Wen you Sé Nothing at All

Red Velvet (K-pop Band) BLACKPINK (Band)
F/F
G
Wen you Sé  Nothing at All
Summary
The childhood bestfriends WenSé AU that nobody asked for.
Note
I'll begin this when BD is complete. Mej matagal pa yun gaiz. Teaser muna to. :D
All Chapters Forward

NINE

"Where are we going this Saturday?" Masayang tanong ni Rosie kay Wendy pagkadating na pagkadating niya sa lamesa nila sa 'karinderya'.

Napangiti si Wendy. "Di ko alam. Saan mo ba trip?" 

"Are you leaving the planning to mwoah?" Sabi ni Rosie. Ma-dramang nakahawak sa dibdib. 

Tumango-tango si Wendy. Nakangiti padin. "Mhmm. Lunes palang excited ka na eh. Use that for something useful, natatamad na akong mag-plan ng ganap."

That's a lie. Di na ako mapapagod ulit basta mapapasaya lang kita.

"I have to plan something really cool." Sabi ni Rosie. "Yung past bff dates natin were all amazing..Can't break the winning streak."

"Kaya mo yan."

"I've a whole week to think of something that would beat the zoo, a whole weekend in Tagaytay, the trampoline place, and last week's Hongkong Disneyland." Nakakunot mukha na comment ni Rosie. 

Uminom ng juice si Wendy. "If this is a legit competition, Disneyland palang talo ka na." Asar niya.

"Para kasing bobo. Hanggang ngayon inaantok padin ako. You asked me to pack for the weekend on Friday night, lumipad tayo ng Saturday..tapos late na kagabi tayo nag-land. Where..was sleep? Who the hell randomly decides to take her bestfriend to Disneyland?"

"You had fun though."

"Duh. The part where you puked after the rollercoaster was the highlight of the whole trip."

"Mhmm."

"I'll figure something out."

"Goodluck."

------------------------------------------------------------

SATURDAY

"Rothie." Bulong ni Wendy. Tahimik na pumasok sa loob ng kwarto ng bestfriend niya. 

Nakasara lahat ng kurtina, madilim ang paligid, halatang tulog ang nasa kama. 

Binuksan ni Wendy ang lamp na nakapatong sa study table sa tabi ng pintuan kahit hindi na kailangan. Memoryado niya ang buong kwarto gawa ng ilang taon na pagtambay niya sa loob kasama ng may-ari. 

"Rothie. Your moms sent me here to wake you up. Alas-singko na. Ng hapon. Bumangon ka na daw. Buhay ka pa ba?" Sabi ni Wendy.

Inalog na niya si Rosie. Galit lang na umungol tapos gumulong. Tulog padin. 

"Huy gumising ka na. Sayang araw. Akala ko ba may lakad tayo?" Lalong nilakasan ni Wendy ang pag-alog. 

"Natatamad ako." Bulong ni Rosie. Half-asleep. 

Tumawa si Wendy. "Yan tayo eh. Dali na bangon na. Tita Tiffany made pasta."

"I..love Pasta..but I love sleep more. Lika dito tabihan mo nalang ako." 

"Hmm."

"Seungwan."

Nagkibit-balikat si Wendy. Hinawi ang kumot na nakabalot kay Rosie para makahiga din siya ng maayos gaya ng request ng bestfriend. 

JESUS I FORGOT SHE SLEEPS IN HER UNDERWEAR.

Natigil si Wendy. Naka-angat ang kanang kamay, hawak padin ang nakataas na kumot. 

"Malamig pusang ewan naman, Seungwan!" Reklamo ni Rosie. "Ano bang trip mo?!"

No choice na si Wendy. Humiga na siya. Dahan-dahan na ibinalot ang kumot sa sarili. 

Tamang titig sa ceiling, binilang ang nakadikit na glow in the dark stars kahit alam naman niya na kung ilan. Sila nagdikit nun nung 10 years old sila.

