Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

SIXTEEN

"Give me one good reason why I shouldn't punch you right now." Bungad ni Wendy sa dumating sa table na inuupuan niya. 

Tumango lang sa kanya si Suzy. Umupo sa seat sa harap niya. "You're not the type." Sagot nito.

"I can make exceptions."

"You won't."

"Tell me what happened then."

"Why not ask Rosie?"

"I will when I'm done with you."

Tumango ulit si Suzy. Bumuntong-hininga. "I got promoted."

"Congrats. I heard. Why'd you make my bestfriend cry?"

"Mauubusan ako ng oras sa kanya. I had to let go."

"She's not a loose end."

"I know she's not. Pero di na kami pareho masaya."

"Pareho kayo or ikaw lang? She wouldn't cry if she wanted it to happen."

"Nobody wants a breakup to happen to them."

"Point. Still though. You're perfectly okay..and Rosie..is in pieces. Tells me ikaw lang may gusto makipaghiwalay. Anong legit reason mo?"

Matagal na tahimik. Uminom lang si Wendy ng kape habang naghihintay. 

Nagkibit-balikat si Suzy. "I have to go up and she was holding me back." Sabi nito.

"Final answer?"

"Final answer."

Kumurap si Wendy. Binaba ang hawak na coffee cup. Tumango. "Did you tell her that?"

"I did."

"Okay. Salamat sa pagsasabi sakin."

"I know I promised you when I first talked to you about Rosie that I..won't hurt her..pero some things are inevitable."

Tumango ulit si Wendy. "I suppose." Sabi niya. Tumayo na. "I'm off. Only home for a week..lots of things to do."

"I'm sorry Rosie got hurt..but..I'm not sorry for my reasons on why."

"Fat lot of good that sorry does." 

------------------------------------------------------------

"Lam mo ba? Na it takes 21 days to form a habit?" Tanong ng nagmamaneho na si Jisoo sa nakaupo sa passenger seat na si Rosie.

"Hmm." Sagot ni Rosie.

"Gagamitin natin yung idea na yun to break all the habits you formed around Suzy."

"Hmm."

"Uso magsalita."

"Can't distract you from driving." 

"Di ako yung ex mo."

"Hmm."

"Right. Okay.." Binuksan ni Jisoo ang radyo. "Eto nalang. Para di nakakabingi yung tahimik sa kotse ko." Sabi niya.

Pinatay ni Rosie. "Loud." Tanging paliwanag bago tumingin ulit sa labas.

"This is gonna be harder than I thought." Bulong ni Jisoo.

------------------------------------------------------------

"Kamusta?" Tanong ni Wendy sa kausap sa telepono.

"Tsong..swerte na more than two words.." Balita ni Jisoo.

"Tsk..I should have punched your cousin when I could."

"Actually."

"Gotta get the old Rosie back."

"Di kaya ng isang linggo."

"Alam ko."

"Anong plano mo?"

"Just gotta get her to talk. Na-drop off mo na ba?"

"Yeh mahn. Ganda talaga ng ate nito ni Roseanne noh? Mygahd..Sana all pinagpala tulad ng asawa niya."

"Kala ko ba ayaw mo mag-jowa?"

"Wala kasing aabot sa standards ko tbh."

"Ano ba standards mo?"

"Si Roseanne tsaka yung ate niya."

Binabaan ni Wendy ng telepono si Jisoo.

------------------------------------------------------------

"Legit?" Tanong ni ate Irene kay Rosie.

"Yep."

"Huh." Sabi ni ate Seulgi.

"It's okay tita Rosie. I don't like ate Suji anyway." Sabi ng nakaupo sa high chair na si Yeri.

Natawa sila ate Seulrene. "Think of it this way, Rothie." Sabi ni ate Irene. Hinawakan ang kamay niya. "Di para sayo..kasi..nawawala ka sa kanya eh."

"Don't really know what that means." Sagot ni Rosie.

"It means..nawawala ka..like..ewan..basta parang di ikaw." Sabi ni ate Seulgi. "Ang labas kasi eh inadjust mo lang personality mo sa trip niya eh."

"Di ba dapat ganun yun?"

"Not really..not to that extent at least." Sabi ni ate Irene.

