GAME NA!" Sigaw ni ate Irene. Pinatunog ang bell para sa start ng unang round. "NAPAKABAGAL! ROUND 1 STARTS NOW!" Binaligtad ang hourglass na nakapatong sa coffee table, counting one minute.

"ANG DAYA!" Reklamo ni Rosie. "DI PA KAMI READY!" Nag-stomp.

"Mag-drawing ka na lang. We got this, Rothie!" Encouragement ni Wendy. Mabilis na hinalikan si Rosie tapos mahinang tinulak papunta sa whiteboard. Nagpahabol nadin siya ng kindat. 

Ngumiti si Rosie. Tumango. Bumunot ng word mula sa isang maliit na kahon katabi ng hourglass. 

"Thirty seconds, Theungwan." Sabi niya. Binuksan ang hawak na marker. Nagsimulang mag-drawing. 

Dalawang parallel lines na may ilang linya sa gitna. Clearly a road. Tumingin si Rosie kay Wendy. Dinagdagan ng ilang puno ang paligid ng kalsadang dinodrawing. May isang specific na puno na tatlo lang ang branch. Nangiti si Wendy nang mapansin niya. Tinuloy ni Rosie ang drawing ng kalsada. May fork na. 

Ngumiti lalo si Wendy. Overlook. Isip niya. Naubos ang oras. 

"Answer, Seungwan?" Nakangiting tanong ni Rosie.

"The word is cliff." Sagot ni Wendy. 

"DING DING DING! WRONG ANSWER! STEAL! KALSADA YAN!" Entry ni ate Irene. 

Tumawa si Rosie. Pinakita ang hawak na papel. Cliff nga ang sagot. 

"WHAT THE FUCK?!" Sigaw ni tita Tiffany. "HOW?!"

Tumawa nadin si Wendy. Sinalo ang naka-ambang high five ni Rosie. "Yun oh!" Sigaw niya. 

"POINT THEUNGWAN AND ROTHIE! OYEAH!" Sigaw ni Rosie. Masayang kumandong kay Wendy tapos humalik. 

"Parang gago." Sabi ni ate Irene. Pikon na tumayo tapos kinuha ang marker mula sa nakabelat sa kanya na si Rosie. Pasimple niyang pinakyu bago nagpunta sa harap ng whiteboard. Tinuro si ate Seulgi. "Umayos ka." Utos niya.

Nagtaas ng dalawang kamay si ate Seulgi. "Luh? Umayos ka din! Pantanga ka mag-drawing eh."

Binaligtad ni tita Tiffany ang hourglass. "Daming ebas!" Sigaw niya. "Game na!"

Nagsimulang mag-drawing si ate Irene. Squiggles na pabilog pero hindi kasi medyo vertical. 

Nagsimulang magbato ng hula si ate Seulgi. "Uhhhh..lake? Ano..uhh..ano yan?!"

"TANGA AMPUTA!" Reklamo ni ate Irene. Nag-drawing ng isang oblong tapos dinutdot ng marker ang gitna.

"Polka dots?" Sabi ni ate Seulgi.

Tumawa si Yeri. Walang pumansin. 

Nag-drawing si ate Irene ng isa nanamang bilog. Nilagyan ng mga linya sa paligid. 

"Araw?" Sagot ni ate Seulgi.

"Papatayin na kita." Sabi ni ate Irene.

"Ayusin mo kasi!"

Naubos ang oras. 

"Game na. Final answer!" Sabi ni tita Tiffany. 

"Uhhhh.." Sabi ni ate Seulgi. "Araw?" 

"DING DING DING! WRONG ANSWER!" Sigaw ni Yeri. "It's EGG!" 

Nagtinginan ang lahat sa bata. Tumango si ate Irene. "Anak ko lang ang meron ako." Sabi niya.

"Luh parang tanga!" Reklamo ni ate Seulgi. Tinuro yung mga drawing ni ate Irene. "HOW IS THAT EGG?!"

Dinutdot ulit ni ate Irene ng marker yung whiteboard. "BOPLAKS KA PALA EH! YUNG UNA EH YUNG SUNNY SIDE UP KO NA PINAGTAWANAN MO NUNG ISANG ARAW, TANGA!"

"DISASTER NAMAN KASI YUN HINDI SUNNY SIDE UP!"