Gumulong si Rosie. Yumakap kay Wendy tapos dinantay ang legs sa kanya. Hinead-butt ang balikat ni Wendy. "Move." Bulong ni Rosie.

Inangat ni Wendy ang kaliwang arm. Umakbay kay Rosie na sakto nang ginawang unan. 

Nanglalamig si Wendy. Pero para din mainit. Hindi niya alam kung bakit. 

"Stay still. Itutuloy ko tulog ko. Thirty minutes." Bulong ni Rosie. Humikab. Tulog agad.

Naiwan si Wendy na gising. Gulong-gulo. Nagdadasal ng magliligtas. 

Malikot matulog ang bestfriend niya. Malikot hanggang sa punto na gugulong-gulong lang hanggang makahanap ng matinong pwesto na tuwing magkatabi silang nakakatulog ay madalas nasa ibabaw ni Wendy.

Ang init. Send. Help.

Fifteen minutes. Tumunog ang cellphone ni Rosie na nakapatong sa bedside table katabi ng isang bluetooth speaker na korteng isda, at isang pair ng salamin.

Inalog ni Wendy ang natutulog sa ibabaw niya. "Rothie." Bulong niya. "May tumatawag sayo."

"Hmm?"

"May tumatawag sayo."

"Sagutin mo."

"Why?"

"Probs Suzy." 

"You have to move. I can't reach."

"You're too comfy."

"I know, Rothie. But you have to move."

"No." Humigpit ang yakap. "Take me with you."

"What's with you? Clingy mo."

Please stop. I can't.

"Tired from the week. Want to sleep in. Take me with you."

Dahan-dahan na umusog si Wendy. Dala padin ang nasa ibabaw niya, ingat na hindi niya magising lalo. Naiiwan. Niyakap niya ng buo gamit ang dalawang arms. 

Naramdaman niyang tumango si Rosie tapos sumiksik pa lalo sa yakap niya. Ramdam din niya yung buga ng hangin galing sa pinawalan nitong hikab, rekta na sa gitna ng leeg niya. 

Kinilabutan si Wendy. 

Jesus almighty. 

Naabot na niya ang cellphone. Sinagot niya ang tawag. "Hello?"

"Rosie?" Sabi ng nasa kabilang linya. Si Suzy nga.

"Uhh..no..Wendy."

"Oh cool. Is Rosie around?"

"She's sleeping right now."

"Ahh. Pag gising niya can you please tell her to call me back? If she says no just..basta. I need to talk to her."

"I'll pass it on."

"Oks. Salamat, Wendy! I hope you guys are enjoying your bestfriend day!" Binaba nadin ni Suzy ang tawag. 

Tahimik na ibinalik ni Wendy ang cellphone ni Rosie sa bedside table. Pagkatapos niyang titigan ang wallpaper na selfie ng tumawag at ng nasa ibabaw niya.

Maingat siyang umalis mula sa ilalim ni Rosie. Inayos nalang niya ang higa ng bestfriend niya pagkatapos. Nilagyan ng unan sa tabi na pwedeng yakapin. 

Bumuntong-hininga siya habang nakatingin sa tulog na mukha ni Rosie.

Ayoko ng guluhin ka ulit.

------------------------------------------------------------

SUNDAY

"Bigla kang nawala kahapon." Sabi ni Rosie sa telepono.

"Tulog na tulog ka eh. I figured di na tayo tuloy so umuwi nalang ako." Sagot ni Wendy.

"Sana natulog ka na lang din. You usually do that anyway."

"Meh."

"Labas tayo today."

"Where to?"

"Roadtrip. Ewan hanggang saan. As long as may gas yung kotse..tuloy lang."

"That's your plan?"

"Yep."

"Okay. I'll pick you up."

"Love you, Seungwan."

"Love you too, Rothie."

------------------------------------------------------------

"Full tank si Song One. Saan tayo?" Nakangiting sabi ni Wendy kay Rosie na sinundo niya sa harap ng bahay ng mga magulang nito. 