"The right one will also be willing to give way kapag kailangan." Tumatango na comment ni ate Seulgi. Nakatitig kay ate Irene.

"Hmm. Saan ang lakad niyo?"

Ngumiti si ate Irene. "Pupunta kami ng EK." 

"Kasi wala lang. Gusto lang namin mag theme park ng hindi kasama si Yerim." Dugtong ni ate Seulgi.

"Hope you have fun then."

"Oh we will." Sabi ni ate Irene. 

"Diretso SOGO pagkatapos kaya all day sched mo ng babysitting. Salamat ha!" Sabi ni ate Seulgi.

"Eew." Busangot na comment ni Rosie.

"Makakahanap ka din ng willing na i-randomly SOGO ka kasi wala lang." 

Pinalo ni ate Irene sa balikat si ate Seulgi. "Pakabastos!" Reklamo niya. Tumingin kay Rosie. "Point though..andyan lang yun, Pathta. Sa paligid-ligid."

"Sure."

"Iwan ka na namin kay Yerms ha!" Paalam ni ate Seulgi. Tumayo na. 

"May kasama kang volunteer babysitter." Nakangiting dagdag ni ate Irene. "Train mo na lang."

Kumunot ang noo ni Rosie. "Luh?"

"Mabilis naman yun matuto. Legit." Sabi ni ate Seulgi.

Nag-ring ang doorbell. "Andyan na yata." Sabi ni ate Irene. "Papuntahin nalang namin dito sa kusina para di ka na tatayo. Sige na, Pasta. I'll talk to you later."

Umalis nadin ang dalawang ate. Tahimik lang na pinanuod ni Rosie ang kumakain na si Yeri. 

Maya-maya lang ay biglang ngumiti ang bata. Kumaway sa isang tao na nasa likod ni Rosie.

"Ate Wandy!!!" Sigaw ni Yeri.

Mabilis na lumingon si Rosie. 

"Yo." Bati ng nakangiti sa likod niya na si Wendy.

------------------------------------------------------------

"Shhh, Rosie..why are you even crying? Isipin ko pa na ayaw mo makita BFF mo." Biro ni Wendy. 

Wala sa oras na naibaba para patulugin si Yeri. Saks na para lang mailipat niya ang atensyon sa umiiyak niyang bestfriend. 

Nakahiga sila sa sofa. Usual pwesto. Tamang patong lang at mahigpit na yakap si Rosie sa kanya. Basa na ang t-shirt niya sa luha pero ayos lang din.

"Bakit..ka..umuwi?" Tanong ni Rosie sa gitna ng paghikbi.

"Got lots of things to do here." Sagot ni Wendy.

"Exams mo."

"Asked for a week. Good enough student to be able to swing it."

"I'm sorry, Seungwan."

"Para saan?"

"Umuwi ka."

"Di lang ikaw ang reason noh! Malay mo may jowa ako dito na kailangan din puntahan?"

Bumangon si Rosie. "Di nga?" Tanong sa kanya.

Tumawa si Wendy. "Joke lang." Sabi niya. "Keri na yun nukaba. Bestfriend duties."

"Di required. Istorbo pa ako sa buhay mo sa Canada. Not right."

"Are you gonna send me back?"

Dumagan ulit si Rosie kay Wendy. Matagal na tahimik bago umiling. "No."

"Good. Kasi dito lang ako..until ayos ka na ulit."

------------------------------------------------------------

"Ayokong magalit ka kay Suzy." Sabi ni Rosie.

"Pinaiyak ka niya." Sagot ni Wendy.

"Kahit na."

"Spoiled ka sa lahat tapos gaganunin ka lang?"

"It doesn't matter..she treated me as well as she could."

"She molded you into this!"

"I have to grow up anyway."

"Sure..pero..di yung ganyan. That's your personality, Rosie. Pwede ka naman maging grown up but still you."

"I am still me."

"What else? Tell me everything I missed while I was away. Yung mga wala sa emails mo."

"Wala na."

"Magkwento ka."

"Yun na yun."

"Rothie naman..ano pang ginawa sayo?"

"Theungwan.."

"Tsk.."

"Fine..I..ako in charge sa bahay while she's away alright? Like..laba, luto, ganun..which is perfectly alright! I learned a lot of cool skillsets! Like..I know how to do proper laundry, ate Irene style now! Also, I can make a mean salmon fillet."

