We Could Happen

BINI (Philippines Band)
F/F
G
We Could Happen
Summary
A #macolet one shot story where Andromeda is falling for her best friend, Seah, but struggles to confess. A beach trip and growing school tensions bring her feelings to the surface. As their bond is tested, Andro must decide if risking their friendship is worth the chance at something more.Because maybe… they could happen.
Note
Note:Disclaimer: Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.Please separate fiction from reality.Enjoy!!!

Characters:

Colet as Maria Andromeda " Andro " L. Vergara 

Maloi as Perseah " Seah " A. Ricalde 

 

Andro’s Circle

Mikha as Mayari " Maya" Lim

Gwen as Galatea "Gal" Apuli

Jhoanna as Nyxara " Nyx" Robles

 

Seah’s Circle

Aiah as Aurora " Au" “Rora” Arceta 

Stacey as Solana " Sol" Sevilleja 

Sheena as Mary Seren " Se" "Eren " Vergara



 


Andromeda’s POV

 

Ang dali pala talaga mahulog sa taong lagi mo nang kasama. Paano kaya kinakaya ng iba na hindi lagpasan ang linya?




“Tulala na naman ang Andro ko na yan ah.” malambing na wika ni Seah nang bigla s’yang sumulpot sa tabi ko. 



“Ano ba yan, Seah, para ka na namang kabute d’yan.” wika ko sa kanya nang makabawi ako mula sa pagkagulat ko ng bahagya sa pagsulpot n’ya. 



“Shhh. Bakit tulala ka na naman at tila ang lalim ng iniisip mo?” tanong n’ya at umupo na sa akin tabi. 



“Wala. Guni-guni mo lang yun.” sagot ko naman pabalik sa kanya. 



“Anong guni-guni? Eh, hindi mo nga napansin na nasa tabi mo na ako kaya ka nagulat.” sabi n’ya na may kasamang pag-irap pa. 



Tumawa na lamang ako at iniba ang usapan namin. 



“Himala at hindi nakabuntot sa’yo si River? LQ kayo?” mapang-asar na tanong ko. 



“Pinagsasabi mo d’yan? LQ, eh wala namang kami. Tsk” dama ko ang irita sa salita n’ya. 



“HAHAHAHA halata irita mo beh. Magiging kayo naman n’yan.” dagdag ko pa at nagulat ako nang bigla s’yang tumayo at nag-walkout. 

 

Hala, napikon? HAHAHAHAHA



Totoo naman sinabi ko eh. Malakas ang posibilidad na maging sila. Tagal nang buntot ng buntot sa kanya ang asungot na yun. Kaya alam kong s’ya yung tinutukoy nila Rora na matagal na n’yang gusto. Isa pa, binanggit n’ya rin ang pangalan nito kaya mas lalong nakumpirma ko, tsk. 



Nandito naman ako, bakit doon pa sa kupal na yun nagkagusto amp. Ang tagal na rin naman n’ya ako kasama, bakit hindi na lang ako?





 

Flashback - 2 weeks ago (Apuli’s Beach Resort)



Nandito kami ngayon sa resort nila Galatea. Sakto kasing nag-long weekend ‘tas katatapos lang din ng midterms namin, kaya napagpasyahan naming magkakaibigan na magdagat. 



Kaming apat nina Gal, Nyx at Maya ang nakatoka sa pagluluto ngayong gabi. Dahil kaninang tanghali sila Seah na ang kumilos. 



“Okay naman na yung kanin diba? Itong fried chicken at adobo na lang ang kulang?” tanong ni Nyx habang nakatingin sa mga manok na priniprito n’ya. 



Oo, ayan na lang. Madaling-madali ka na naman d’yan, mamaya, may dugo pa ‘yang manok mo. Lagot ka kay Sol.” wika ni Maya kay Nyx na may halong pang-aasar. 



“Hoy! Tigilan mo nga. Luto loob n’yan. Gusto mo try ko rin lutuin ‘yang loob mo?” pikon na sagot ni Nyx sa kanya. 




“Sige, gawin mo. Susumbong kita sa nobya mo, hindi ka na naman makakatabi sa pagtulog HAHAHAHAHAHHA” sagot ni Maya at tumawa. 