"I figured out a way to win this." Bulong ni Rosie kay Wendy. Sa gitna ng sigawan ng mag-asawang ate Seulrene.

"Hmm?" Sagot ni Wendy. Hinigpit ang yakap sa nakakandong padin sa kanya. 

"We work with memories. Parang yung first round. Keep it vague for everyone pero malinaw satin. Para no chance for a steal."

"I like that idea. Game."

"Love you, Theungwan."

"Love you too, Rothie."

------------------------------------------------------------

Last round. 

Madami talaga dapat ang words. Saktong pang-isang oras na laro kung trip nila. Pero di na nila tinuloy hanggang dun. Collective decision nila tita Taeyeon, Wendy, at ate Seulgi.

Nagkakainitan na kasi yung mga S.O nila. 

May threats ng pagtanggal sa family tree galing kay tita Tiffany, nagsabunutan ng slight sila ate Irene at Rosie.

Pasimple nalang nilang tatlo na itinago ang ibang laman ng kahon para hindi mahalata na nabawasan. GG na distraction si Yeri.

Kasalukuyan na tied ang lahat ng pairs at 20 points. Tapos na ang final turn ng tita Taeny, and ates Seulrene. 

Kumindat si Wendy kay Rosie. Toka siyang drawing para sa last turn nilang dalawa. Tie-breaker.

Sinagot siya ng ngiti ni Rosie. May pa-flying kiss pa. "Break na tayo pag di mo inayos gawa mo, Seungwan." Sabi ni Rosie.

"Ako pa ba?" Sagot ni Wendy. "Di ako papayag."

"Mhmm." Binaligtad ni Rosie ang hourglass. "Game na."

Nagsimula si Wendy na mag-drawing. Bahay. 

Ngumiti si Rosie. "First date." Sabi niya.

Tumango si Wendy. Tuloy lang sa pagdadagdag ng details sa drawing niya. Nakangiti na sa sarili.

"Hmmm." Sabi ni Rosie. "It's that greenhouse."

Tumango ulit si Wendy.

"Galing din naman sa pagiging BFF ko si Irene pero bakit di kami ganyan ka in-sync?" Nakasimangot na comment ni ate Seulgi. 

"Wankosayo." Sagot ni ate Irene. "Sa sofa ka matutulog mamaya, patalo si bobo eh."

Tuloy lang sa pag-drawing si Wendy. Separate sa lahat, nag-drawing ng yosi. 

Tumawa si Rosie. "Okay. Gets. Tuloy mo." Sabi niya.

"Kairita." Sabi ni tita Tiffany. "We should probably go on another vacation. Get the feel of being newly mag-jowa again." Dugtong sa nakakatulog na sa upuan na si tita Taeyeon. 

Nag-drawing si Wendy ng waterfall. Sakto sa ubos ng time.

"Sasampalin kita pag tama sagot mo." Banta ni ate Irene kay Rosie na binelatan siya.

"FINE!" Sigaw ni Rosie. "I'll give you guys a chance to steal this one since masyado kayong GG." Mayabang na hamon.

Umupo nalang sa tabi ni Rosie si Wendy. Kinuha ang napabayaang baso ng iced coffee tapos uminom habang nagkikibit-balikat. 

"Ako muna." Sabi ni tita Taeyeon. Nakataas ang kanang kamay. Pinalo kasi siya sa braso ni tita Tiffany tapos binulungan ng hula.

"Go for it, Ma." Sabi ni Rosie. "Doubt you can get it but meh."

"Love the confidence." Sabi ni Wendy kay Rosie. 

"First date."

"Yup."

"The word is plant." Sagot ni tita Taeyeon. "Kasi greenhouse kamo first date niyo eh."

"We also kinda went to a restobar though." Pang-asar na sabi ni Wendy.

Tumawa si tita Taeyeon. "Yun lang." Sabi nito.

Nagtaas ng kamay si ate Seulgi. "Nakwento yan sakin ni Irene. Uhhh..waterfall? May waterfall. Waterfall ang word. Or Jisoo kasi may drawing ng yosi tapos diba smoker yung tropa niyong driver nung araw na yun?"