"Legit ba?"

"Yeh mahn. I'm a better cook than you are now..I think.."

"I have to see this to believe it."

Bumangon si Rosie. "GG let's raid ate Seulrene's fridge?" Tanong kay Wendy.

"Game." Sagot ni Wendy. Nakangiti. Masaya na andun na ulit ang glimpse ng bestfriend niya bago ang lahat ng ganap na iniyakan.

Sumimangot si Rosie. Umupo sa edge ng sofa. "Wag na pala shet." Sabi nito.

"Luh?"

"Baka magalit sila ate."

"Parati naman natin pinapagtripan kusina nila pag nandito tayo."

"Yeah that was kind of a dick move on our end."

"Since when? Sila na nga nagsabing pagkain lang maibabayad nila sa pagbe-babysit natin kay Yerms diba?"

"Kahit na."

Bumuntong-hininga si Wendy. "Ano nanaman yan, anak ng patola naman."

Kibit-balikat si Rosie. "Pinag-awayan namin ni Suzy yan dati.."

"Dafuck."

"Mhmm..something about how ayaw niya isipin ng iba lalo na nila ate Seulrene na di daw niya ako pinapakain. So ayun..di na ako pinayagan mag babysit."

"For fuck's sake."

"I suppose it's a pride thing. Gets. Shempre wala namang jowa na gusto yung ang tingin sa kanila nung family ng girlfriend niya eh di niya kaya mag provide diba?"

"I have zero words." Sabi ni Wendy.

Ngumiti si Rosie. "That was four words though."

"Nice." 

"Ayos na yun, Seungwan..legit." Sabi ni Rosie. "Ayokong may magagalit sa kahit kanino.."

"Nakakainis kasi, Rothie..it sounded like you just adjusted your entire orbit around what she wanted. Sabi pati ni Jisoo you don't even turn on the radio sa kotse..or talk..trademark mo kaya yun!"

"Kaka-distract kaya sa driver." 

Umiling si Wendy. "If the driver gets distracted by you singing along sa radio or talking..it just means they weren't a good driver in the first place."

"Di rin."

"My opinion."

"Sure, Seungwan.."

Huminga ng malalim si Wendy. Tinapik sa balikat si Rosie. "Tara na pota. Break na kayo ni Suzy. Fuck what she thinks, pikon ako sa kanya kaya maghahasik tayo ng lagim sa kusina ng ate Seulrene."

------------------------------------------------------------

Corned beef na hinalo sa pasta.

Nakaupo sila sa harap ng TV sa living room. Naglalaro sa tabi nila si Yeri at paminsan na nakikikain. 

Nilunok ni Rosie ang kinakain. "Seungwan?" Tawag niya.

"Hmm?" Sagot ni Wendy. Tumingin. 

"Suzy.."

"Oh?"

"Treated me well..and I loved her. I REALLY did. Please believe me."

"She treated you so well..kamuntik ka na niyang ipareho sa kanya. You REALLY loved her..enough to let it happen."

"Maayos naman intentions niya."

"Mali yung execution."

"Hmm."

"I get that whatever process or habits she has..works for her. Pero di naman pare-pareho yung tao."

"Still."

"Rosie..sana maintindihan mo din..na hindi naman galit yung mga tao sa intentions ni Suzy. Legit. Maayos naman talaga siya eh. Pikon lang ang lahat kasi nga ganun..pinatay niya spark mo. Naubos ka just trying to keep her happy. Not cool. Buti sana kung pinanindigan ka eh. Pinaiyak ka din naman in the end. Dafuck was that? Gawaing pantanga."

Tumango si Rosie. "Ganito nalang..any chance you'd agree to not hold any grudges?"

"Di siya worth it."

"Thank you, Seungwan."

"You're too nice."

"I'm not. Ayoko lang na bitbitin pa ng matagal."

Balik sila sa pagkain.

"I'm only here for a week." Bulong ni Wendy.

"Back to Canada?"

"Have to."

"Okay."

Hinawakan ni Wendy ang kamay ni Rosie. "Four more days."

"Yep."

"Anong trip mo?"