Napasimangot na lamang itong si Nyx dahil alam n’yang posibleng mangyayari yun. HAHAHAHAHA takot talaga kay Sol eh. Palibhasa kasi, kababati lang nila. Paano ba naman, pinagluto si Sol ng tinolang manok nung isang araw pero hindi inayos kasi madaling-madali gawa nang mag-start na yung tournament sa CODM. Ayun, nabengga na kanyang nobya HAHAHAHAHA




“Lakas mang-asar ni Maya kay Nyx, palibhasa nagkaaminan na sila ni Ate Rora eh.” wika naman nito ni Gal sa tabi ko. Nakita naman namin ang pamumula ng pisngi nito at pagpipigil ng ngiti na tila ba kilig na kilig ito sa mga narinig. 




“Uy gago, ‘di mo branding yan, orb.” Wika ni Nyx at natatawa. 




“Che, tigilan n’yo ko. Kala n’yo mga ‘di rin ganito sa mga nobya n’yo eh noh.” sabi naman n’ya at umirap pa. Natawa na lamang kami sa kanya. 




“Tawa yung isa d’yan. Eh mas malala pa nga s’ya. Grabe ang kabog ng dibdib at pamumula, ‘magkaibigan’ lang naman.” pahabol nito na naging dahilan sa pagtigil ko sa pagtawa. 




“Siraulo. Kayong tatlo lang nag-aasaran d’yan dadamay n’yo ko.” sabi ko na ikinatawa naman ng tatlo. 




“Hindi tinanggi kasi totoo HAHAHAHA.” wika naman ni Nyx. Sinamaan ko naman s’ya ng tingin at napatikhim naman s’ya. 




“Bakit ba kasi ang torpe mo, Andro. Tagal na n’yang nararamdaman mo pero hanggang ngayon tinatago mo pa rin.” Seryosong wika ni Maya. 




“Hindi naman kasi ganun kadali yun. Tagal na namin magkasama. Simula bata pa lamang kami, magkaibigan na kami. Hindi ganun kadali na tawirin yung linya.” sagot ko naman kay Maya. 




“Tinawid mo na yung linya, pre. Simula nang magbago ang pagtingin mo sa kanya, tinawid mo na ang linya. Kailangan mo lang panindigan at alamin kung handa rin ba s’yang tawirin ang linya at damayan ka sa gitna.” seryosong tugon naman ni Gal. 




“Madali lang naman sabihin at umamin. Pero hindi madali panindigan at tanggapin. Paano kung hindi naman kami pareho nang nararamdaman? Paano kung kaibigan lang talaga turing n’ya sa akin? May asungot pa na laging nakabuntot sa kanya, tsk.” sagot ko naman kay Gal. 



“Paano kung pareho pala kayo? Paano kung hindi na lang din kaibigan ang tingin n’ya sa’yo? Huwag mo pangunahan ang nararamdaman n’ya. Accountancy student ka pa naman pero hindi mo maisabuhay ang ‘do not assume, unless, otherwise stated’. Itatakwil ka ni Sir Cocson sa ginagawa mo.” si Nyx naman ngayon ang nagsalita pagkatapos n’ya hanguin ang mga manok na priniprito n’ya at isalang ang last batch nito. 




“Meron din naman kasing principle sa accountancy na ‘substance over form’. Ayaw ko man mag-assume pero hindi rin ako para hadlangan sila ng taong alam kong nagugustuhan na n’ya.” sagot ko naman. 




“Ang talino mo halos sa lahat ng bagay pero sa pag-ibig, shunga ka.” naiiritang wika ni Maya. 




“Hindi man lang nakuha ugali nila Tito Andrew at Kuya Rio amp.” gatong pa ni Nyx.




“Umamin ka nga, ampon ka siguro nila Se. Hindi rin naman ganyan si bebe eh. Rekta amin yun sa nararamdaman n’ya eh.” dagdag pa ni Gal. 



“At dinamay n’yo pa talaga yung pamilya ko noh? Hindi n’yo pa dinamay si Mommy para complete family na.” sarkastikong wika ko sa kanila na ikinatawa na lang nila. 