"Why..would we even put Jisoo as a word for this game?" Tanong ni tita Tiffany. Umiling. "We barely see that kid, dalhin niyo nga sa next game night!" Dugtong na utos kila Wendy at Rosie. "My guess is guitar, by the way. Kasi that's what you two are usually up to."

"Ding ding ding! Wrong answers!" Asar ni Rosie. Tinuro si ate Irene. "Anong lapag mo?"

Nag-isip saglit si ate Irene. "Nakalimutan yatang kinuwento mo sakin first date niyo ni Wendy." Pang-asar yung ngiti. "I know ALL the details."

Hinagod ni Wendy ang likod ni Rosie. Nag-tense kasi ng slight. Di dapat mahalata ng iba nilang mga kasama na medyo na-rattle. Strong ang girlfriend niya na sinagot ang ginawa niya ng ngiti.

"The word is Pasta." Sagot ni ate Irene. "Kasi yun yung kinain niyo."

Bumuntong-hininga si Wendy. Ngumiti kay Rosie. "Anong lapag mo?" Tanong niya.

Ngumiti nadin si Rosie. Umusog palapit kay Wendy tapos hinalikan siya. "The word is Virtual. Kasi our first date..was virtual." Bulong sa labi niya.

Dinukot ni Wendy mula sa bulsa ang papel na naglalaman ng sagot. 

"Bilisan mo na the reveal." Sabi ni ate Seulgi. Nakahawak na sa balikat ng nakatitig sa kahon ng prize na nasa lamesa na si ate Irene. "Two seconds na lang tatalon na tong alaga ko."

"Nakasimangot na si Fany." Sabi ni tita Taeyeon. Tawang iling. "Isang linggo nanaman akong mabibingi sa katahimikan."

Binuksan ni Wendy ang papel. "Share nalang namin ni Rosie yung prize." Sabi niya. 

Nag-whoop si Rosie. Mabilis na hinablot ang kahon ng cookies tapos kinandong. "TOLD Y'ALL IT'S VIRTUAL!!" Pagyayabang niya.

Tumawa nalang si Wendy. Galak na hindi niya kailangang pagdaanan ang small pranks mula kay Rosie kapag natatalo dahil sa kanya.

Perks nga naman talaga of dating the bestfriend.

"PARANG TANGA!" Reklamo ni ate Irene. "MOMMY DI NA TAYO PWEDS MAG PICTIONARY ULIT NAPAKADAYA NUNG DALAWA!"

Tumango-tango si tita Tiffany. "THIS GAME IS RIGGED FOR YOU TWO! I CALL BULLSHIT!"

"SORE-FREAKIN-LOSERS!" Asar ni Rosie.

"ABA'Y SUMASAGOT NA AMPUTSPA!" Sigaw ni tita Tiffany.

"STOP FIGHTING!" Sigaw ni Yeri. 

Nagtinginan ang lahat sa bata. 

"Adults are so weird, I ate the cookies already, you're all fighting over a box." Paliwanag ni Yeri.

"TEKA MUNA!" Sigaw ni ate Seulgi. "ANO DAW? ANO KAMO, YERMS?! DO YOU HAVE ANY IDEA WHAT YOU HAVE DONE?!"

------------------------------------------------------------

Naghuhubad silang dalawa ng sapatos sa foyer ng condo nila Rosie at Jisoo. 

Di pa din tumitigil ang tawa ni Rosie. 

"You've been laughing for hours." Pikon na comment ni Wendy. "Pretty sure that's a record, ingat ka ha. Utot na sunod niyan."

"Sinapak..ka..ni..ate..Irene." Nakahawak sa tiyan na comment ni Rosie.

Naglakad na sila papunta sa kwarto ni Rosie. Sabay na bumulagta sa bed. 

"Sinapak din ni tita Tiffany si ate Seulgi. Bakit di ka tumatawa about that?" Tanong ni Wendy.

Huminga ng malalim si Rosie. "I already did. Right after it happened. Also, ang daebak funny talaga nung sapak sayo ni ate, I don't really know how to stop laughing everytime I think about your face."

"I know how to make you stop." Sabi ni Wendy. "Mabigat man sa loob ko kasi for serious your laugh is the best thing I could hear for forever..kaya kitang patigilin. Kasi ako pinagtatawanan mo and I don't like that."