Kita niya mula sa bintana ng living room na kumakaway sa kanya sila Tita Taeyeon at Tita Tiffany. Kinawayan din niya. 

"Pick a direction." Sabi ni Rosie. Seryoso.

"Anong meron sayo?" Ramdam ni Wendy na may iba. 

"Wala naman. Just pick a direction."

"Hmm..North."

"Okay. We go north." Sagot ni Rosie.

Pinagbuksan ni Wendy ng pintuan si Rosie na tahimik lang din na sumakay sa kotse.

What's wrong, Rothie?

------------------------------------------------------------

"Tahimik ka. Something's up with you." Sabi ni Wendy. Nasa NLEX sila. Walang destination. 

"Been thinking." Sabi ni Rosie.

"About what?" 

"Stuff."

"Okay? Ayos ka lang naman kahapon..what happened?"

"Suzy asked if sasagutin ko na siya. We kind of..got into a disagreement kagabi because of it. I couldn't give her a straight answer and I could tell she was sad about it. I feel dumb."

Bumilis ng slight ang kotse. Natapakan kasi ni Wendy ang accelerator. Buti nalang di napansin ng kasama.

"Uhh..okay?" Sabi ni Wendy. "Bakit ka di makasagot? Isn't that a good thing?"

"I'm actually really happy she asked. Kahit..di ako sumagot sa tanong niya."

"You don't sound like you are."

"Naisip ko lang kasi..what if sinagot ko na siya..tapos naging kami.."

"Edi kayo na."

"Fucking DUH, Seungwan. Malamang."

"Di ko kasi gets kung ano pino-problema mo."

"Paano kung sagutin ko siya tapos I end up like you with Joy?"

"Huh?"

"Yun bang..wala ng time sa bestfriend niya kasi may jowa na and all. Ayoko mangyari yun."

"Mas matalino ka naman sakin."

"I know."

"Nice one."

"Pag sinagot ko siya..this would be my first relationship. I don't know how that works."

"Edi learn with her."

"I don't want to disappoint her."

"Bakit siya madi-disappoint sayo? If she really likes you as much as she said she does..she'd be there to help you out sa stuff na di mo alam."

"Hmm."

"Wag mo itapon, Rosie. Sayang. Andun na eh. Take that shot. Malay mo naman sumaya ka ng legit and you don't have to have any other relationship?"

Putangina. Bakit lasang kalawang yung mga salitang yun?

"I suppose."

"Mhmm. If it helps..I can tell Suzy wouldn't give you the sort of shit Joy did to me."

Tumango si Rosie. Unti-unti ng ngumiti. "Thanks for talking me out of dumping her, Seungwan."

Kibit-balikat si Wendy. "Don't worry about it. Ano pang silbi na bestfriend mo ako?"

------------------------------------------------------------

"Halfway mark on Song One's gas tank." Balita ni Wendy sa katabi niya. 

"Nasaan na tayo?" Sagot ni Rosie.

"I have no idea."

"Nice."

"May pasok bukas."

"Let's ditch. Grades can take it. Naka-ahon ka naman na diba?"

"A day won't hurt."

"Cool. Find a place to eat, find a place to sleep, explore?"

"Nawawala tayo. I don't know why you think this beats Disneyland."

"I pulled the idea out of my ass this morning."

"Of course you did. Wala akong dalang damit."

"Same."

"Goddammit."

"Saks na we sleep naked. Not like we haven't seen all that before. Perks of being childhood buddies amirite?"

"That's dangerous territory."

"Pinagnanasahan mo ba ako? Maka dangerous territory ka diyan ha!"

Yes. Fuck. No..Yes?

"Lul. Asa ka." Sagot ni Wendy.

"Di na ako uulit noh."

"Lalo ako."

"Talaga."

"Oo nalang."

------------------------------------------------------------

May tumili mula sa banyo. Napabalikwas ng bangon si Wendy tapos tumakbo papunta sa pintuan. Kumatok. "Hoy! Ayos ka lang ba diyan?" Tanong niya sa nasa loob.