“Basta ang masasabi ko lang, hindi pa tapos ang laban, Andro. Wala namang sila eh. Ilaban mo ‘yang inyo. Panindigan mo ang nararamdaman mo para sa kanya. Ano man ang maging resulta, tanggapin mo. Tinawid mo na eh, bakit hindi mo na lang panindigan.” sabi ni Maya at ngumiti sa akin. 




“Magtiwala ka rin sa kung anong mayroon sa inyo ni Seah. Matagal na kayong magkasama, kaya alam namin na kilala mo s’ya nang lubos. Pero baka kaya dahil kilala mo s’ya ng sobra hindi mo napapansin yung pagbabago na mayroon sa inyong dalawa. Masyado kayong malapit at hindi mo na makita ng malinaw kung ano na ba talaga ang mayroon sa inyong dalawa.” wika naman ni Gal sa akin. 




“Atras ka kaunti, pre. Mukhang napasobra yung pagtawid mo. Hindi mo mapapansin ang pagbabago sa pagitan n’yo kung malapit ka ng sobra sa kanya. Sa gitna lang dapat.” pahabol ni Nyx at tinapik naman ako sa balikat. 




“Dami n’yong entry ngayong tatlo ah. Palibhasa ang sasaya na ng lovelife n’yo eh.” sagot ko naman na pabiro para medyo gumaan ang paligid namin. Masyado silang seryoso eh, nakakatakot HAHAHAHAHA




“Ewan ko sa’yo, Andro. Basta nagpayo na kami sa’yo. Babatukan ka talaga nila Kuya Rio kapag nalaman nila ‘yang mga desisyon mo.” wika ni Maya. 




“Ang nakuha lang ata n’ya kay Kuya Rio ay pareho silang nagkagusto sa isang Ricalde HAHAHAHAHAHHA.” natatawang wika ni Gal. 




“Mga boang. Silipin ko lang yung apat sa taas, ‘tas ayain ko na rin bumaba maya-maya. Patapos naman na ‘yang prito at mabilis na lang naman yung adobo.” sagot ko na lang para matapos na ang usapan namin. 




Alam ko kasing tama sila. Pero ang hirap kasi talaga. Posible bang itong mayroon kami ay humigit pa sa pagkakaibigan? Nakakatakot kasi malaman yung sagot. Baka kasi hindi naayon sa gusto ko ang maging resulta. Pero ayun nga, tama sila. Tinawid ko na eh. Panindigan ko na lang sana. 




Pumanik na ako sa taas para silipin yung apat. Sakto nakabukas ng kaunti yung pinto ng kwarto nila. What if takutin ko ‘tong mga ‘to? Natawa naman ako sa plinaplano ko. 




Dahan-dahan akong lumapit sa pinto ng kwarto nila at sinilip sila. Sakto nakatalikod silang tatlo at natatabunan naman nila si Seah. 




“Ayaw mo pa rin umamin sa kanya? Tagal mo na s’yang gusto. Baka oras naman na para malaman n’ya yung nararamadaman mo.” rinig kong wika ni Rora. Napatigil naman ako at nanigas ng bahagya sa mga narinig ko. 




May kung anong bigat sa dibdib ko. Gusto ko na lang sana umalis para hindi na marinig pa ang pag-uusap nila dahil mali ‘to. Pero hindi ko rin maigalaw ang mga paa ko na tila ba gusto rin ng puso ko na marinig pa kung ano yung tungkol dito. 





“Para kayong naglalarong dalawa. Halata naman na may nararamdaman kayo para sa isa’t-isa.” dagdag ng kapatid kong si Seren. 




“Hindi kasi madali eh. Si River…” rinig kong wika ni Seah. “Okay, that’s it”.Napaatras naman ako dahil ayaw ko na marinig ang kasunod nito. Umalis na ako at pumasok na lamang sa amig kwarto. Hindi ko man narinig ng buo pero alam kong sapat na iyon para makumpirma ang hinala ko. 





Naramdaman ko na lang bigla na basa ang pisngi ko. Umiiyak na pala ako hahaha.




