
The Audition
"Mr. Do Jaechan?"
"Yes po, that's me," sabi ni Jaechan na halos mangatal ang boses sa sobrang kaba. Nasa audition lang naman siya ng Dreams Entertainment. Pangarap niyang maging parte ng banda na ide-debut ng agency na ito. Pangatlong audition niya na ito para sa nasabing agency, at hopeful siya na sa pagkakataong ito, matatanggap na siya bilang trainee.
"I'm sorry for making you wait, but we regret to inform you that we cannot accept you as of the moment. You still lack the skills that we want from a guitarist. However, we notice that you have a powerful voice. Maybe you'd like to audition as a vocalist instead?"
"No, I really want to be a guitarist."
"Let's have a deal. The management really likes your voice and maybe you can audition as vocalist for Dream's latest rock band? I can put in a good word for you. You have the looks plus the voice."
Napabuntung-hininga si Jaechan, trying to weigh his options. On one hand, the offer seems promising, lalo na at nakailang audition na rin siya. On the other hand, hindi niya magagawa ang hilig niya--ang pagigitara.
"That's not to say you can't play the guitar," dagdag ng training coach sa kanya. "If anything, you can hone your skills while you're here and maybe you can be a vocalist who also plays the guitar."
"Talaga po?"
The coach nodded. "So, what do you think?"
"Opo, yes po! Go na po!" excited na sabi ni Jaechan. Kulang na lang tumalon siya sa tuwa at yakapin ang coach.
"I have to remind you though, you have to be at your best at the audition. This is Dreams, and expect na maraming ibang tao who will want to debut under us. So I advice you to put your best foot forward tomorrow."
Nanlaki ang mga mata ni Jaechan. "Tomorrow?!"
"Yes, tomorrow. Bakit? May problema ba sa schedule?"
Jaechan quickly shook his head. "Wala naman po. What time po?"
"9 in the morning. Hope to see you there."
Jaechan nodded. "I'll be there po. Thank you po for the opportunity!"
"I just don't want a talent like yours to go to waste," sagot naman ng coach. "Anyways, I'll go ahead."
*****
Naglalakad si Kyungsoo papunta sa lobby nang may marinig siyang nag-aaway.
"Bakit ako ang may kasalanan? Ikaw itong hindi tumitingin sa dinadaan niya!"
Teka... May kaboses ang nagsalita.
"Kasalanan ko bang hindi kita nakita dahil ang liit-liit mo?"
"Aba! Ang kapal mo!"
Jaechan? At tama nga ang hinala ni Kyungsoo paglapit niya sa dalawang nag-aaway. Nakita niya ang nakakabatang kapatid na tinitingnan nang masama ang matangkad na kaharap nito. Ngayon, na-gets na ni Kyungsoo kung bakit nasabi nito na maliit ang kapatid niya.
Lumapit siya sa dalawa ngunit hindi agad siya napansin ng kapatid na masama pa rin ang tingin sa kaharap.
"Jae?"
Nilingon siya nito. "Kuya?"
"Anong nangyari?"
Agad niyakap si Kyungsoo ng kapatid. "'Yan kasing higanteng 'yan, hindi tumitingin sa dinadaanan. Nabangga niya ako at muntik nang mahulog si Betty."
"Naku, okay lang ba si Betty?"
"Oo, Kuya. Pero nakakainis pa rin. Hindi na nga ako natanggap sa audition, muntik pang masaktan si Betty." At tuluyan nang naiyak si Jaechan.
Mukha namang naapektuhan ang tinutukoy nitong higante. "I'm sorry, hindi ko sinasadya."
"Dapat lang mag-sorry ka," sumbat naman ni Jaechan.
"Jae, nag-sorry na siya. 'Wag ka nang umiyak."
"Oo nga, hindi bagay."
Tiningnan nang masama ni Jaechan ang kaaway nito. "Umalis ka na nga kung wala kang masasabing matino."
Agad namang umalis ito pagkatapos humingi ulit ng paumanhin.
"Jae, tahan na."
"Ku-kuya. Si Betty. Saka hindi ako natanggap sa audition."
"Awww, baby Jae," sabi ni Kyungsoo habang pinupunasan ang mga luha ng kapatid. "Alam ko hindi madaling tanggapin, pero pwede mo namang subukang muli."
"Actually, Kuya. May audition ulit ako bukas, pero hindi bilang gitarista. Vocalist daw."
"Talaga? Then that's good!"
"Pero mas gusto ko pa rin maging gitarista," sabi ni Jaechan, pouting.