"MAY IPIS!" Sigaw ni Rosie. 

Tumawa si Wendy. "Anong gagawin ko?" 

"PATAYIN MO!"

"Buksan mo yung pinto."

Thirty seconds. Nakarinig si Wendy ng kung ano-anong kumalampag mula sa loob ng banyo bago bumukas ang pintuan. Sumilip sa kanya si Rosie. 

"Nakasabit sa shower curtain." Pabulong na balita ni Rosie.

Pumasok si Wendy sa banyo. Lumingap sa paligid para makahanap ng pwedeng ipamalo. 

"Wag mo gagamitin yung bote ng shampoo, sasakalin kita." Sabi ni Rosie.

"Ang pussy naman nito." Sabi ni Wendy. "Ipis lang eh."

Sinara ni Rosie ang pintuan sa likod ni Wendy. Kumapit sa balikat ng bestfriend niya, yumakap.

"You're wet." Comment ni Wendy.

"Bastos mo." Sagot ni Rosie.

"Gago ka ba?! Baka ikaw yung bastos. Ang ibig sabihin ko eh di ka man lang nagpunas bago ka nagtapis. Nababasa din ako eh."

"Lul. Naaakit ka noh?"

Oo. Hindi pwede. Tumigil ka.

"Sumbong kita kay Suzy." Sabi ni Wendy.

"Tangina mo. Ohsige. Samahan pa kita. Nananahimik ako ditong nagpapa-patay ng ipis sayo, ikaw yung green minded." Banat ni Rosie.

Pinakyu ni Wendy si Rosie. Sinagot siya ng isang masigabong "You wish" at ng sariling middle finger.

Umiling si Wendy. Hinubad ang suot na hotel slippers tapos dahan dahan na lumapit sa shower curtain. Nakayakap padin si Rosie sa kanya. Nagtatago.

Hinawi ni Wendy ang shower curtain. Inalog. Walang lumabas na ipis.

"Luh putangina." Sabi ni Rosie.

"Niloloko mo lang yata ako eh." Sabi ni Wendy.

"Bakit kita lolokohin?" Sagot ni Rosie. "May ipis nga. Legit. Size of my freakin' palm, Seungwan. Scary shit."

"Eh nasaan?"

"Malay ko. Nandyan lang yun last I looked."

"Para namang ewa-"

Nagpakita na yung ipis. Lumipad galing sa gilid ng bathtub na hindi nila naisip tignan pareho. 

Dumapo sa mukha ni Wendy tapos lumipad ulit saks na paikot-ikot sa ilaw ng banyo.

Tumili sila pareho ni Rosie. Kanya-kanya na ng takbo palabas sana. 

Natanggal yung doorknob nang hablutin ni Rosie. 

Lalo silang tumili. 

"THIS IS IT. OHMYGOD THIS IS HOW I WOULD DIE!!" Sigaw ni Rosie. Umiyak na.

"Potanginang ipis to." Reklamo ni Wendy. Inaabot ng palo yung lumilipad na magaling naman palang umiwas.

"AHHHHH! MOMMY!" 

"Rosie, shut up!"

"I DON'T WANNA DIE NAKED IN A DINGY HOTEL BATHROOM WITH MY BESTFRIEND!"

"For fuck's sake." Tumapak na si Wendy sa edge ng bathtub tapos umakyat. Sinubukan niya ulit paluin yung ipis. Direct hit. 

Kaso malambot yung tsinelas ng hotel. Napalis niya lang yung ipis papunta sa bestfriend niya na lalong umiyak nang matamaan ng insekto. 

"Shit. Sorry, Rosie." Sabi ni Wendy.

Gusto kong tumawa.

"F.O NA TAYO, SEUNGWAN PUTANGINA MOOOOO!"

------------------------------------------------------------

Kinse minutos na silang naghahanap ng ipis sa loob ng banyo kung saan sila nakakulong. 