Pero hindi pwede. Kaya pumasok na lang ako sa banyo para maligo. Baka mapagaan nito kahit papano ang nararamdaman ko. 








Back to Present - (BN University)



Buti na lang talaga magaling ako sa pagkontrol ng emosyon ko. Kasi kung hindi, baka nung gabing ‘yun nalaman na n’ya kung ano ang tunay kong nararamdaman sa kanya. 




“Andro, ano ginawa mo kay Seah at nakasimangot?” tanong sa akin ni Nyx ng makasalubong ko sila dahil susundan ko si Seah para suyuin. 




“HAHHAHAHAHA wala napikon lang sa akin kaya susuyuin ko na.” sagot ko naman. 




“Pinipikon mo na naman yung kaibigan ko, Andromeda.” iritang wika naman ni Solana na s’yang kasama ni Nyx. 




“Ano ba ‘yan, Sol. Susuyuin na nga eh, tsk.” sagot ko naman kay Sol. Ayaw ko kasing tinatawag ako sa buong pangalan ko. Unless, si Seah ka, may free pass.



“Ayusin mo lang, Andro. Isusumbong kita kay Kuya Atlas para masabi kay Kuya Rio at mabatukan ka.” wika ni Sol. 




“Luh? Dadamay n’yo na naman mga Kuya namin. Susuyuin ko na nga. Para namang hinahayaan kong tumagal irita nun sa akin.” sagot ko naman. 




“K. Umamin na ka na rin sana. Kami napapagod sa inyong dalawa eh.” sabi ni Sol at hinala na si Nyx papalayo sa akin. 




Sinundan ko sila ng tingin at lumingon naman si Nyx sa akin at nagbigay ng encouraging smile. 




Para saan naman yun? Parang tanga.









Uwian na at nandito ako sa labas ng room nila Seah. Ngayon pa lang s’ya kakausapin para suyuin dahil hindi ko nagawa kanina. 




Nung lalapitan ko na sana s’ya ay biglang lumitaw yung asungot sa tabi n’ya at kinakausap s’ya. Inantay ko sila matapos bago ko lapitan si Seah. Nung nasa harap na n’ya ako, inirapan n’ya lang ako at umalis. Hahabulin ko na sana kaso saktong tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang lunch break at oras na para pumunta sa respective room para sa mga course subject n’yo. 





“Seahkong!” tawag ko sa kanya ng makita ko na s’yang lumabas ng room. Inirapan lamang ako nito at nagpatuloy sa paglalakad. 



Agad-agad naman akong umalis a pwesto ko sundan s’ya. Kinuha ko naman ang bag n’ya para ako na ang magbitbit nito. Hindi naman s’ya umangal pero hindi naman ako tinapunan ng tingin. 




“Seahkong, sorry na.” sabi ko sa kanya. Hindi n’ya ako pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. 




Sorry ako ng sorry sa kanya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kotse ko. Binuksan ko naman ito at in-on na rin ang aircon sa loob. Agad-agad namang pumasok si Seah at umupo na sa shotgun seat. Hindi na n’ya inantay na pabuksan ko s’ya gaya ng lagi kong ginagawa. 




Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pinto sa likod para ilagay yung bag naming dalawa. 




“Seryoso nga ang inis n’ya at matinding pagsuyo ang gagawin ko.” bulong ko sa isip ko bago pumasok sa driver’s seat. 




“Gusto mo ba daan tayo sa Jollibee bago umuwi?” tanong ko sa kanya habang pinaandar ko ang makina. 




“Bahala ka.” tanging tugon lang nito. Paktay ka diha, bai. Nabwisit ko na naman s’ya ng sobra. 




Ngumiti na lang ako sa kanya bilang sagot at nagsimula na magmaneho. 




Ramdam ko ang katahimikan sa loob ng kotse. Kapag okay naman kami, hindi ganito. Palagi yan madaming baong kwento. Pero dahil nga inis s’ya sa akin, tahimik lang s’yang nakamasid sa labas ng bintana. 



