
FOURTEEN
Napadpad siya sa bar nila Cardo at Siopao pagkatapos niyang ihatid si Rosie.
Tahimik na umiinom ng Whiskey sa paborito niyang spot.
Kinalabit ni bartender Siopao si bartender Cardo. Nadinig ni Wendy na naguusap pero di niya pinapansin.
"Sinira mo yata yan eh." Sabi ni bartender Siopao.
"Luh?" Sagot ni bartender Cardo. "Ganyan na yan pagdating. Ayaw magsalita. Baka pag nalasing eh dadaldal ulit."
"Hmm."
Balik inom lang si Wendy. Joke's on them, di na siya madaling malasing.
------------------------------------------------------------
"Matagal ang dalawang taon." Sabi ni bartender Cardo. "Trip mo bang inumin na ngayon yung naka-reserve sayo?"
Tumango si Wendy. Isang oras na simula nung dumating siya. Isang oras, tatlong baso ng Whiskey. Hugas na bago siya lumarga.
"Sigurado ka bang di ka uuwi kahit once a year lang?" Tanong ni bartender Siopao.
Kibit-balikat si Wendy. "Para ano?" Tanong niya.
"Madaming pwedeng mangyari."
"Alam ko."
Binaba ni bartender Cardo sa harap niya ang isang bote ng beer. Nagbukas ng sarili, nagbukas para kay bartender Siopao.
"Malay mo naman tumakbo ang Universe para sa trip mo." Sabi ni bartender Cardo.
"I gotta stop thinking like that." Sabi ni Wendy. "Umaasa ako sa abstract eh. Makailang beses na akong nasabihan na baka si Rothie yung para sakin sa Universe nato, blah blah, pero right now..it doesn't look like it. Nakakabadtrip. Pero what to do?" Tinungga ang beer.
"Ngayon ka pa nagpaka-realistic." Sabi ni bartender Siopao.
"Kelan ba dapat? No time like the present."
Biglang kumaway-kaway si bartender Cardo sa isang something sa likod ni Wendy. Nakangiting sumigaw. "Sakto yung paborito naming taste tester!"
May umupo sa tabi ni Wendy. "I'm your only taste tester, Lisa." Sabi nito.
Lumingon si Wendy. Kamuntik nang mahulog sa upuan.
Tumawa si bartender Siopao. "College Wendy, meet Chip. Chip, say hi to College Wendy. Labas ko yung bagong pulutan. Usap muna kayo."
------------------------------------------------------------
"I heard things have been running smoothly since we last saw each other." Biro ni ate Chip. Tumungga ng beer.
Namula si Wendy. Ewan kung bakit. It's like I'm talking to my Rosie but not really. Holyshit.
"Uhhh..yeah?" Sabi nalang niya.
"Weh?"
"Uhhhh.."
"Uminom ka nalang muna."
Sumunod si Wendy. Inubos na niya ang hawak na beer.
"Better?" Tanong ni ate Chip.
"Slight." Sagot ni Wendy.
"Hmm."
Matagal silang di nagsalita ulit. Tuloy lang sa inuman. Bumuntong-hininga si Wendy pagkatapos ng pangatlong bote niya ng beer. Nilingon ang katabi na nagsusulat sa isang papel habang kumakain.
"Alam mo?" Tanong ni Wendy.
Nag-angat ng tingin ang kinausap. "Hmm?"
"Bakit ang hirap? Bakit di sakto yung timing? Bakit kung kelan okay ka na..tsaka naman ako yung hindi? Bakit parang naghahabulan lang tayo? Bakit kailangan kong lumayo para di ako makagulo? Bakit di ko kayang tignan ng normal ang lahat? Bakit..kailangan pa kitang pawalan para magkaroon ng opportunity na makuha ka ulit? Paano kung walang dumating na ganung opportunity? Habang-buhay na lang ba akong titingin mula sa malayo?"
Kumurap-kurap ang kausap ni Wendy. "Ang daming bakit." Sabi nito. "Pero una sa lahat, di ako yung Rosie mo."
Sumenyas si Wendy ng bahala na. Umiling. "Ganun na din yun." Sabi niya.
"Not really. Are you drunk?"
"I might be."
"Goodluck sa flight mo bukas."
"Meh."
"Di masayang sumuka sa airplane toilet. Trust me. I know."
"How..did you even end up barfing in a plane toilet?"
"Jamie brought the fun kind of nausea when I was pregnant with him."
"Ohmygod." Sabi ni Wendy. Inuntog ang sarili sa counter. "This is what my future looks like."