Stressed na umupo sa nakasarang toilet si Rosie. "Gusto ko lang naman maligo ng maayos." Sabi niya.

"Di ko tanggap na natalo ako ng isang hamak na ipis." Comment ni Wendy na nakaupo naman sa ibabaw ng counter.

"Paano tayo lalabas?" Tanong ni Rosie.

"Ewan. Na sayo ba phone mo? Tawagan natin yung hotel."

"I'm naked. May nakikita ka bang cellphone sa counter na inuupuan mo?"

"Tae naman." Sabi ni Wendy.

"Tsk." Tumayo si Rosie. Tinanggal ang tapis. 

"HOY PUTANGINA MO!" Sigaw ni Wendy. Napatitig sa ilaw ng banyo makaiwas lang ng tingin. Di bale nang mabulag sa liwanag.

Mas mabubulag ako pag tumingin ako sa alternative.

"Itutuloy ko nalang ligo ko. Kung dito ako mamamatay eh at least mabango yung bangkay ko." Sabi ni Rosie.

"Parang tanga!" Reklamo ni Wendy. "If we decompose in here bago tayo makita, walang kwenta yung ligo mo."

"Bahala na."

Bumaba si Wendy mula sa pagkakaupo. Humarap sa pintuan ng banyo para di niya makitang naliligo si Rosie. Nagsimula siyang mag-inspect ng pintuan, baka masolusyunan. "Naririnig kong tumutunog phones natin sa labas." Balita niya kay Rosie.

"Tanginaaaaa." Sabi ni Rosie. "Sabi ko tatawagan ko si Suzy after ko maligo. Panigurado that's her calling me coz I missed my window. Damn cockroach."

Bumukas ang shower.

Sinundot ni Wendy ang butas na naiwan ng natanggal na doorknob gamit ang daliri niya. "Tsk. I gotta find whatever pulls this open."

"Goodluck." Sabi ni Rosie. "Pass the shampoo."

Naglakad ng paurong si Wendy papunta sa counter. Kinuha ang bote ng shampoo tapos patalikod din na inabot sa bestfriend niya.

Babalik na sana siya sa harap ng pintuan ng tumili ulit si Rosie. Kumalampag. Tapos may yumakap na ulit sa kanya.

"NAKADIKIT SA BOTE YUNG IPIS HOMAYGAHD!" 

------------------------------------------------------------

Nakahiga na silang dalawa sa single bed ng hotel room nila.

Napatay ang ipis sa loob ng banyo nang ialay ni Rosie ang kaisa-isang bath towel para ipamalo. Nabuksan ang pintuan pagkatapos sipain ni Wendy para makagawa ng butas sa plastic at maabot ang doorknob sa labas.

Naituloy ang ligo ni Rosie, natawagan nadin si Suzy. 

Tamang channel surf nalang silang dalawa sa TV habang nakatambay sa bed.

"Tingin mo may surot yung kama nato?" Tanong ni Rosie kay Wendy.

"Malay ko. I hope the fuck not though." Sagot ni Wendy.

"Tru. Kaso mej makati yung kumot eh."

Tinanggal ni Wendy ang nakabalot sa kanilang dalawa na kumot. "I know. Was waiting for you to say something."

"Malamig naman pag wala. Buset. Why is this the only hotel in the area?"

"Ewan."

"Tsk."

Balik channel surf si Wendy. "May dala ka bang readings?" Tanong niya kay Rosie.

"Wala. Kainis nga eh. Bored na ako."

"Same."

"Inom tayo?"

"Saan tayo bibili ng alak?"

"May 7-11 malapit sa hotel. Five minutes siguro. Nadaanan natin yun eh."

"Sige tara." 

Bumangon sila pareho. Tig-isang pulot at bulsa ng cellphone tapos lumabas na ng kwarto.

------------------------------------------------------------

"Saan mo natutunan yang mix mix ng alak na yan?" Tanong ni Rosie kay Wendy.

Nakasalampak sila sa floor ng hotel room. Nakapatong sa maliit na coffee table ang mga nabili nilang alak. Naghahalo si Wendy ng Whiskey at Pepsi. 