"Baka may errands ka pang iba ha..unahin mo na. Dalawin mo nadin sila tita."

"All done. No problem..I'm all yours."

"Four days huh?"

"Four days..tapos kahit forever pa. Bestfriend amirite?"

Ngumiti na si Rosie. Malawak. "Yep. Bestfran." Sabi niya.

"Sama ako?" Tanong ni Yeri na lumapit at tinapik ang tuhod nila Rosie at Wendy.

"Di ka kasama nyenye!" Asar ni Wendy sa bata na pumalahaw ng iyak.

Binatukan siya ni Rosie. "Ayan ka nanaman eh! Pakahirap pa naman patahanin niyan!" Reklamo niya.

------------------------------------------------------------

FOUR OF FOUR

"Good morning, Rothie!" 

Mahinang pinalis ni Rosie palayo ang tumalon sa kama niya na si Wendy. Pikon.

"Gising na hoy!" Sigaw ni Wendy. "Got lots to do!"

"Leave me alone, Seungwan." Sagot ni Rosie. "Masyado pang maaga."

Humiga si Wendy sa tabi niya. "Daya naman. Madami ngang trip! Gotta start early!"

"This is the first time I can wake up later than 10AM in two years." Bulong ni Rosie.

"Eh?"

"Suzy used to call around 9AM to check if I'm up. Said mark of a decent adult is good sleeping habits. No phones in bed after 9PM, bedtime is 10PM pag magkasama kami. Otherwise..I tend to sleep alone around 11. Nagalit when I waited for her to get home one time..something about rules and if you bend them..dadami instances until the rule ends up being pointless."

"Motherfu--"

"Ayos na yun. Just let me sleep, Seungwan."

Tinapik nalang ni Wendy sa likod ang nakadapang si Rosie. There's this one spot. Sa gitna. Off button ng bestfriend niya. Tap it enough times, guaranteed sleep. 

Tinitigan niya habang natutulog. May bakas ng luha ang unan. Mukhang inumaga sa pag-iyak. Bumuntong-hininga siya. 

Inangat ang isang arm ni Rosie tapos dahan-dahan na pumailalim. Naramdaman na tumango si Rosie tapos sumiksik sa yakap niya. 

Natulog nalang din si Wendy. 

------------------------------------------------------------

THREE OF FOUR

"Charaaaaaaan!" May jazz hands na bungad ni Wendy sa sinundo niyang si Rosie. 

"Wow new car." Comment ni Rosie. 

"Yasssssssss. Regalo nila Moms." Kwento ni Wendy. Pinagbuksan ng pinto si Rosie. "I have proudly christened as Song Two." Announcement nang makaupo na sa driver's seat.

"Song..Two.." Sabi ni Rosie.

"Yep! Nakaparada si Song One sa bahay nila Mommy. Trip ko i-break in tong si Song Two kasama ka so roadtrip!"

"Of course you kept Song One."

"Clunky car served me well." Sagot ni Wendy. Nagsimula nang magmaneho. "Sentimental value pati. Most of our coolest memories are with that piece of shit Nissan Sentra. Kahit yung mga pang-ewan na momol with Joy."

Tiningnan ni Rosie si Wendy.

"Can let go of the car..but can't let go of the memories." Dugtong ni Wendy. Di nakatingin sa nakangiti sa kanya na si Rosie. 

"Pick a direction, Rothie." Prompt ni Wendy nang makalabas sila sa village.

"Surprise me, Theungwan." Sagot ni Rosie.

------------------------------------------------------------

TWO OF FOUR

"Your hands." Comment ni Wendy. 

"Hmm?" Tanong ni Rosie. 

Nasa overlook sila. Di pareho sinasabi sa isa't-isa na namiss nila ang ganung bestfriend tambay. Gets na din kasi. Di na kailangan ng salita.

"Your hands..feel different." Sabi ni Wendy.

"Still the same hands, Seungwan." Sagot ni Rosie. 

Binitawan ni Wendy ang hawak sa kamay ni Rosie. Binaligtad para maiharap ang palad tapos kinapa. Pati yung mga daliri ay inikot-ikot tapos tinitigan. Umiling. "No."

"Labo mo." Binawi ni Rosie ang kamay niya. Pinatong sa hood ng kotse na inuupuan. 