"Oooooh!" Asar ni Rosie. "Anong trip mo?" Tumatawa padin. "Bestfriend mode. Game."

Ngumiti si Wendy. "Kaltas ng 5% sa family home pantry privilege mo kasi diba binigwasan mo si tita Taeyeon?" Siya naman yung nagsimulang tumawa ng biglang sumimangot si Rosie.

"Like that's gonna fly." Comment ni Rosie. 

Lalong tumawa si Wendy. "Ayieeee tampo na the besfran!" Asar niya.

"Wala naman kasing nagsabi na umawat kayong tatlo." 

"Your family game nights always end with either violence or shouting matches. Pansin mo ba yun?"

Tumango si Rosie. "Masasanay kadin."

"I've been around 20 years and I still get surprised. First time I got clocked though. Perk din ba yun kasi tayo na this time around?"

Tumawa nanaman si Rosie. 

Tumango nalang si Wendy. Keri na. At least sigurado siyang nakangiti ang girlfriend bago matulog. Gaya ng dapat.

------------------------------------------------------------

"Anong baon mo today, maam?" Tanong ng isang estudyante na dumaan sa likod ni Wendy.

Lunchbreak. Nasa cafeteria ang karamihan. Kasama si Wendy dahil yun na ang nakaugalian niya.

Nakuha niya ulit ang dating pwesto sa unang pinagtrabahuhan na high school. Math teacher ulit. Matuturing na same old pero extra fun kasi alam niyang upgraded na ang buong pagkatao niya kumpara nung unang subok.

Ngumiti si Wendy. Maingat na inilabas ang ilang tupperware mula sa lunchbag. 

Sunod-sunod na na umupo ang advisory class niya sa long table. 

Nakagawian na din ni Wendy na pakisamahan ang mga estudyante. Para nadin niyang mga kaibigan ang mga yun kapag wala sa klase kaya di malayo na sinasabayan siyang kumain kapag lunchbreak.

"Ewan." Sabi ni Wendy. "Anyone wanna guess with me?"

"Lunes ngayon." Sabi ng estudyante niyang si Nayeon. 

"Fancy panigurado." Sabi ng katabi nito na si Jeongyeon.

"Daming time nung jowang tagaluto eh." Sabi ni Sana.

"Sana all." Sabi ni Tzuyu. "May jowa."

"Diba bet mo yung kasama minsan ni maam Wendy?" Tanong ni Chaeyoung.

"Ay ekis tayo diyan!" Natatawang sabi ni Dahyun. "Maam! Crush daw ni Chewie yung sumundo sayo nung isang linggo!" Pang-asar na dugtong kaya nasampal ni Tzuyu. 

Tumawa si Wendy. "Di lilipad, Tzuyu. May asawa na yun si ate Seulgi."

"Sugar mommy pa yata ang hanap." Comment ng isa pang student na si Momo kay Tzuyu.

"Hoy issue kayo!" Reklamo ni Tzuyu. Awkward ngiti kay Wendy. "Maam, issue lang yan sila! Wag mo ako ipa-guidance, legit walang bisa accusations nila!" May kasama pang kumpas ng dalawang kamay for emphasis sa word na 'wala'.

Tumawa si Wendy. "Ayos lang yan. Wag nalang kayo maingay, pare-pareho tayong maga-guidance sa pinagsasasabi niyo eh."

"Sorry na, maam!" Sabi ng class president na si Jihyo. Isa-isang binatukan ang mga kaklase. 

"Hula ko eh pasta dish baon ni maam." Sabi ng isa pa niyang student na si Mina.

Binuksan ni Wendy ang unang tupperware sa gitna ng drum roll ng advisory class niya.

Kanin.

Tumawa ang lahat.

"What do you have for my ulam, Rothie Pothie?" Pabulong na tanong ni Wendy sa sarili. 

"ULAM!" Sigaw ni Nayeon. "ISDA!" 

"Parang tanga. Mabaho sa bunganga ang isda!" Sagot ni Jeongyeon. "Di papayag jowa ni maam na mabawasan pogi points niya!"

"BEEF!" Entry ni Dahyun.

"Pork yan. Bet?" Sagot ni Momo.

Binuksan ni Wendy ang isa pang tupperware. 

Seaweed. Tsaka ilang gulay cut into strips.