"Ang pessimist mo. Malay mo naman hindi?"
"Part of me doesn't want to leave her..kasi..I never had since we met..ayokong bumitaw. Pero a bigger part..needs me to do it. Di na para samin eh. Just for myself. I have to be selfish paminsan right?"
"Yup. Gotta grow separately."
"Yes! That one. That one..that's the plan. You think it'll work? What I'm doing?"
"Plans like that usually do. Lahat naman ng tao naggo-grow eh. It's going to happen anyway. I assume you're only leaving kasi ayaw mong sumabit siya sa vines mo."
"Exactly." Uminom si Wendy ng beer.
"Admirable. Pretty big deal sacrificing your own happiness for hers."
"Going separately..might help us find happiness na hindi naka-attach sa isa't-isa..mahirap kasi yung ganun eh. You tend to get stuck tapos confused na lang kayo forever."
Ngumiti si ate Chip. "I don't know why everyone says you're a dumber version of Wannie. Same deal lang naman pala eh. Lamang lang ng cooler Ligaya yun."
"Hmmm."
"I wish you well on your Canada thing, College Wendy. I hope you drop by here pag nauwi ka."
"I don't really plan on coming home for the whole two years."
"I've a feeling you'll change your mind when you have to."
"Hopefully for something good."
Lumabas mula sa kusina sila bartender Siopao at bartender Cardo.
"Kamusta kwentuhan?" Tanong ni bartender Siopao.
"Saks na." Sagot ni ate Chip. "Yoong Tapa sisig is still leagues better than yours."
Tumawa si bartender Cardo. "Of course it is. Acceptable naman ba yan?"
"A bit salty..but then again..kung pang-pulutan..may makakapansin pa ba?"
"Just the answer we wanted." Sabi ni bartender Siopao. "I'll tell the chef to lay off the salt. Uwi ka na?"
"Yep. Three kids to feed."
"Dalawa lang anak mo." Sabi ni bartender Cardo. "Unless nagwasakan nanaman kayo ni Soo?"
"Ah nope. I was including Jichu in the count. Gets whiny without me. Clingy amputspa. Adorable but also annoying."
Tumawa ang tatlong pinapanuod ni Wendy. Kumaway ang dalawang bartender kay ate Chip na lumapit lang sa kay Wendy tapos yumakap.
"I hope you grow well, College Wannie. See you." Bulong sa kanya.
------------------------------------------------------------
ONE YEAR LATER
"Wala na sila."
"Oh anong gagawin ko?"
"Umuwi ka na. Now's your chance."
"Kelan pa?"
"Kahapon."
"Hindi ako hayop, Jichu."
Lumabas si Wendy sa front door ng apartment building niya. Tamang talon-talon para panglaban ng malamig na hangin bilang winter tapos nagsimulang maglakad papunta sa paborito niyang coffee shop.
"Ang sakin lang. Naiyak kasi dito si Roseanne sa bahay. Ewan kung bakit. Di naman ako naghihiwa ng sibuyas." Sabi ng kausap ni Wendy na si Jisoo.
"Kaka-break lang sa jowa. Dalawang taon din sila ng pinsan mo. Magka-simpatya ka naman kahit paano." Sagot ni Wendy.
"Lam mo kung ano kailangan nito?"
"Ano?"
"Yakap ng BFF niya."
"Hmmm."
"Umuwi ka."
"Di pwede. Exam week."
"Alam ba niya?"
"I put it on the email I send her every week."
"Wala kang kwenta lamoyun?"
"Hmm."
"Isang taon tsong. Ayos pa dati kasi nasa Pilipinas ka padin eh. Kaso ngayon..literal na malayo ka na. Kailangan ka ng bestfriend mo."
"Hmm."
"Uuwi ka..or aagawin ko to?"
Binuksan ni Wendy ang pinto ng coffee shop. Dumiretso sa dulo ng pila. Feel niya mag Cappucino ngayong umaga. "Anong klaseng threat yan, Jichu? Umayos ka naman."
"Yung tipo ng threat na may laman. Wag ako, Wendy. Di lang ikaw ang may gusto kay Roseanne."
"Di siya prize on some dumb competition."
"Ang honorable mo masyado. Nakakainis. Umuwi ka parang awa. Baka sabihin ng kapitbahay eh ako nagpaiyak dito."
"Hmmm."
May kaluskos sa kabilang linya. Sumisinghot ang nagsalita pero kilalang-kilala ni Wendy kung sino.
"Seungwan?"