"If I bring out your guitar from the trunk and gave it to you..will you still be able to play it?" Tanong ni Wendy. 

Natawa si Rosie. "Walang lumiligtas sayo noh?" Sabi niya.

"Since when?"

"The last time was the day before you left for Canada."

"Why?"

"Not for lack of trying..but..something about noise and how it's gonna bother her pag may tinatrabaho siya."

Tumango si Wendy. Bumaba mula sa hood. "Too bad you're gonna have to learn how to make music again." Sabi nito. "Sorry in advance for the kalyo."

Kibit-balikat si Rosie. "Muscle memory..tsaka..I missed the sound of an acoustic anyway."

------------------------------------------------------------

Naubos ang oras na inaaral lang nila ulit pareho ang tugtugan na madalas nilang trip kapag magkasama sa spot nila sa bundok.

Parang walang nabago. Parang hindi sila nagkahiwalay ng isang taon. Parang dalawang mag bestfriend na nagsayang lang ulit ng oras kakatawa sa paborito nilang lugar kasama ang paborito nilang katawanan.

------------------------------------------------------------

ONE OF FOUR

"Last." Sabi ni Rosie sa nakaabang sa harap ng bahay nila at kumakaway sa parents niya sa loob na si Wendy.

"Last." Sagot ni Wendy.

"Anong plano mo?"

"Wala."

"Wing it?"

Kibit-balikat. "Wing it."

------------------------------------------------------------

Tahimik silang bumibiyahe. Pa North. Walang destination gaya ng nakagawian pag magkasama. 

"Suzy called." Balita ni Rosie.

"Ansabe?" Sagot ni Wendy.

Napansin ni Rosie na bumalis ng slight ang takbo ng kotse. Di na siya nag-comment. "Asked if we could talk."

"Hmm."

"Said she just wants to apologize for breaking up the way she did."

"Hmm."

"I told her she was a bit mean about it..pero..okay na."

"Hmm."

"Di na kailangan. I imagine we'd still be broken up anyway after that talk."

"Paano kung hindi lang apology ang trip? Babalikan mo?"

"Steady yun eh. Kahit ganun."

"Hmm."

"Ate Irene yelled at me when she asked the same question and heard the same answer."

"I assume it has something to do with how it looks like you're willing to settle."

"Malay mo naman kasi forever na diba? Felt like it."

"When it was good you mean."

"Even when it wasn't..Suzy..is a square I managed to learn how to be stable with sticking to. Square. Stays in one spot, di pagulong-gulong..di kumikilos..predictable."

"Except bilog ka. Won't fit kahit anong subok mo."

"Hmm."

"Lam mo ba kung bakit bilog yung manholes?" Tanong ni Wendy.

"Bakit?"

"Pag hindi kasi bilog eh dapat ikutin pa the exact way para kumasya. Corners and stuff. Pag bilog.. di mahuhulog sa butas..di mawawala."

"What's that got to do with it?"

"Wala lang. Square kamo si Suzy eh. Bilog ka. Di match."

"Galing ng reach."

"You get what I mean."

"I don't."

"Remember what I said before I left?"

"Said a lot of things."

"Point..but..I said you should be happy."

"Hmm."

"We're you?"

"I was. With the little things."

"Small victories?"

"Yep. Like how Suzy gets occasionally swayed for some ice cream after dinner. Or kapag game siya mag-try na kumain sa ibang restaurant whenever I find one..may reklamo..pero game padin. How she sometimes plays rock-paper-scissors with me to decide if she would let me pay for the week's groceries..ganun."

"One word."

"Ano?"

"Putangina."

"Lam mo ang gago mo!" Reklamo ni Rosie. "Di naman lahat ng relationship perfect."

"True..pero..iba naman kasi yung sa inyo, Rosie..Were you happy about the big things?"

"I have to be. Worth naman."

"Basahin mo yung sign na paparating. Nasaan na tayo?" Request ni Wendy. Nag-menor tapos switch lanes sa shoulder para makalapit.

Nag-squint si Rosie. Lumagpas sila sa sign. "Pampanga. 5 miles."

Tumango si Wendy. "Pangasinan yun. 2 miles. Where are your glasses?" 

"Iniwan ko sa bahay."