Kyungsoo patted his brother's back. "Malay mo ang pagiging vocalist pala talaga ang para sa'yo, Jae. "Saka hindi naman ibig sabihin noon ay hindi ka na pwedeng maggitara, 'di ba?"
Tumango si Jaechan. "Salamat, Kuya."
Inakbayan ni Kyungsoo ang kapatid. "Uwi na tayo, kailangan mo pang mag-practice para sa audition mo."
*****
Kinabukasan, maagang nagising si Kyungsoo para ipaghanda ng almusal ang kapatid. Ulilang lubos na kasi silang dalawa at siya na lamang ang nag-aasikaso rito.
"Gising na, bunso," ani ni Kyungsoo sa natutulog pang kapatid. "May audition ka pa ngayon."
Umingit lang si Jaechan. Alam ni Kyungsoo kung gaano kahimbing matulog ang kapatid, kaya naman he has to do his last resort. Ang kilitiin ito.
"Ku-kuya... taaaama na!"
"That's the only way to wake you up," sabi naman ni Kyungsoo. "Halika na, 9am ang audition mo, 'di ba?"
"Yes, kuya. Babangon na po. Thank you sa pag-aasikaso sa'kin."
"Pero, bunso, hindi ulit kita masasamahan sa audition mo. Kailangan ako sa coffee shop ni Kuya Minseok eh. May nagbook na customer ng shop para sa isang event eh. Pero mahahatid at masusundo naman kita."
"Okay lang 'yon, Kuya. You're doing more than enough for me. Salamat, Kuya. Love na love kita." Sabay yakap ni Jaechan sa kapatid.
"Oh siya. Mag-asikaso ka na. Nakapagluto na ako ng almusal natin. Kumain ka na bago ka maligo."
"Okay po."
By 8am, nakaayos na si Jaechan para sa audition niya. Hindi nila kasama ngayon si Betty, kaya mas kinakabahan siya. Si Betty kasi, maliban sa Kuya Kyungsoo niya, ang source of comfort niya.
Halos mag-aalas nuwebe na nang dumating sila sa may lobby na ng building ng Dreams Entertainment. Pagkadating nila roon, nagpaalam na rin ang kuya niya upang tumungo sa coffee shop na pinagtatrabahuhan nito.
Agad namang tumungo si Jaechan sa labas ng audition hall sa may third floor. Pagdating niya roon, nagbigay siya ng pangalan sa isang receptionist sa may window. Umupo siya sa may bakanteng silya. Tahimik siyang naghihintay nang may marinig siyang tunog.
Nakabukas ang katapat na pinto sa harap niya at may isang pigura ng lalaki na tumutugtog ng gitara. Sa patuloy niyang pakikinig, mas lalo siyang nagagalingan sa tumutugtog na ito.
"Do Jaechan?"
Naputol ang pakikinig niya ng tawagin ang pangalan niya para pumasok sa loob ng audition hall. Pero bago siya pumasok, nilingon niya ang lalaking tumutugtog ng gitara at bumilis ang tibok ng puso niya.
"Mr. Do?"
"Ako po 'yon!" sagot naman niya at tuluyan na siyang pumasok sa loob ng audition hall. Sinubukan ulit niyang lumingon para makita ang mukha ng tumutugtog ng gitara pero nakasarado na ang pinto ng kwarto.
Napabuntong-hininga si Jaechan. Sana ganoon siya kagaling tumugtog. Nangako siya sa sarili na pag nakapasok siya sa Dreams Entertainment, hahanapin niya ang lalaki at magpapaturo siya rito.
*****
"Seoham, hindi ka na naman nagsarado ng pinto. Naririnig ka hanggang second floor."
"Sorry, na-carried away lang."
"Pasalamat ka, isa ka sa golden boys ng Dreams. Kung hindi, lagot ka."
"Ano ka ba, Jongin? Anong golden boy? Ikaw nga diyan eh. Mismong anak ng CEO, may gusto sa'yo."
"What can we do? I have the looks and the talents."
"Pero sino ka-date mo sa event mamaya?"
"That's for me to know and for you to find out. Which means you should attend."
"Ayoko nga."
"Seoham, please. There will be girls and guys out there."
Seoham shrugged. "Not interested."
"Bahala ka. But, one day, you should learn how to socialize, especially kapag nag-debut ka na."
"I'll cross the bridge when I get there. Ikaw, you should learn how to keep it in your pants, especially kapag nag-debut ka na."
"Contrary to popular belief, I don't have sex with everyone I am with."
Seoham sighed. "Basta ako, I'll wait for the day that someone will tame you."
"And I'll wait for the day that someone will make you feel alive," Jongin retorted.
"I guess we'll both have to wait for something then."