May nag tsk na customer na nasa likod ni Wendy. Natigil kasi siya sa mismong tapat ng counter. Ngumiwi siya. Umalis sa pila tapos bumalik sa dulo.
"Seungwan? I know it's exam week and all..I'm sorry..can you call when you're free? Kahit..wag ka na umuwi..just..kausapin mo lang ako."
Pumikit si Wendy. "Give me two hours yeah?"
"Okay..thanks, bestfriend."
"You're welcome, Rothie..I'll..catch you later."
------------------------------------------------------------
Namumugto ang mata ng bumungad sa kanya sa skype call.
Pumintig ang puso ni Wendy. Umangat ang kanang kamay para abutin ang pisngi ng kaharap. Punasan ang luha na hindi dapat nasa mukha.
"Hey." Tipid na bati sa kanya.
"Hello." Sagot niya.
"I'm probably cutting into your review time huh?"
"No, Rothie..you're more important."
"Hmm."
"Talk to me."
Bumuntong-hininga si Rosie. Suminghot. Kumuha ng tissue mula sa labas ng frame. "Suzy broke up with me." Tawang fake. Tawang 'haha okay lang ako..jokes'.
"Did she at least say why?" Tanong ni Wendy. Nagdadasal ng matinong rason.
Kibit-balikat si Rosie. "She's lined up for a promotion at work."
"Okay?"
"Wala. Yun na yun. She said she doesn't want to end up hurting me kasi alam na niyang mauubusan siya ng oras for anything else as soon as she takes the job."
"Legit..ba?"
Ngumiti si Rosie. Pilit. Pero ngumiti. "At least she took that into account. Makes sense. Magiging panget nga naman yung ending kapag time na ang kalaban diba?" Sabi niya.
Kumurap si Wendy. "But.."
"Hurts a lot still. I mean..two years din yun..and I love her. Stings like a bitch not gonna lie..pero what to do?"
"I can try and talk to her? Maybe get her to change her mind. Madaming options kung time lang ang problem..There has to be a way."
"What for, Seungwan? Let it be..if you talk to her and it goes well tapos we get back together..lalabas lang ulit yung issue in the future. She seemed intent to break things off..I know..because I already tried talking her out of it.."
Pinagmasdan ni Wendy ang bestfriend niya. Isang taon din kasi na hindi niya nagawa. Isang taon na email lang tsaka chat ang communication nila bilang oras din ang kalaban. Oras at distansya.
Sina-ulo niya ulit ang lahat ng pwedeng isa-ulo. Tinatak sa utak lahat ng nagbago, ginising ang utak para makita ang hindi.
Kumurap si Rosie. Nahuli ni Wendy. May tick ang bestfriend niya kapag nagsisinungaling. Nauunang kumurap ang kaliwang mata kesa sa kanan.
"There's something else you're not telling me." Sabi niya.
Umiling si Rosie. "That's all there is to it.."
"Rosie.."
"Seungwan.."
"Please talk to me.."
"I already did..and as always..you've proven to be a better conversation than Jisoo who just laughed at Suzy and I and then said something about how love is stupid..or something.."
Dinig sa background ni Rosie si Jisoo na sumigaw. "Talkshit ka, Roseanne! Di naman ako parating tumatawa atsaka stupid naman talaga yang pag-ibig keme na yan!"
Ngumiti ulit si Rosie. Pilit padin. "See? You're a big help, Seungwan."
"No..there's something else..please, Rosie.." Sagot ni Wendy. "I can help you better if you tell me everything..bigay mo na sakin to..I'm too far away to do anything else.."
"I know..malayo ka masyado." Tumawa ng mahina. Umiling ulit. "I told you everything..ayos na ako..just seeing and talking to you is enough. Pramis." Nagpunas ng mukha si Rosie. Tumango. "I'll let you go now..Exams mo. Don't want to cut into your review time, I know how important that is to you. Ingat ka diyan ha? Love you, bestfriend!" Kumaway tapos pinutol ang tawag bago pa makasagot si Wendy.
Sinubukan niyang tawagan ulit. Di na sumagot.
Bumuntong-hininga siya. Sinara ang laptop. Tumayo mula sa kama. Bumuntong-hininga ulit.
"Okay.." Sabi niya. Tumango. "Okay.."
------------------------------------------------------------
"Sir..I'm sorry for this..I really am..but..can I ask for a week? Something came up."
------------------------------------------------------------
"Jisoo."
"Trip mo?"
"Pupwede ka ba sa Sabado?"
"Para saan?"
"Ganto kasi yan.."