Tumawa siya ng malala. "Rothie, I swear to god." Sabi niya sa hangin.

"Luh ano ba yun?" Tanong ni Mina.

Naghalungkat si Wendy sa loob ng lunchbox. May note sa ilalim. Nakadikit sa isang forgotten can ng Century Tuna.

"Thought to change up your baon for today, besgirlfran. Di naman pwedeng your students always see you with fancy jowa homecooked lunch all the time. Also tinamad akong magluto. Make your own tuna gimbap. I love you and see you later yeah?" 

"Parang tanga." Sabi ni Wendy. Tumatawa padin. "Sira-ulo ka, Roseanne. Mahal na mahal kita."

------------------------------------------------------------

"Heeeey." Bati ng katabi ni Rosie sa kanya.

Sumimangot siya. 

"What do you want?" Tanong ni Rosie sa kumausap.

"I was wondering..if.."

"No."

Tumawa ang lalaki. "Di mo pa nga alam eh."

"Whatever that is, it's a no."

"Kape lang naman. Have some coffee with me. We can get to know each other since magkaklase naman tayo sa review."

"Wala kang kailangan malaman about me other than kaklase mo ako sa review." Sagot ni Rosie.

Tumango ang lalaki. "Kahit pangalan mo na lang. I sit at the back row eh. Isang buwan na and I still can't hear whenever you mention it."

"Di mo kasi kailangan marinig."

"Weird naman nun eh classmates tayo. Exchange nalang. I'm Loren."

"Good to know. I don't care."

"Sungit naman." Naghawi ng buhok ang lalaki. "Dali na. Coffee..date maybe?"

"Bruh. No."

"You're missing out."

"Your blonde hairtip highlight things look stupid." Sabi ng panibagong boses sa kanan ng dalawang naguusap. "Sure ka na diyan boi?"

Ngumiti si Rosie. Dumating na ang usual na sundo niya. 

"Who said?" Pikon na sagot ni Loren.

"I did." Sagot ng sundo ni Rosie. 

"Sino ka ba? Epal sa usapan eh."

Umakbay ang sundo ni Rosie sa kanya. "Bestfriend nito. Palag ka?" Matapang na sagot.

"Hmm..Fine. Pupwede bang i-date bestfriend mo?" Tanong ni Loren.

"Deh." Sagot ni Rosie. "Kasi ayoko."

"I can make you want it."

"I can punch you in the face." Sagot ng sundo ni Rosie. 

Tumawa si Rosie. Mahinang tinapik ang kamay ng naka-akbay sa kanya. "Relax, Seungwan." Bulong niya.

"I really want to punch." Sagot ni Wendy.

"I'm STILL here." Sabi ni Loren. Nakasimangot na. 

"No one told you to be." Sabay na sabi nila Rosie at Wendy.

"Mangliligaw ako." Announcement ni Loren. "I can play the guitar and shit. Girls think that's hot right?"

"Not if we can also do it." Sabay ulit na sagot nila Rosie at Wendy.

Napatigil si kuya niyo Loren. "Well I can think of something else." Sabi nito.

"Psst. Seungwan." Tawag ni Rosie.

"Hmm?" Sagot ni Wendy.

"Magagalit ka ba pag lumipat ako ng review center?" 

"Tara na at umuwi. Tulungan kita maghanap ng lilipatan."

"NICE."

"You're missing out!" Sigaw ni kuya niyo Loren habang naglalakad palayo sila Wendy at Rosie.

------------------------------------------------------------

"Dafuck was that guy on about?" Tanong ni Wendy kay Rosie.

Nakabiyahe na sila pabalik sa condo nila Jisoo at Rosie. 

Kibit-balikat si Rosie. "Malay ko dun. Ngayon ko lang nakausap yun eh. Everyone in class thinks he's the weird kid. Personally never noticed he was there in the first place." Nagsimula ng magkalikot sa radyo.

Tumawa si Wendy. "Here I am trying to be all jealous jowa tapos you just shot that down without any prompting."

"What's there to be jealous about?"

"Wala lang."

"I'm girlfriends with my bestfriend. Anything else is a downgrade."

"Tru. Di naman tayo pareho bobo."

"I know right?"

Tumahimik sila. Tamang kinig nalang sa jazz na tumutugtog mula sa station na napili ni Rosie. 