"Everyone knows this, Rothie." Sagot ni Wendy.

"Not you."

"Picked it up from a couple of bartenders I talked to nung naglasing ako after namin mag-break ni Joy."

"Yown."

Natapos ni Wendy ang halo. Inabutan ng isang baso si Rosie. Nag-toast sila tapos ininom ng straight ang alak. 

Naghalo ulit si Wendy. May kumatok. 

"Room service." Sabi ni Rosie. "French fries saks na pulutan." Tumayo tapos kinuha ang in-order. 

Tinanggap ang bigay na baso sa kanya ni Wendy nang makabalik. 

"Kamusta ka?" Tanong ni Rosie kay Wendy. 

"Alam mo naman." Sagot ni Wendy.

"Gotta have something to talk about."

Kibit-balikat si Wendy. "Maayos ako. Pramis. Weird nga na ang bilis kong maka-move on from that whole mess eh. Makes me think na baka di ko talaga minahal yung si Joy and it's just heightened infatuation."

"Probably." Sabi ni Rosie. 

"Kamusta kayo ni Suzy?" Tanong ni Wendy. "Apart from the whole thing you mentioned earlier, I mean."

Si Rosie naman ang nagkibit-balikat. "Maayos naman. Super. No red flags so far. Which is strange..you think it's coz nangliligaw siya and she has to put her best foot forward?"

"Baka hindi. Why be suspicious over nothing kung okay naman?"

"Sabagay." Uminom si Rosie. "Part of me thinks..na kung sakaling sagutin ko siya..maituturing ba na rebound ko siya from you? Kasi I don't want that. Baka kaya hesitant din ako."

"Di naman naging tayo."

One of my biggest regrets.

"Thanks for fucking reminding me." Biro ni Rosie.

"Just telling the truth, hun."

"Mhmm." Inubos ni Rosie ang alak. Siya na ang naghalo ng sariling refill habang nagsasalita. "I don't know what to tell her."

"Kala ko ba sasagutin mo na?"

"I didn't say that. I just said I'll talk to her."

"You're being stupid. Don't string her along. This isn't like Chanyeol, Rosie. You're going to end up hurting someone this time."

"I know. Kaya nga nababadtrip ako eh. I want to keep her pero I don't want to also be her jowa ng ganun lang kabilis. Pota nakakainis."

"Talk to her about it. She'll understand. Ask for more time if that's what you need."

"Nubayan. Why am I like this?!"

"Kaya mo yan. All this is just new to you siguro kaya ganyan knee-jerk reactions mo."

"Paano naging kayo ni Joy ulit?" Tanong ni Rosie.

Uminom si Wendy. Naghalo ng refill. "Wala. She just went and said 'tayo na' one day and I rolled with it."

"Gawaing pangtanga."

"Thanks. I know."

"Kakausapin ko si Suzy. You're right. I have to clear things up with her. Ayoko siyang saktan."

"Mhmm. Goodluck with that."

Tuloy lang sila sa inom.

------------------------------------------------------------

"Umamin ka nga sakin." Sabi ni Rosie kay Wendy. 

Kalahati na sila sa pangalawang bote ng Whiskey. 

"Huh?" Sabi ni Wendy. Lutang na siya. Di naman siya malakas uminom. Pinipilit lang niyang sumabay sa bestfriend niyang hasa sa alak dala ng phase nito ng walwal.

"May pinoproblema ka lately." Sabi ni Rosie. "Ano yun? Don't think I haven't noticed, ang jumpy mo sa paligid ko tsaka you keep staring at me weird. It's creepy. Anong problema mo?!"

"Luh?"

"Umamin ka. Isa."

"Uhh.."

"Dalawa."

"Rothie.."

"Tatlo."

"I think I might actually be falling for you this time." 

Natulala si Rosie. "Ha?"

"Don't make me repeat it."

"Tangina mo?"