Sinisilip ko naman s’ya paminsan-minsan at napapabuntong hininga. Napapaisip ako bakit sobra yung pagkainis n’ya sa akin. 




Nainis ba s’ya ng sobra dahil hindi rin sila okay ni River o dahil pinagdiinan ko pa na wala pang sila? 




Tsk, alin man sa dalawa, alam ko naman masasaktan lang din ako. Kaya, suyuin ko na lang talaga s’ya. 






Papasok na kami sa subdivision kung saan kami nakatira. Yes, same subdi lang kami pero magkaibang street. Mauuna ang bahay nila kaysa sa amin. Mga tatlong street pa ang dadaanan bago ang amin. 




Nang nasa tapat na kami ng bahay nila, dali-dali naman n’yang inalis ang seatbelt n’ya para makalabas din agad ng kotse pero pinigilan ko s’ya. 




“Perseah, usap muna tayo please.” wika ko sa kanya na may himig ng pagmamakaawa. 



Umupo naman ito ng maayos at humarap sa akin. Tumikhim naman ako at umirap naman s’ya. 




Jusko, wala pa nga eh. 





“Sorry na kung napikon kita. Hindi ko na uulitin.” panimula ko at hinihimas ang kamay n’yang hawak ko. 



Inirapan na naman n’ya ako bago nagsalita. 




“Nag-sosorry ka d’yan. Alam mo ba bakit naiinis ako sa’yo?” tanong n’ya sa akin. 




“Hindi, pero may ideya ako.” sagot ko naman sa kanya. Tinignan lang n’ya ako kaya naman dinagdagan ko ang sinabi ko. 




“Dahil kay River diba? Hindi ko naman intensyon na pagdiinan na wala pang kayo. Kaya, sorry na.” dugsong ko at nagpapacute pa sa kanya. Pota, hindi ko branding ‘to. 




Hay! Seah, sa’yo lang ako ganito. Bakit ba hindi na lang ako?




Nagulat naman ako ng hinila n’ya yung kamay n’ya mula sa pagkakahawak ko para ihalukipkip ang kanyang mga braso. 




“Manhid, tanga, at torpe. Iyan ka ngayon. Nakakairita ka lalo, bahala ka d’yan.” singhal n’ya sa akin at dali-dali bumaba para maglakad papasok ng bahay nila. 




Huh? Ano raw?




Nagulat naman ako ng bigla s’yang lumabas ulit at lumapit sa kotse ko. Binuksan n’ya ang pinto sa likod at kinuha ang bag n’ya sabay pabalibag n’yang isinara ang pinto. 




Natawa ako ng slight dahil sa pagkalimot n’ya sa bag n’ya pero napabalik din ako sa reyalidad ng maalala ko yung sinabi n’ya. Manhid, tanga at torpe? Anong ibig-sabihin n’ya?



Nagulat naman ulit ako ng biglang may kumatok sa pinto ng kotse ko at nakita ko s’yang may hawak na notebook. 




Ay gago… Bakit nasa kanya yun?




Binuksan ko naman ang bintana ng kotse ko habang nakatingin sa notebook na hawak n’ya. 




“Ang engot mo talaga. Huwag mo ako kakausapin hangga't manhid, tanga at torpe ka.” sabi n’ya at inabot sa akin ang notebook at tuluyan na nga s’yang pumasok sa bahay nila. 




Nung isang araw ko pa hinahanap itong notebook na ‘to kasi may idadagdag ako, nasa kanya pala. 




Para naman akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marealize ko na mukhang nakita n’ya ang mga nakasulat dito. 




“Ang engot mo naman talaga, Andromeda.” inis kong bulong sa sarili ko. 




Bigla rin naman akong napangiti nang may narealize ulit ako. Engot nga talaga ako. 




Inilagay ko muna sa shotgun seat ang notebook at bumusina muna ng tatlong beses na palagi kong ginagawa bago ako umalis sa tapat ng bahay nila. 





Nang mai-park ko na ng ayos yung kotse ko, kinuha ko ang notebook at bag ko, bago pumasok sa loob ng bahay namin na may malaking ngiti sa labi.




“You look like an idiot, Andro.” bungad sa akin ng Kuya Rio ko. Nawala naman ang ngiti ko at nagpoker face.