"Got a lot of stuff to read through?" Tanong ni Wendy.

"Kaw ba? Papers to grade?"

"A quiz on Trigo earlier. Two classes. About fifty?" Sagot ni Wendy.

"I need to brush up on Legal Ethics. Maybe twenty pages?" Sagot ni Rosie.

"We can go for a quick dinner sa Jabee?"

"Tapos tamang Mini Stop for snacks?"

"Overlook?"

"Overlook."

"I love you."

"I love you too."

------------------------------------------------------------

Tapos na pareho sa trabaho. Tambay nalang ulit pero not really kasi foggy na yung lahat ng bintana ng kotse ni Wendy.

"JESUS, SEUNGWAN!" Sigaw ni Rosie.

"Saglit, my legs are cramping up, why are you sitting on them?!" Sabi ni Wendy. 

"I..fuck..I'm..so..close."

Umayos nalang sa pwesto si Wendy. Tinuloy ang ginagawa. 

Saglit lang. Sabay sila as usual.

Hinalikan ni Wendy sa noo ang nakapatong sa kanya pagkatapos. 

Tumango si Rosie. "Don't think I haven't noticed you being extra rough." Bulong niya.

"Carried away maybe?" Biro ni Wendy.

"I'm all yours, Theungwan."

"I know, Rothie."

"Mhmm. Pass me my underwear."

"So glad I brought Song Two this time." Comment ni Wendy habang inaabot kay Rosie ang hinihingi.

"Right?" Sabi ni Rosie.

Nagsimula na sila parehong magbihis.

"Ang shit ng suspension ni Song One eh." Pabirong dugtong ni Rosie.

Tumawa si Wendy. "Alog kung alog amputspa."

"Takes an hour with all the really shallow thrusting."

"Why are we like this?" Tumatawa padin na tanong ni Wendy. Yumakap nalang sa bihis na at dumagan ulit sa kanya na si Rosie.

"Ewan. Coz we're super comfy with each other maybe?" Mahina at humihikab na sagot ni Rosie.

"Probably. Nap?" 

"Di mo pa ako iuuwi? Nagrereklamo na si Jisoo, namimiss daw ako ni tanga."

Tinitigan ni Wendy si Rosie. Hinipan yung nakapikit na mga mata. "Move in with me." Bulong niya. "Again. Jisoo could get fucked, it's not like umuuwi din naman yun." Dugtong niya.

Tumango si Rosie. "Save gas since galing tayo sa iisang lugar. Less pagod pati..pero.." Pinalo ng mahina sa dibdib si Wendy. "I was gonna ask you the same thing on Saturday, kainis ka inunahan mo ako." Reklamo nito.

"You planned something special didn't you?" Nakangiti na tanong ni Wendy.

Sinagot siya ng tango. "As special as it can get for us I guess." Bulong sa dibdib niya.

"Forget I asked then." Sabi ni Wendy. "I can act surprised when you go for it sa Sabado."

"For realsies?" Masayang tanong ni Rosie.

"Yep. This one's yours, besgirlfran." Tumatango na sagot ni Wendy. "Nice to know you're up for co-habitating with me again though."

"Why wouldn't I be? I love you, Theungwan. Tsaka nasubukan na naman natin yun dati."

"Love you too, Rothie. Tayo na this go-round."

"So?"

"Sabagay."

"The way I see it..we'll be even better than we were last time."

"Damn right we will be."

Nag-apir sila.

------------------------------------------------------------

"Iiyak ako." Sabi ni Jisoo. Nagbabalot ng tape pangsara sa isang box ng mga gamit ni Rosie na may label na 'Knicknacks and shit.'

"Para kang gago." Sagot ni Rosie. Nagtitiklop sa sofa ng mga damit na sinet-aside niya saktong pang huling linggo niya sa condo na tinutuluyan. 

"Parati mo nalang akong iniiwan." Sabi ni Jisoo. Ma-dramang humilata sa ibabaw ng tapos na na kahon.

"Sabog ka ba?!" Comment ni Rosie sa kaibigan. "Sapakin kita diyan eh." 