"Sa tatlong araw na kasama kita..hindi ko nakitang sinuot mo. You've been squinting at everything, it was cute the first two days and then it just somehow got sad. Bakit mo iniwan sa bahay?"

"Suzy said they make me look like a nerd."

"You ARE a nerd."

"Meh."

Binuksan ni Wendy ang glove box. Tamang turo sa isang glasses case na nasa loob. "Not sure if they still fit pero pwede na until you can put on your usual pair. Big things, Rosie. Para makita mo na what I mean."

------------------------------------------------------------

ZERO OF FOUR

"Buti naman pumayag ka na ng hatid sa airport this time." Sabi ni Rosie kay Wendy. 

Nakatayo sila sa parking ng NAIA. Tamang sukbit lang sa balikat ng dalang backpack si Wendy. Pabalik na sa Canada.

"Walang maguuwi kay Song Two." Sagot ni Wendy. "Ibangga mo para masaya. Shit ka pa naman magmaneho."

"Grabe siya sakin."

"Did you somehow get better while I was away? PLEASE tell me nabadtrip sayo one time yung ex mo tapos had you take proper driving lessons."

"Tangina mo."

"I'll take that as a no."

"Just the driving lessons part.."

"Nakanangputa."

"Said I was a menace and should never attempt driving."

"Well whatever. GG na. Pag-praktisan mo nalang si Song Two while I'm away, sayo na muna yan. Nang magamit."

"Bakit di si Song One?"

"Baby ko yun eh. Masakit sa hart pag na-damage ni 'I am SPEED, but shit at cornering'."

"Nice."

Nagsimula na silang maglakad papunta sa departure area. 

Bumuntong-hininga si Wendy. Tahimik na kinuha ang isang kamay ni Rosie para hawakan. 

"Ubos nanaman ang oras." Biro ni Rosie pagdating nila sa destination. 

Kibit-balikat si Wendy. "Hindi rin.."

"Same idea."

"Isang taon nalang."

"Mhmm."

"Master of Math na ako paguwi ko."

"Lawyer nako."

"Professional BFFs oyeah!"

Nag-apir sila. Saglit na nagtinginan bago yumakap ng mahigpit si Rosie kay Wendy tapos umiyak.

"Luh?" Sabi ni Wendy.

"Thanks for coming home, Seungwan."

"Don't worry about it."

"Babawi ako."

"Sana hindi for the same reason..litsi..ayoko nang mabembang ulit ng jowa na katulad nung kay Joy na HOLYSHIT!" Sabi ni Wendy. Biglang nagtago sa likod ni Rosie.

"Eh?" Takang tanong ni Rosie.

"Si Joy."

"Oh?"

Tumuro si Wendy sa general direction sa harap ni Rosie. "Ayun oh!" 

Lumingap si Rosie. Nakita nga si Joy na nakakapit sa isang kuya na nakasimangot.

"Jowa pa yata." Comment ni Rosie.

"Wala akong pake." Sagot ni Wendy. "Papunta dito, itago mo ako."

"Luh?"

"Lam mo naman dramatic yan. Baka umeksena."

"Try niya lang. Moment natin to noh."

Natawa si Wendy. Inikot-ikot lang si Rosie habang dumadaan ang busy sa pakikipagusap sa kuyang kasama na si Joy. Saks na para di siya makita.

Sabay silang huminga ng maluwag nang makalagpas.

"Parang tanga." Sabi ni Rosie.

"Ayos! Crisis averted." Sabi ni Wendy. Bumalik na sa harap ni Rosie tapos ngumiti.

"Sabay parehong eroplano pala kayo ng sasakyan noh? Ayieeeeee! Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig~~"

"Pakyu."

Natawa sila. 

Tinapik ni Wendy ang back pocket kung saan nakasiksik ang passport at ticket niya. 

"Go." Sabi ni Rosie.

"Now that I'm here..parang ayoko." Sabi ni Wendy.

"You kinda have to."

"Yeah I do.." Yumuko si Wendy. Suminghot.

"Wag kang iiyak! Nakakahawa ka eh!"

"This is exactly why I didn't let you come with last time." Reklamo ni Wendy. Pahid ng luha gamit ang panyo mula sa isa pang bulsa.