“Sinasabi mo d’yan?” sagot ko sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad at pumunta ng kusina. Nakita ko naman sa kusina si Kuya Atlas na nagluluto kasama si Mommy. 




“Hi Mom! Hi Kuya Atlas.” bati ko sa kanila. Lumingon si Kuya Atlas sa akin at ngumiti. Gets na gets bakit hulog na hulog sa kanya ang Kuya ko. Ganyan din kasi ngumiti ang nakababatang kapatid n’ya eh. May pinagmahan nga talaga. 




“Hello, my Andro.” malambing na wika ng Mommy ko at lumapit sa akin para halikan ang pisngi ko. 




“Himala at nandito ka agad? Magkaaway kayo ni bunso?” tanong ni Kuya Atlas.




“Huh? Hindi Kuya, may need lang ako tapusin at may gagawin din daw s’ya eh.” sagot ko naman kay Kuya Atlas. Binigyan n’ya lamang ako ng nakakalokong ngiti bilang sagot. 




Napailing na lamang ako bago nagpaalam na aakyat muna ako at hindi makakasabay na maghapunan sa kanila dahil may tatapusin ako. Ayaw pa sana pumayag ni Mommy pero sabi ko baba naman ako mamaya para kumain kapag natapos ko na ang gagawin ko. 




Wala naman na nagawa si Mommy at hinayaan na lamang ako. Nagpaalam ako kila Kuya Atlas bago pumanik sa aking kwarto. 



Pagkapasok ko ay agad kong isinarado ang pinto at umupo sa study table ko. Inilapag ko muna ang bag ko bago ko binuksan ang notebook na nung isang araw ko pa hinahanap pero na kay Seah lang pala. 




Hindi nga ako nagkamali, nakita nga ni Seah ang laman nito. Kaya naman kumabog ng sobra ang dibdib ko. 




Ang notebook na ito ay parang diary ko. Naglalaman ito nang lahat ng natakbo sa isip ko. Ang pagkakaiba lang ay, Diary ito ng aking puso. Dahil puro tungkol kay Seah lang naman ang nakalagay dito. 




Eh wala eh, s’ya lang naman talaga ang nilalaman palagi ng isip ko. 




Patuloy kong inilipat-lipat ang pahina, tinitignan kung may pagbabago ba, ngunit wala. Hanggang sa napunta na ako sa huling sinulat ko at nagulat ako at may nakaipit na maliit na papel dito. 




Binuksan ko ito upang malaman ang nilalaman. 




We Could Happen by Aj Rafael

             1:56 - 2:20




Agad ko naman kinuha ang cellphone ko para tawagan s’ya. 




Shet. Mahid, tanga at torpe nga talaga ako. 




Hindi ko na kailangan pa malaman ang lyrics ng kanta sa time stamp na isinulat n’ya, dahil kabisado ko ang awitin na yun at alam na alam ko ang liriko sa bawat segundo ng kanta. 




“Calling SeahKong💛…”




Pagkatapos ng ikatlong ring ay sinagot na n’ya ito. 




“Hello, hindi ka na ba engot?” bungad n’ya pagkatapos n’yang sagutin ang tawag ko. 




Natawa naman ako sa sinabi n’ya bago nagsalita.




“Totoo ba ‘to? Tama ba itong naiisip ko?” tanong ko sa kanya. 





“Bakit? Ano ba yang naiisip mo?” tanong n’ya pabalik sa akin. Hindi ko alam kung delulu lang ba ako pero dama ko yung lambing sa boses n’ya. 





Jusko, kapag hindi tama ‘tong iniisip ko, magpapalamon na lang talaga sa lupa. Kinakabahan ako pero kailangan kong itanong ‘to para ikumpirma.




“Perseah, gusto mo ako?” mahinahon kong tanong sa kanya. Natahimik s’ya at pigil hininga naman akong inaantay ang magiging sagot s’ya. 




“Lord, please, sana oo ang maging sagot n’ya.” bulong ko sa isipan ko habang nag-aantay sa sagot n’ya. 





