i can't sleep (without you)

BINI (Philippines Band)
F/F
G
i can't sleep (without you)
Summary
“Kaya mong matulog mag-isa, di mo lang kaya na di ako katabi.”

“Sabi ko naman sayo, diba? Overtime ako hanggang 11 PM.” Malamig niyang sambit habang tinatanggal ang sapatos malapit sa pinto, wala pang ilang minuto magmula nang makauwi ang dalaga, pero ito, mukhang may magsisimula nanamang bangayan sa pagitan nila.

“Yes, at anong oras na ngayon?” Iritang tanong ni Stacey sa nobya, naglalakad papalapit. Isa talaga sa pinaka-ayaw niya yung gantong miss na miss niya si Colet pero natatabunan ng inis dahil sa ugali ng girlfriend niya na napaka sungit, at kahit siya, na tatlong taon na niyang ka-relasyon, ay hindi pa rin sanay dito.

Napatingin si Colet sa orasan sa dingding, “12:30. Sorry, nag-aya pa kasing magkape si Jho paglabas ng office. Di na kita na-text..” Biglang naging malambing ang tono, siguro kasi alam nya nang kasalanan niya, alam niyang naghihintay si Stacey sa pag-uwi niya dahil nga hindi ito nakakatulog nang wala siya sa tabi nito. Kinuha ni Stacey ang bag magmula sa balikat niya nang hindi tumitingin sa mga mata niya. Okay..

“Maligo ka na, kanina pa ako inaantok.” Yan na lang ang narinig niya bago maglaho ang nobya papunta sa kwarto nila. Paglabas ng banyo, nagmadali siyang tumabi kay Stacey at niyakap ito sa bewang. “Sorry na, please? Ayokong matulog ka na inis sakin.” Dedma. Nagkukunwaring tulog, pero di niya maiwasang mapa-ngiti. Palibhasa kasi, alam mong isang sorry mo lang, okay na ako..

“Ano ba naman kasi yung magsabi ka lang na malalate ka, you know hindi ako sanay matulog mag-isa.” Tuluyan na siyang napa-harap. Tinanggal ni Colet ang mga buhok na naka-harang sa mukha niya, “I know, I’m sorry. Di na po mauulit.” Sabay hinalikan ang pisngi nito.

“Tapos imbis na lambingin mo ko, nag-sungit ka pa.” Pero tuluyan siyang lumambot sa mga yakap ng babaeng paulit-ulit din siyang hinahalikan sa buong mukha. “Sorry, love. Pagod lang din talaga.” Alam niyang wala nang patutunguhan ang inis niya dahil nakita niyang mapungay na ang mga mata ni Colet dahil sa antok kaya hinayaan na lamang niyang makatulog ito ng tuluyan.

Wala pang ilang segundo ay muling nagsalita si Colet.

“Kaya mong matulog mag-isa, di mo lang kaya na di ako katabi.”

Mahinang tumawa si Stacey.

Pero nakakabingi, dahil sa tatlong taon nilang magkasama, sobrang lakas pa rin ng kabog ng dibdib niya sa tuwing naiisip niyang gigising siya na si Colet pa rin ang katabi niya.

Masungit, pero mahal na mahal niya.