"Hugs nalang, Seungwan..baka maiwan ka pa ng flight mo." Offer ni Rosie. 

"Will you be alright?" Tanong ni Wendy.

"Keri na. Andyan naman sila ate, tsaka..saks na last year ko na din sa school eh. Tamang ayos ng sarili."

"Sure?"

"Yeah, Seungwan."

"Hmm." Yumakap na si Wendy. 

Ilang minuto din sila na ganun lang. Buti two hours before the flight pa ng magpunta.

Naunang humiwalay si Wendy. Tumango. "Bounce na ako, Rothie. I'll try and skype you when I land. Sumagot ka pag gising ka pa."

"Doubt it. I'm sleeping the moving on stage away." Sagot ni Rosie.

"There's my bestfriend!"

"Sige na, Seungwan! Mag-email ka nalang like you do."

"Oks. See you in a year, besfran!"

"See you!"

Sumaludo si Wendy kay Rosie bago naglakad palayo. 

Tumatawa padin si Rosie na bumalik sa kotse. Nakita na nakapatong sa passenger seat ng auto ang usual na pair ng salamin niya. May kasamang note. 

"Wag nang bulag para I don't have to talk to my scary bald professor anymore. See you in a year, besfran! :D"

------------------------------------------------------------

8 MONTHS LATER

"May kwento ako sayo." Sabay nilang sabi pagkabukas na pagkabukas ng skype call. 

Natawa sila. 

"Ikaw na una." Sabay ulit.

"Rock paper scissors?" Offer ni Wendy. 

Tumango si Rosie. "Game." 

Naglaro sila. Best of three. Panalo si Rosie. 

"Go ahead then." Sabi ni Wendy.

"So I was walking around campus kanina right?" Kwento ni Rosie.

"As you do. Tapos?"

"Guess who I ran into."

"Mama mo."

"Come on, be serious."

Tumawa si Wendy. "Ewan. Kwento mo nalang para ako naman!"

"KJ neto eh."

"So sino nga?"

"Chanyeol."

Kumurap si Wendy. "Okay?"

"Guy was actually studying at the same uni kaso med school naman. Akalain mo yun? Apat na taon na nasa iisang lugar lang kami tas ngayon lang nagkita. Funny shit. We had a good laugh."

"Ngayon lang daw dapat sabi the Universe." Comment ni Wendy. Tumatango habang kumakain ng orange. 

"I know right? Anyway, nag-aya na lumabas so we can catch up. Which means I'm not available on the usual skype timing next Saturday coz I said yes. Namiss ko din kalokohan nun eh."

"Neat! Noted then. Ako naman may kwento."

Nagbukas ng chips si Rosie. Sumubo ng isa tapos sumenyas ng go ahead.

"There's this seatmate of mine on advanced advanced Trigonometry." Kwento ni Wendy.

"Maganda?" Tanong ni Rosie.

"Parang artista na model na ewan."

"Ayos tayo diyan! Tapos?"

"Talked to me kanina and asked me out."

Pumalakpak si Rosie. "Yun oh! Didja say yes?"

"I did."

"NICE ONE!"

"Pero friendly date lang."

Sumimangot si Rosie. "Para namang tanga."

"Kaw ba? Yung lakad mo sa Sabado with Chanyeol? Date date?"

"Nope. Di muna ako gogora ng ganun. Mygahd. Di muna..pero..kung sakali..Chanyeol's not bad." Sagot ni Rosie. "Baka legit na this time." Pabirong dugtong.

"Additional kwento.." Tinitigan ni Wendy ang hawak na kalahati ng kinakain na orange. "I've got someone in mind already.." Bulong niya. 

"Yieeeeeee!! May crush na si Wannieeeeeee!!" Tinapon ni Rosie out of frame ang balat ng naubos na chichirya. Nagsasalita padin. "Swerte naman nung nasa isip mo." Nakangiting bumalik sa view ni Wendy. 

"The luckiest. Ang perfect ko kaya. Lalo para sa kanya."

"Love the confidence." Biro ni Rosie.

"Liligawan ko." May pakindat na declaration ni Wendy. 

"Yun oh! Goodluck, besfran!"

"Thanks, besfran! Gonna be great..it's gonna be GREAT."

Forward
Sign in to leave a review.