“Hindi.” at doon ako nalungkot. 





Gago, pigil hininga pa ako eh masasaktan lang din pala ako. 




Magsasalita na sana ako para sabihin na okay lang kahit hindi talaga nang bigla ulit s’yang nagsalita. 




“Alam ko kung paano tumakbo utak mo, Maria Andromeda. Patapusin mo muna ako, assume ka ng assume d’yan. Babatukan talaga kita.” wika n’ya at rinig ko unting pagkainis sa boses n’ya. 




Napakamot ako sa aking batok at natawa ng bahagya kahit ramdam ko ang kaunting bigat at kirot sa dibdib ko. 




Natahimik kami pansamantala. Kahit ako hindi ko alam ano pa sasabihin ko sa kanya eh. 




Napalingon naman ako sa pinto ng kwarto ko ng marinig kong bumukas ito. Kasabay nito ay ang pagpasok ng taong walang ibang ginawa kundi pamahayan ang puso’t-isipan ko. 




Binaba n’ya ang kanyang cellphone at pinatay ang tawag bago nagsalita. 




“Hoy Engot. Hindi kita gusto. Kasi hindi na lang basta pagkagusto itong nararamdaman ko sa’yo. Ang daming signs na ang pinahiwatig ko sa’yo, pero ang engot - engot mo pa rin. Nakakainis at nakakairita ka. Ang manhid mo na nga, torpe at tanga ka pa. Kainaman.” wika n’ya at rinig ko naman ang himig ng pagkairita n’ya. 




Natawa na lamang ako at napailing bago tumayo. 




“Sorry na. Ayaw ko lang naman masira kung anong mayroon sa atin kaya hindi ko inisip na pareho lang tayo.” sagot ko sa kanya. 




May limang hakbang sa pagitan naming dalawa. Naglakad s’ya ng dalawang hakbang at ganun din ako. 




“Isang hakbang na lang ang nasa pagitan nating dalawa. Malinaw na ba sa’yo kung anong mayroon sa ating dalawa?” wika ni Seah at sinserong nakatingin sa aking mga mata. 




Naramdaman ko ang bigat sa aking dibdib at rinig na rinig ko ang kalabog ng puso naming dalawa. 




“Malinaw na.” nakangiti kong tugon sa kanya. 




Sabay kaming humakbang para tawirin ang linya. Ipinalibot n’ya ang kanyang mga braso sa aking balikat at ang akin naman ay sa kanyang baywang. 




“Mahal kita, Perseah.” wika ko sa kanyang tainga at naramdaman ko naman ang pagsiksik ng kanyang ulo sa pagitan ng leeg at balikat ko. 



“Mahal din kita kahit ang engot-engot mo.” tugon n’ya sa akin na ikinatawa naming pareho. 





Bumitaw ako sa yakap namin para tignan s’ya sa mukha. Inihawi ko naman ang ilang hibla ng buhok n’ya na humaharang sa napakaganda n’yang mukha at isinabit ito sa likod ng kanyang tainga. 




“Akala ko talaga malabong mangyari ‘to.” wika ko sa kanya habang nakahawak sa baywang n’ya. 




“Akala mo lang yun.” sagot n’ya at hinawakan ang pisngi ko at hinimas ito gamit ang hinlalaki n’ya. 





“We could happen, Andro ko. Dahil hindi lang naman ikaw ang handang tawirin ang linya. Kaya ko rin gawin yun basta ikaw nasa kabila ng gitna.” wika ni Seah at napangiti naman ako. 




Kinuha ko ang kanyang kamay mula sa aking mga pisngi at ipinalibot ito sa aking balikat. Pagkatapos ay hiwakan ko ang kanyang dalawang pisngi bago ko halikan ang kanyang noo at pagkatapos ay ipinagdikit ito. 




“Mahal kita, Seahkong.” sabi ko bago ko dahan-dahang inilalapit ang aking mukha upang aking mahagkan ang kanyang labi. 





Kasabay ng paglapat ng aming mga labi sa isa’t-isa ay ang s’ya ring sabay na paghimig ng pag-ibig mula sa aming mga puso. 

 

 

 

 


The End.