Tumawa si Jisoo. Bumangon. "Hoy nakaka-proud ka, bitch." Sabi nito. "Makinig ka ha. Minsan lang ako mag-ganito." Bumuntong-hininga. "For srs masaya akong GG na kayo na ng legit na malupet ni Wendy. Pang forever na yan."

"Sabog nga ang gago."

"Yieeeeee iiyak siyaaaaaaa!" Asar ni Jisoo. Nakaturo kay Rosie. Suminghot.

"HOY GAGO KA!" Reklamo ni Rosie.

Umiyak sila pareho. Tamang sugod lang si Jisoo ng yakap. "Mamimiss kita, bitch!"

"Huhu mamimiss din kita, asshole!" Sagot ni Rosie.

"Worst housemate 5ever!" Sabay nilang sigaw.

Umiling nalang ang nakatagpo sa lagay nila na si Wendy. "Sabog yata pareho amputspa." Bulong niya habang ibinababa ang dalang hapunan nilang tatlo sa dining table.

"Hoy, Wendy halika dito!" Tawag ni Jisoo. "Group hug dali!"

Natatawang umiling si Wendy. "Yoko nga." Sagot niya.

Masayang lumapit sa kanya si Rosie. Malawak ang ngiti na hinawakan ang kamay niya sabay hila.

Nagpakaladkad siya. 

Group hug. Hapunan. Tapos naubos ang gabi sa trashtalkan nilang tatlo kakalaro ng Playstation. 

------------------------------------------------------------

Naglugay ng buhok si Rosie. 

Bumangon si Wendy. Nanuod. 

Tahimik na naghubad ng tshirt ang pinapanuod niya. Sinunod ang shorts. Sinunod ang bra tapos tahimik na dumapa sa kama. 

Automatic na ang tapik ni Wendy sa likod. Automatic nadin ang labas ng appreciative hum mula sa tinatapik niya.

"Can't wait for next week." Sabi ni Rosie.

"Hmm?" Sabi ni Wendy. "What's next week?"

"Get to have endless sleepovers with you again."

"Gonna be fun."

"Yup."

"Been six months. Still good?"

"Never better, love."

"Nice. I hope the novelty never wears off."

"It won't. Never did. Kahit nung bestfriends lang label natin."

"I know..love that for us."

"Right?" Umayos ng higa si Rosie. Kinuha ang kumot tapos binalot sa sarili. Sumiksik sa naghihintay na yakap ni Wendy. "Thanks for staying the night, by the way. Anong gusto mong ulam bukas?"

"Ikaw ba?"

"Magluluto ka?"

"Gotta show that classmate of yours na may tagaluto ka na tsaka taga-harana. I'mma show up to your review with a guitar, watch me."

"Parang tanga. Bahala ka."

"Thanks for the support."

"You're welcome, besgirlfran." Humikab si Rosie. "Trip ko chicken bukas."

"Oks. Cream or some shit..ewan. I'll decide when I wake up."

"We should alternate."

"Luto?"

"And sundo."

"Pwede naman."

"Para fair."

"My students were asking about you. Nakita kasi nila wallpaper ng laptop ko."

Natawa sila pareho. Yung wallpaper in question kasi ay isang selfie ni Rosie. Sa bundok. Dabest sa lighting, nangingibabaw ang ganda ng nag-selfie, kinakalaban ang sinag ng araw. Pero makikita sa background na nakadapa sa lupa si Wendy. 

Pareho nilang naalala ang hike na yun. Pangalawang monthsary nila. Isang oras pataas, dalawang oras na pinahinga ni Wendy, tatlong oras na masahe ng bumigay na legs niya galing kay Rosie pagkauwi nila.

"Ansabe mo?" Tanong ni Rosie.

"Told em you're my bestfriend..the love of my life." Sagot ni Wendy. May kasamang kindat.

"Yieeeeeee! Ang cheesy!"

"Only for you."

Umiling nalang si Rosie. Inangat ang isang side ng kumot para maisali sa balot si Wendy tapos dumagan. "Matulog nalang tayo, dami mong alam."

Yumakap si Wendy. Tuloy lang sa tapik. "Kilig ka lang eh."

"I know..reflex na at this point. You pavlov-ed me with your cheesy shit."

"Achievement unlocked."

"Mhmm. Love you, Theungwan."

"Love you too, Rothie. Goodnight."

Forward
Sign in to leave a review.