"I'm sorry, Rothie..this is all from that one time we had sex and I just..can't stop thinking about what if lamoyun? Every trip with you..I end up noticing things na alam ko naman kasi nga bestfriend kita pero parang may kulay na lahat. Putangina. I hope you know I don't want this. Ayokong guluhin ka ulit kaya pinipigil ko..kaso mahirap.."

"Putangina mo?"

"Ayoko namang iwasan ka kasi alam kong you won't like it if I do that..Di ko alam gagawin ko..fuck..I'm sorry."

"Holyshit?"

Tinungga ni Wendy ang hinablot na bote ng Whiskey. 

Mabilis naman na dumukwang si Rosie at inagaw ang bote mula kay Wendy. "Tangina mo. Hoy. Wag ganyan." Saway niya.

Umiyak si Wendy. "Jesus..I'm so sorry, Rothie..Tangina..Maling mali ako. Shit." Nag head down na sa lamesa.

"Dami mong regrets na bitbit."

"Actually."

"Fuck, Seungwan."

"I'm sorry."

"We can't. I can't. Ayoko. I moved on.." Bulong ni Rosie.

"I know..I'm not even asking you to try. I won't do that to you."

"What are we gonna do?"

"Di ko alam."

"Tangina, Wendy. Yan tayo eh."

Humiga si Wendy sa floor. Pumikit. Pakiramdam niya dinuduyan siya dahil sa lasing. "Lasing na ako." Balita niya.

"Duh."

"I have to distance myself."

"Bakit?"

"Para di ako makagulo sayo. I don't want you to end up where I was with Joy na kailangan mo mamili."

"Di kailangan. Di ka makakagulo. I know what to do."

"Anong gagawin mo?"

"Make that choice on my own."

------------------------------------------------------------

SATURDAY (AGAIN)

"Kamusta ka na, Seungwan?" Tanong ni Tiffany sa bestfriend ng bunso niyang anak.

Nasa isang private room sila sa loob ng isang upscale na Japanese restaurant. 

Anniversary ng magulang ni Rosie. Regular attendee si Wendy bilang bestfriend siya ni Rosie na kasalukuyang hindi pa dumarating mula sa kung saan ito nanggaling.

"Ayos naman po ako, tita." Sagot ni Wendy.

"Getting closer to graduation." Sabi ni Taeyeon. "Any plans?"

"Might go teach like Mommy Seohyun..might go for a doctorate like Mommy Yoona..I don't know..Weighing my options. Ilang buwan pa naman."

Bumukas ang pintuan ng private room. Pumasok ang ate ni Rosie na si Irene. Kasunod ang asawa nito na si Seulgi. Bitbit ni Seulgi ang natutulog na si Yeri. 

"Sup, Seungwan." Bati ni Irene habang umuupo sa tabi ng dalawa niyang nanay na hinalikan niya sa pisngi at inabutan ng regalo with matching bati ng "happy anniv, moms."

Kumaway si Wendy. "Hullo." Bati niya.

Maingat na inihiga ni Seulgi sa gitna nilang dalawa ni Irene si Yeri na tulog na tulog padin. "Si Pasta?" Tanong niya kay Wendy.

Kibit-balikat si Wendy. "I..actually don't know. Di siya sumabay sakin eh. Said she has something to do real quick."

"Hmmm." Sabi ni Irene.

Bumukas ulit ang pinto. Sumilip si Rosie.

"Yun pala eh. Speak of the devil." Sabi ni Taeyeon.

"Come sit, Pasta." Aya ni Tiffany. 

Kita nilang lahat na bumuntong-hininga si Rosie. "There's someone I'd like the fam to meet." Sabi niya.

"Nugu?" Tanong ni Irene. 

"Hu dat?" Tanong ng nagising na si Yeri. Bumangon tapos tumuro sa tao na nasa likod ni Rosie.

Binuksan ng mas malaki ni Rosie ang door.

"Everyone..this is Suzy. My girlfriend."

Forward
Sign in to leave a review.